13: Love always perseveres

635 19 0
                                    

"I will end him, Erin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I will end him, Erin. I will end Cadmus."

Pumihit ako paharap sa kanya. "Anong sabi mo?"

"Make a deal with me, Erin. Let's make a deal."

I scoffed. Dali-dali akong bumalik sa aking inuupuan dala ang kaba sa aking dibdib. Ano na naman ba ang pinagsasabi niya? Tinatakot niya na naman ako kasi ayaw kong balikan? Ganyan na ba talaga siya kadesperadong mabalikan ko?

"Deal? What the hell are you talking about?"

"You know I can end him easily... I already told you about it. I will stop my father's plan on ending him in two conditions."

"Tinatakot mo na ako?" Tumawa ako at hinampas ang mesa. "Hinding-hindi ako matatakot sa pera mo, Jarmin," seryoso kong sabi rito.

Tumingin lang siya sa akin. "Did you notice that Cadmus is struggling more in his work these past few days?"

Huh? Tama siya! Talagang mas nagiging busy sa trabaho niya ngayon si Cadmus. Paano niya nalaman? Siya ba ang may pakana non?

"That's just the beginning, it'll get worse and worse everytime you decline me until he finally falls. You love him right? Do you want to see him suffer?" Mukhang ine-enjoy pa nito ang pang-iinis sa akin.

"I'm not like you!" Kinuyom ko ang aking kamao. Sobrang diin ng pagkakatusok ng kuko ko sa aking palad na para bang magsusugat na ito anumang oras. "Tell me the conditions."

Kahit tapak-tapak na ang pride ko, gagawin ko 'to. Lagi na lang si Cadmus ang nagpapasaya sa 'kin. Tinutulungan niya ako ng walang kapalit, binibigyan ng oras kahit pagod na siya, nagbibigay ng walang kapalit at marami pa. Siya na lang palagi. It's my turn to return the favor.

I'm sorry, it'll hurt temporarily... You'll forget about me someday. You'll find a girl prettier than me, smarter than me, taller than me, more kind than me, richer than me and... A girl who'll stay true and faithful to you unlike me.

"What will you name your company when you create one?"

"Hyacinth..." Sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya. Nag-aayos ako ng gamit. Ito na ang huli naming pagkikita.

"That's a beautiful name... What's the reason why you chose it?" Napahinto ito saglit, marahil napansin na marami akong kinukuhang damit. "A-Are you going out with your friends?" Sa tono nitong kahit medyo nanginginig ay masaya pa rin, aakalain mong siya pa'y mas excited kesa sa akin.

"No," simpleng sagot ko.

"Then where are you going, baby?"

Napahinto ako sa tono nito. Mukhang wala siyang kaide-ideya sa gagawin ko. Todo pagpipigil ako ng luha kong halos hindi na matigil ilang linggo na. Ayokong maranasan niya rin 'to.

"C-Cadmus," I tried to stay calm but I can't. I ended up shaking my own voice. "I'm leaving..."

"Where are you going? Can I go with you?"

I Own That Billionaire (Les Tendres Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon