MY FORBIDDEN LOVE (L)

379 18 0
                                    


CHAPTER 50






Isang oras ang lumipas... habang abala naman si Glen sa kanyang mga ginagawang mga papeles ay dumating na rin sina Mike at Jasmine. Dali dali namang lumapit si Mike at agad na niyakap nang mahigpit si Glen at hinalikan pa ito sa pisngi sabay iyak nito. Pati si Jasmine ay lumuluha rin kaya nagtaka naman itong si Glen.





"Huyy!! Kung makayakap ka naman sa akin Mike para namang ang tagal tagal nating hindi nagkita ah.." natatawang sambit ni Glen sabay haplos nito sa likod ni Mike.





"Natagpuan na kita Glen..." umiiyak na sambit ni Mike habang yakap pa nito si Glen.





"Huh?? Ano'ng sinasabi mo Mike?? Huyy!! Jasmine!! Ano'ng nangyari dito??..." nagtatakang tanong ni Glen kay Jasmine.





"Miss G..." lumuluha at nakangiting sambit ni Jasmine kag Glen.





"Ano'ng nangyayari sa inyong dalawa??..." patuloy lang na tanong ni Glen dahil lalong lumakas ang iyak ni Mike.





Agad namang humiwalay si Mike at iniabot ang sobre kay Glen. Nagtaka naman si Glen kung ano yung laman ng sobre kaya agad na niya itong tinignan. Nang makita niya ang nakasulat ay may namuong luha sa kanyang mga mata. Nang tinignan ni Glen si Mike ay nakangiti na ito sa kanya.





"Ikaw ang kakambal ko Mike??.,.." hinihingal na tanong ni Glen kay Mike.





"Gleeeeennnnn!!!!... ikaw ang nawawala kong kakambal!!..." malakas na pag iyak ni Mike sabay yakap nito ulit kay Glen.





"Miiiikkkkeeeee!!!!.." pag iyak din ni Glen habang magkayakap silang dalawa ni Mike.





"Ang tagal tagal na nating magkasama pala..." umiiyak na sambit ni Mike.





"Hindi ko akalaing matagal ko na palang nakakasama ang nawawala kong kapatid..." umiiyak na sagot ni Glen habang hinahaplos nito ang likod ni Mike.





Ilang saglit pa ay pumasok naman si Dayana at nagulat ito nang makita niyang nag iiyakan sina Glen at Mike.





"Bakit kayo umiiyak?? Ano'ng nangyari sa inyong dalawa??..." gulat na tanong ni Dayana kina Mike at Glen.





Agad namang humiwalay si Glen kay Mike at dali daling niyakap ang kanyang ina.





"Mommyyyyyyy!!!!..." umiiyak na sambit ni Glen pagkayakap nito kay Dayana.





"Bakit anak?? Ano'ng problema??..." nag aalalang tanong ni Dayana kay Glen.





Hindi naman sumagot si Glen at humiwalay lang siya ng yakap sa kanyang ina at agad na inabot ang result ng DNA test nilang dalawa ni Mike. Pagkabasa ni Dayana ng result ay gulat na gulat ito sa resulta.





"Mike???.." habol hiningang sambit ni Dayana matapos niyang makita ang DNA results.





"Miiikkeeee!!..." medyo pasigaw na sambit ni Dayana.





My Forbidden Love: A New BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon