10: Love always protects

759 19 0
                                    

"Cadmus?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Cadmus?"

"Yes?"

Nasa sasakyan kaming dalawa. Mula kahapon ay hindi pa kami umuuwi ng mansion. Pagkauwi namin mula sa sementeryo ay dumiretso kami sa isang parke malapit dito.

"Tanong ko lang ha, okay lang kung hindi mo sagutin kasi naiintindihan ko medyo uncomfortable. Gusto ko lang malaman..."

"What's that?" Pumihit siya sa akin. Saktong huminto ang sasakyan dahil traffic na naman.

"Ilang taon kayong nagkaroon ng relasyon ni Amber?" Curious kong tanong. Sorry, pinigilan ko naman ang bunganga ko pero talagang puro katanungan ang isipan ko.

"Almost two years..." He answered. "Mas tatagal pa naman tayo roon kung magkakaroon tayo ng relasyon." Simpleng sagot niya bago humarap ulit para paandarin ang sasakyan.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nito. Ni hindi pa nga ako nakakamoveon sa sinabi niya kahapon! Kung ganoon, gusto nga niya ako!

Nag-init ang aking pisngi habang iniisip ko lang 'yon. Sa bintana ko na lang inilagay ang aking tingin upang hindi niya makita ang namumula kong mukha.

Kanina sa park ay binilhan ako ni Cadmus ng lobo, cotton candy at ilan pang binibili ng mga bata. Napasaya niya ang inner child ko sa ginawa niya. Ang dami niyang nagawa sa akin. Magsusumikap akong mag-aral ng mabuti para maging CEO kagaya niya.

Sumandal ako sa kanya nang makaramdam ako ng antok pero agad ko rin iyong tinanggal nang maalala kong nagd-drive nga pala siya.

Papunta kami ngayon sa company building. Sabi niya kasi, pwede ako roon. Ang ikinababahala lang niya ay baka ma-buryong ako roon pero sinabi kong hindi naman.

Pagkapasok namin sa loob ay tumayo agad ang mga tao para mabati ako't si Cadmus. Bumabati naman pabalik si Cadmus pero hindi siya nagsasalita. Yumuko't sumesenyas lang ito sa kanila. Ngumiti na lang din ako't kumaway sa mga bumabati sa akin habang naglalakad kami.

Nakasalubong namin si Rachel sa may elevator. Mukhang nagmamadali siya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako at tila mas lalo itong ninerbyos.

"Good morning, Mr. Arcajante, Ms. Erin!" Bati nito sa amin.

Mukhang gusto niyang kausapin si Cadmus pero hindi makakuha ng tyempo. Ang ginawa ko'y lumayo ako nang kaunti para makapag-usap sila pero mas pinili nitong manahimik na lamang.

Pagkapasok namin sa floor na iyon ay nanlaki ang mga mata ko at noong babaeng nasa harapan ko ngayon. Napatingin siya sa aming dalawa ni Cadmus habang nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat.

"Amber..." Bulong ko sa pangalan nito.

Ano kayang ginagawa niya rito?

Tinaasan niya ako ng kilay. "Erin? Nagt-trabaho ka rin pala rito. Ang bilis mong makahanap ng trabaho ah?" Peke niya akong nginitian.

I Own That Billionaire (Les Tendres Series #1) Where stories live. Discover now