05: Love doesn't dishonor others

846 20 0
                                    

"Grabe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Grabe... Ibang klase talaga ang kagandahan ng fezlak mo, sis... Nakabingwit ka ba naman ng bilyonaryo. Kaloka, para kang female lead sa isang nobela. Sana all talaga, 'akla!" Hinawakan pa ni Laurel ang pisngi ko.

Hindi ako matigil katatawa dahil sa mga komento ng mga kaibigan ko sa mansion nila Cadmus. Inimbitahan sila rito ng pekeng nobyo ko. Sa una ay todo tanggi pa ako dahil nakakahiya na pero nagpumilit sila at gusto rin naman ni Cadmus kaya dinala sila rito ng driver ng mga Arcajante.

"May klase ba kayo?"

"Makakapunta po ba kami rito kung meron... hehe." Magalang ngunit sarkastikong tugon ni Laurel kay Cadmus.

Tumango si Cadmus. "Let's go somewhere then."

"Saan naman?" Tanong ko habang nakapasan ako kay Nirca. "Okay lang naman kahit dito na lang..." Sabi ko dahil nahihiya na talaga ako sa kanya.

"I'm your boyfriend. You own what I own. No need to be shy, guilty or anything negative about it." Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. Pagkatapos noon ay tumingin siya sa mga kaibigan ko. "Let's go?"

Nagtilian naman ang mga loka-loka. "G na g!" Sabay sabay nilang sigaw tsaka nagtalon talon. Bumaba naman ako mula sa pagkakapasan ko kay Nirca para sundan si Cadmus.

"Saan naman tayo pupunta ngayon?"

"It's a secret. Trust me this time." Kumindat ito sa akin.

Nang sumakay kami sa kotse ay tuwang tuwa ang mga loka loka. Dumaan kami sa isang malaking building na may rooftop. Tumingin kami sa taas nang makarinig kami ng malakas na tunog mula roon. Nanlaki ang mga mata ko nang makakita ako ng Helicopter doon! Hindi nagtagal ang paglaki ng aking mga mata dahil napakahangin at baka mapuwing pa ako.

"What in the hell bro..." Natulala si Renice habang tinitingnan din 'yon. "Anong gagawin natin dito, Kuya Cadmus?"

"We're riding that.." tinuro ni Cadmus ang helicopter sa taas. "I'm the pilot." Tinuro niya ang sarili.

Nalaglag ang panga naming apat sa sinabi niya. Siya na nga ang may sariling helicopter, dinala niya pa ang mga kaibigan ko rito at ngayon naman, siya pa ang magd-drive? Mababaliw talaga ako kaka-overthink sa mga pasabog na ginagawa niya e!

"Seryoso ka ba? Weh?" Hindi mapigilan ni Nirca ang kanyang bibig. "Sana all na lang po talaga sa inyong dalawa. Kaya pala noong nagpasabog ng talent si Lord walang natira sa akin kasi sinimot niyo."

"Sana all muna kasi may boyfriend," umiling si Laurel. "Sorry ito lang ako, Cadmus, Erin, pabigat lang ako." Pagd-drama pa nito.

"Puro kayo kalokohan." Tumawa ako tsaka humarap kay Cadmus. "Anong oras tayo aakyat doon sa taas?"

"We're going there now." Sagot niya.

Habang paakyat kami sa taas ay hindi ko na mapigilan ang mapangiti. Oo na aaminin ko na! Excited na rin ako tulad ng mga kaibigan ko. Ngayon ko lang kasi ito naranasan eh. Bakit ba?! Nang makaakyat na kami sa taas ay rinig na agad namin ang maingay na helicopter. Umiikot na kasi ito.

I Own That Billionaire (Les Tendres Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon