MY FORBIDDEN LOVE (LI)

688 23 8
                                    


Final Chapter






Pagkatapos nilang malaman na magkapatid sina Mike at Glen ay agad namang ipinaalam ni Mike sa kanyang ina ang tungkol sa kanyang totoong pagkatao. Nagulat naman si Mariana matapos niyang marinig ang katotohanan mula kay Mike pero just like what she said before... si Mike pa rin ang magdedesisyon. Pero ayon kay Mike... kikilalanin niya bilang totoong ina si Dayana pero doon pa rin siya titira kay Mariana at bibisita lang siya kina Glen nang sa gayon ay makapag usap naman sila at makilala pa nila ang isa't isa. Hindi naman umangal si Dayana sa gusto ni Mike at tinanggap niya iyon nang maluwag sa kanyang dibdib. Ipinakilala na rin ni Glen si Mike sa kanyang mga anak bilang kapatid nito at Tito nila. Nagulat naman ang kambal sa sinabing iyon ng kanilang ina pero kalaunan ay natanggap din nila iyon.

At dahil nalaman na nga nila ang katotohanan ay nagbago na ang pakikitungo ni Carlo kay Mike. Hindi na niya ito pinagseselosan at palagi na niya itong pinapansin at kinakausap. Patuloy pa rin si Mike sa panliligaw nito kay Jasmine. Palagi na niya itong hinahatid pauwi sa kanilang bahay. Nagkakilala na rin si Mike at ang anak ni Jasmine na si Coco at ipinakilala ito sa kanya na manliligaw ng kanyang ina. Hindi naman umangal si Coco dahil nakikita niyang masaya ang kanyang ina at tatanggapin niya si Mike bilang bago niyang ama.





Lumipas ang isang taon...





"Wait! Mike!! Ano ba ito??.. bakit ako ang naka blind fold??.. ikaw ang may Birthday ah.." pagrereklamo naman ni Jasmine habang naglalakad sila ni Mike.





"Relax lang Jas... ako'ng bahala sa'yo..." natutuwang sagot ni Mike kay Jasmine.





Di katagalan ay narating na nilang dalawa ang pupuntahan nila. Agad namang sinabihan ni Mike si Jasmine na tanggalin na ang blind fold nito.





"Ano ito Mike??.." gulat na tanong ni Jasmine kay Mike.





"Matagal ko nang pinaghandaan ito Jas... and I think this is the right time para itanong ko na ito sa'yo..." nakangiting sagot ni Mike sabay luhod nito sa harap ni Jasmine.





"Jasmine Montenegro de la Vega... Will you marry me??..." nakangiting tanong ni Mike sabay bukas ng maliit na box na naglalaman ng engagement ring.





"Miiiikkkkeeee!!!!..." biglang sambit ni Jasmine sabay pamumuo ng luha nito.





"Will you marry me Jas??..." tanong ulit ni Mike kay Jasmine.





"Yes Mike!! Yeeeeessss!!.." tuwang tuwa na sagot ni Jasmine sabay palakpak naman nina Glen, Carlo, Dayana, Mariana, Miggy, Gwen at Coco.





Agad namang tumayo si Mike at agad na niyakap si Jasmine.





"I love you Jas!!..." tuwang tuwa na sambit ni Mike sabay hiwalay nito kay Jasmine at agad na hinalikan ito sa labi.





"Mahal na mahal din kita Mike..." tuwang tuwa din na sagot ni Jasmine pagkatapos nilang maghalikan.





Pagkatapos na magpropose ni Mike kay Jasmine ay agad na silang nagplano ng kanilang kasal. At dahil nagtatrabaho si Jasmine sa kumpanya ni Glen sa Puerto Rico ay napagdesisyunan nila ni Mike na doon lang sila ikasal sa Pilipinas pero sa Puerto Rico pa rin sila maninirahan bilang mag asawa dahil baka mahirapan si Glen sa kanyang mga trabaho lalo na't si Jasmine lang ang nakakaalam ng halos lahat ng ginagawa ni Glen sa opisina. Ilang buwan lang din ang lumipas at nabalitaan na lang nila na buntis na si Jasmine at kambal na lalaki ang anak nila ni Mike. Nasa lahi na nga nila ang magkaroon ng kambal na anak.





My Forbidden Love: A New BeginningWhere stories live. Discover now