03: Love does not envy

1K 27 0
                                    

DALAWANG ARAW akong natulala dahil sa nalaman ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DALAWANG ARAW akong natulala dahil sa nalaman ko. Magkaibigan silang dalawa ni Jarmin?! Napakaliit naman ng mundong iyon kung ganoon. Bakit sa dinami-rami ng pwede maging kaibigan ni Cadmus ay ang ex ko pa?!

Ngayong araw ay nag-aya si Cadmus na pupunta kami sa isang golf course. Doon din kasi sila magkikita ng kapatid niyang babae na halos malapit sa edad ko lang. Diecisiete anios kasi ito.

Kahit talaga sa meeting place nila, expensive pa rin! Eh ako nga naglulupasay lang ako sa tabing kalsada pag makikipagmeet up ako sa mga kaibigan ko!

Kagigising ko lang nang makarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto. Hindi pa ako sanay sa mga nakikita ko kaya natulala muna ako nang ilang minuto bago ako tuluyang nakatayo para pagbuksan ng pinto ang kumakatok.

"Pwedeng pumasok?"

"Cadmus!" Tawag ko sa pangalan nito. "Oo naman... Sige. Pasensya ka na, kagigising ko lang eh."

"That's for you," may ibinigay sa akin si Cadmus na isang paper bag. Sa print pa lang na nasa labas nito ay nalaglag na ang eyeballs ko. "Pick one there and use it today. If you don't like it, tell me. We'll choose again. I'm the one who chose that, by the way..." Napansin ko na naman ang nag-iiwas niyang tingin. Nahihiya ba siya? Hala!

Walanghiya, isang bag ng Christian Dior at Chanel! Kaloka! Partida, binibigyan pa nila ako ng pera ha. Pinatira pa ako rito tapos ngayon, ito? Sobra sobra na 'ata ito!

"It's not too much... You're doing me a favor too." Ngumiti ito sa akin. Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti nang hindi nagpipigil. "Kumain ka na?"

"Opo," kusang sumagot ang bibig ko dahil sasabog na ang puso ko sa kilig. Wala naman talaga sa materyal na bagay ang hilig ko kung makikipagdate ako sa lalaki pero ngayon, peke pa ang relasyon namin pero kinikilig na agad ako. "Kailan tayo magsisimulang magpanggap?" Tanong ko.

"Today."

"Huh?!" Bulaslas ko. Nahulog ko tuloy ang hawak kong paper bags. "Kaloka! Sana pala madaling araw pa lang ay nagising na ako!"

"Bakit naman?" Takang tanong nito habang pinupulot ang nahulog na paper bags para iabot ulit sa akin. Bago pa man ako makasagot ay nagulat na lang ako nang punasan niya ang mata ko. Hala, oo nga pala! Kagigising ko lang! Pinunasan niya pa ang muta ko.

"P-para makapag-ayos, syempre..."

"Maayos ka na naman na ah... Kahit bagong gising ka pwede ka na sa runway show. May muta ka nga lang." Tumawa ito kaya pabiro ko siyang hinampas. Nagulat ako nang pasimple niyang kinuha ang kamay ko. Magtatanong pa sana ako nang pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa. "I'm planning to buy you a bracelet. Which do you prefer more? A bracelet, necklace, a ring or watch? Nevermind. I'll get everything."

Natulala ako sa sinabi niya pero hindi pa rin ako makamoveon sa kamay niyang nakasiklop sa kamay ko.

Dug dug. Dug dug.

I Own That Billionaire (Les Tendres Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon