09: Love does not delight in evil

745 22 1
                                    

Papasok pa lang ang kotse sa mansion ay nakita ko na agad si Cadmus sa labas at panay ang tingin sa gate

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Papasok pa lang ang kotse sa mansion ay nakita ko na agad si Cadmus sa labas at panay ang tingin sa gate. May tinitipa rin ito sa kanyang cellphone habang nakatingin pa rin sa labas. Alam kong gumagawa siya ng mensahe sa akin kaya tunog nang tunog ang cellphone notifications ko.

Nang makita niya ang sasakyan ng ama niya ay parang wala lang ito sa kanya. Ang akala siguro'y nag-iisa lang ang Senyor Arcajante.

Unang bumaba ng sasakyan si Cadesia. Napatingin doon si Cadmus pero agad ding bumalik ang tingin nito sa gate. Nakita ko pang tinuturo siya ni Cadesia at pinagtatawanan sa hindi malamang kadahilan dahil nasa loob pa ako ng kotse.

"Come out when you're ready, Erin," ngumiti sa akin si Senyor Arcajante.

"Opo, Senyor Arcajante---"

"Papa. Can you call me 'Papa' instead of that, Erin?"

Natulala ako rito. "A-Ano po?"

Ngumiti lang ito at nagtanggal na ng seatbelt bago lumabas.

Napangiti rin tuloy ako. Grabe! Kinikilig na talaga ako kahit sa pamilya ni Cadmus. Sayang lang at hindi kami nakapunta ng puntod ng ina ng mga Arcajante kasi sure akong napaka bait niyang tao dahil ganito ang pamilya niya.

Tumingin si Cadmus sa direksyon ko nang may ibulong si Cadesia sa kanya. Nakita ko ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Tinanguan niya si Cadesia bago siya naglakad papunta sa kotse.

Shocks! Sinabi ba ng sisteret niya na nandito ako? Paano na?! Saan ako pupunta?! Saan ako magtatago?! Gagi naman... bakit pa kasi ako pumunta rito?! Hays!

Nakapamulsa pa ang mokong papunta rito. Wala manlang itong pasabi na papasok siya rito sa kotse kahit katok manlang. Nagdire-diretso ito papasok ng kotse. Palabas na sana ako nang bigla akong hilain nito at siilin ng halik.

Nanlalaki ang mga mata ko pero hindi ako nanlaban. Ang isang kamay ko'y hawak niya at ang isa naman ay nakababa pero 'di kalauna'y inilagay ko ito sa dibdib niya.

"Dang, I've never craved for a lip more as much I crave yours." He stared at me with full of desires.

"P-Para saan 'yon? Bakit mo ako hinalikan?!" Namumula na ang pisngi ko sa hiya.

"Hinalikan? You mean, like this?"

Hinalikan ako ulit nito pero ngayon ay gumagalaw na ang kanyang labi at mas mariin ito kesa sa binigay niyang halik sa akin kanina pa. Hindi gumagalaw ang labi ko kaya mas lalo siyang nagsumikap na pagalawin ito sa pamamagitan ng painit nitong paghagkan sa akin.

"I-I'm sorry again... I made you mad again. I'm really sorry. I will tell you every details." Umakbay siya sa akin pero inismiran ko siya. Hindi pa kami bati pero kung maka-tsansing siya, wagas! "Is this okay? Is it okay if I do this?" Nag-aalalang tanong nito sa akin.

"Ang ano? Akbayan ako? Eh ginagawa mo na!"

Tumawa ito. "But still..."

"Oo na! Oo na!" Namula ang pisngi ko.

I Own That Billionaire (Les Tendres Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon