MY FORBIDDEN LOVE (XXXII)

337 20 0
                                    


CHAPTER 32






Lumipas ang mga araw... hanggang sa dumating ang araw ng kanilang pagpunta sa Pilipinas. Tuwang tuwa naman sina Miggy at Gwen nang sabihin nina Carlo at Glen na magbabakasyon sila sa Pilipinas dahil nga first time nilang pumunta doon. Mahigit 30 hours ang naging biyahe nila papunta ng Pilipinas. At dahil wala silang sasakyan ay nag rent na lang sila and kinontrata nila ito for 2 months. Pagkarating nila sa kanilang bahay ay masaya pa silang sinalubong ng kanilang caretaker na si Melvin.





"Good evening po Ma'am Glen, Sir Carlo,.. mabuti naman po nakapag-bakasyon kayo dito sa Pilipinas... mabibigyan na naman ng buhay ang bahay na ito..." masayang bungad ni Melvin kina Carlo at Glen.





"Oo nga Vin eh,.. maraming salamat talaga sa pag-alaga sa aming bahay ha?... siya nga pala... heto oh... pasalubong namin sa'yo... pagpasensyahan mo na ito Vin ah??..." sagot naman ni Carlo sabay bigay ng paper bag kay Melvin.





"Nakuu.. nag abala pa po kayo... maraming salamat po... sige po Ma'am Glen, Sir Carlo... mauuna na po ako... malinis na po ang buong bahay at nakahanda na rin po ang mga kwarto ninyo..." nakangiting sabi ni Melvin kina Carlo at Glen.





"Ay siya nga pala Vin... heto nga pala yung mga anak namin... Ito si Miggy... at ito naman si Gwen... kambal sila..." nakangiting pagpapakilala naman ni Glen sa kanyang mga anak.





"And mga anak?? Ito si Tito Melvin niyo... siya ang nag alaga sa ating bahay nung nasa Puerto Rico pa tayo..." nakangiting sabi ni Glen kina Miggy at Gwen.





"Hello po Tito Melvin!!..." sabay na bati nina Miggy at Gwen kay Melvin.





"Hello Miggy! Hello Gwen!..." nakangiting bati din ni Melvin sa dalawang bata.





"Sige po... mauuna na po ako..." pagpapaalam naman ni Melvin kina Carlo at Glen.





"Sige Vin... ingat ka sa pag uwi..." sagot naman ni Carlo.





"Mga anak?? Welcome to our House..." nakangiting sambit ni Carlo kina Miggy at Gwen.





"Kaninong bahay po ito Daddy??..." agad na tanong ni Gwen kay Carlo.





"Bahay natin ito mga anak... dito kami nag make love ng Mommy niyo dati and dito din namin kayo ginawa.. hehehe..." sagot naman ni Carlo sa kanyang mga anak sabay tawa nito. Si Glen naman ay parang mapupunit ang bibig sa kakangiti.





"Yiiieeee!!! Daddy oh! Kinikilig si Mommy..." pang aasar naman ni Miggy kay Glen.





"Yiiieee!! Mommyyyy!! Dito niyo po pala kami ginawa??..." pang aasar din ni Gwen sa kanyang Mommy.





"Oo na lang mga anak... dito namin kayo ginawa ng Daddy niyo kahit na hindi naman totoo..." natatawang sagot ni Glen sa kanyang mga anak.





"Huwag mo na kasing ideny Hon... dito naman talaga natin ginawa sina Miggy at Gwen ah..." pang aasar na naman ni Carlo kay Glen.





My Forbidden Love: A New BeginningWhere stories live. Discover now