01: Love is patient

2.3K 33 1
                                    


NAKAKAILANG buntong hininga na ako dahil napakaboring ng subject na ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAKAKAILANG buntong hininga na ako dahil napakaboring ng subject na ito. Ang katabi ko nga'y nakapikit na dahil napakabagal pang magsalita ng professor namin.


Nagsisi tuloy agad ako noong pinili ko ang subject na 'to kesa sa trabaho ko ngayong araw. Nakaltasan na nga ako ng swedo, ngayon naman ay wala pa akong natutunan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong tumitingin sa relo ko para tingnan ang oras at hilingin na sana matapos na ang klaseng ito.


"Class dismissed."


Para akong preso sa kulungan na nasabihan na lalaya na ako. Nagpaalam agad ako kay Nirca, kaibigan ko, na pupunta na ako sa trabaho. Nakasalubong ko pa si Renice at ang nobyo niyang parang linta kung makayapos sa kanya. Nasa likod naman nila si Laurel na kaibigan ko rin na may sabit pang gitara sa likuran niya.


Dali-dali akong pumara ng jeep nang makakita ako agad. Buti na lang at hindi pa punuan dahil hindi pa labasan ng mga nursing students.


"Bayad po," hinabaan ko ang kamay ko para magpaabot ng pera pero walang tumatanggap non. Natahimik ang kanina'y maingay na sasakyan noong dumating ako. Napatingin sa akin lahat ng tao roon. Pakiramdam ko tuloy ay isang malakas na hangin ang sumalubong sa akin.


Nang makamoveon na sila sa mukha ko ay inabot na nila ang bente pesos ko sa driver. "Saan 'to?" Tanong nung driver.


"Sa Classic Taste Restaurant po," sabi ko agad. Hinanap ko ang cellphone ko para magtext sa manager na malelate ako dahil traffic ngayon. Kailan ba nawalan ng traffic?


Nang makita ko ang iisang word na reply nito na, 'okay' ay isinaksak ko na lang ang earphones ko sa tenga ko at nagpamusic na lang ako.


♪ Beauty queen of only eighteen, she had some trouble with herself ♪
♪ He was always there to help her, she always belonged to someone else ♪
♪ I drove for miles and miles, and wound up at your door ♪
♪ I've had you so many times, but somehow I want more... ♪


Pumatak ang aking luha kasabay ng aking tahimik na pagkanta. Naaalala ko ang lalaking nanloko sa akin. Sabi nila, maganda raw ako. Hindi lang maganda, sobrang ganda. Pero bakit ako iniwan?


Napatingin ako sa last conversation namin. Ang nakalagay roon ay 21 minutes na call namin, doon niya ako sinabihan na isang taon na niya akong niloloko at nakikipagbreak na siya sa akin dahil 'naaawa' na raw siya sa 'kin. Kasunod noon ay ang message niya na, 'huwag ka na magreply, gumising ka sa katotohanan at 'wag mo nang saktan pa ang sarili mo.'

I Own That Billionaire (Les Tendres Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon