04: Love does not boast

926 20 0
                                    

After that day, laging dumadalaw si Cadesia sa mansion nilang mag-aama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

After that day, laging dumadalaw si Cadesia sa mansion nilang mag-aama. Ang sabi sa akin ni Manang Aida, hindi naman daw 'yon kadalasang pumupunta rito dahil nabuburyong at walang makausap. Pero nandito na ako kaya may dahilan na raw ito para pumunta rito.

Hindi naman nakakapagod ang paglalaro namin ng golf kahapon. Nag enjoy pa nga ako at hindi ko namalayan ang oras.

Ngayong gabi naman ay inaya ako ni Cadmus sa isang dinner. Baka raw kasi maging busy siya sa mga susunod na linggo dahil marami pa siyang aayusin. Gusto niya ring pumunta kami sa isang 'date' nang magkasama para hindi magduda ang kapatid at ama niya.

Kasalukuyan kaming nagme-makeup ni Cadesia. Parehas kami naglalagay ng lipsticks niya dahil napakarami niyang koloreteng gamit. Gusto niya raw i-try kasama ako dahil ako raw ang model. Nakatapat pa kami sa salamin para makita ang repleksyon ng isa't isa.

"Ate we're now friends right?"

Tumango ako. "Oo naman!"

"So tell me the truth."

Napatigil ako sa paglalagay ng MAC lipstick niya dahil sa sinabi niya. Ano kaya ang gusto niyang malaman? Kinabahan tuloy ako.

"Your name is Erin right?"

Natigilan ako sa tanong nito. Paano niya nalaman agad? Gayo'y alam ko na sa una pa lang, sinabihan na ni Cadmus ang mga kasambahay na huwag magsasabi ng kahit anong tungkol sa totoo kong buhay.

"Y-Yes..."

Ngumiti siya. "I know it's not you the first time we first met. I actually got a little nervous when dad said Kuya's with Amber. I hate that girl so much. She's so maarte! I even gave her my Dior cosmetic collection just so we can be friends then malalaman ko lang na niloko niya si Kuya. That bitch! I'm really glad mas maganda ka pa roon sa babaeng 'yon. Mas mabait pa! Wala pa siya sa paa mo, Ate Erin!"

Tumawa ako rito. "Can you promise me you will not tell Cadmus about this?"

"Sure!" Sagot niya agad sabay yakap sa akin.

If only you knew... It's all just a deal.

***

"Sino 'yon? Mga kaibigan mo?" Turo ko roon sa grupo ng mga lalaking naka business attire. Iilan doon sa mga iyon ay mukhang nasa 30s na.

"Yes," sagot ni Cadmus. "Some of them are also my business partners."

"Grabe, hindi lang pala ikaw ang business minded, pati friends mo! Bigatin pala talaga kayong lahat."

Humalakhak ito. "You could say that." Sabay kindat. "Pumunta lang sila rito dahil ikakasal na naman ang isa pa naming kaibigan. Well damn, our other friends' wedding just finished and now there's another one." He scratched his ears.

"I mean they're in their 30s so..." Ngumiti ako sabay silip sa mga kaibigan niyang nakatingin din sa direksyon namin. "Everyone deserves to be loved too. Hindi naman puro work nang work. Nakakapagod kapag ganoon palagi."

I Own That Billionaire (Les Tendres Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon