07: Love isn't easily angered

744 18 2
                                    

Hindi ko na ikukubli, siguro nga may gusto na ako kay Cadmus

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko na ikukubli, siguro nga may gusto na ako kay Cadmus. Eh ano naman kung pulubi ako tapos siya ginto? Eh hindi ko naman siya gagamitin. Gusto ko na talaga siya. Hindi lang niya naabot ang standards ko, sinobrahan niya pa. Sa maikling panahon na magkasama kami ay nararanasan kong tumawa nang mas mahabang panahon 'di tulad nang dati.

Wala na akong paki kung iiwan ko na sa huli ang sakit na mararanasan ko. Masaktan? Okay. Normal lang 'yon. Sumugal ako kasi mahal ko. Hindi ako susugal kung wala siyang potensyal na pinapakita sa akin.

Dalawang buwan na pala simula noong tinanggap ko ang imbitasyon para maging pekeng nobya ni Cadmus? Ang bilis ng panahon.

Bumibisita rito ang kapatid niyang si Cadesia, ang mga kaibigan ko at mga kaibigan niya. Hindi siya nawawalan ng oras sa akin kahit sa aming dalawa ay wala namang umaamin na may gusto sa isa't isa.

Dinadala niya ako sa kung saan saan. Sa mga carnival, photo booths, parks, maraming dinner dates, book dates at marami pang klaseng dates.

Ngayong araw ay bibisitahin ko siya muli sa kanyang opisina para hindi niya na ako kailanganing sunduin pa rito sa mansion. Nitong mga nakaraang araw ay medyo nagiging busy siya pero never siyang nagreklamo sa akin na pagod siya pag nag-aaya ako ng mga date kaya gusto kong bumawi sa kanya.

Ang sabi niya, pupunta kami ngayon sa puntod ng yumaong ina niya dahil gusto niya akong ipakilala rito. Noong narinig ko 'yon ay halos maluha luha ako dahil kilala ko siya bilang isang napaka-pribadong tao pero ngayon ay ipapakilala niya na agad sa akin ang kanyang ina. Dalawang buwan pa lang kaming magkakilala ah? Ganoon niya ba ako pinagkakatiwalaan?

Malapit nang matapos ang kasunduan... Pagkatapos non, hindi ko na alam ang sunod.

"Ma'am, binigay na po ba sa inyo ni Manang Aida 'yung pinapabigay ni Senyorito Cadmus?" Tanong noong blonde na kasambahay sa akin noong makababa ako sa hagdanan. Naging mabait na rin ito sa akin dahil siguro nakita na mukhang totoo talaga ang bondings namin ni Cadmus.

"Hindi, meron pala siyang pinapabigay?" Kumunot ang nuo ko. "Ano naman kaya 'yon?"

"Ito po ma'am..." Binigay niya sa akin ang isang folder. May mga bondpaper doon na puno ng eleganteng desenyo at naaamoy ko roon ang panlalaking pabango niya. "Mga tula raw ho 'yan na ginawa ni Senyorito Cadmus para sa inyo." Sabi nito at ngumiti sa akin.

Tula?

Napangiti ako habang binibilang kung ilang piraso ng papel 'yon. Sampong piraso! Hindi lang 'yon... Punong-puno pa ng mga salita sa harap at sa likod. Kinuha ko ito palabas nang biglang may mahulog na isang maliit na papel.

'My dear Erin, I'm sorry if this one's boring for you and it'll tire you because it's a lot of words. These are my poems that I've written since the day we met. No words can explain how beautiful you are.'

Napangiti ako. But why is he suddenly giving me this? Is there any occasions today?

"Happy birthday po, Ma'am Amber!" Biglang nagsilitawan ang mga ilaw mula sa kung saan. Si Manang Aida ang unang bumati. Sunod kong natanaw si Cadesia at si Senyor Arcajante sa gilid. Nandoon din ang mga kaibigan ko si Laurel, Renice at Nirca!

I Own That Billionaire (Les Tendres Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon