MY FORBIDDEN LOVE (IV)

434 22 0
                                    


CHAPTER 4






Masayang ipinagdiwang ng buong pamilya ang kaarawan ni Glen. May kaunting kalungkutan kasi wala ang ina ni Glen dahil nga nasa business trip pa ito pero hindi ito hinayaan ni Carlo na maging malungkot ang kanyang asawa at ginawa niya ang lahat para hindi makaramdam ng kahit na ano'ng kalungkutan si Glen. Habang masaya silang kumakain ay kaagad namang kinamusta ni Glen ang eskwela ng kanyang mga anak.





"How was your day at the school mga anak??..." agad na tanong ni Glen sa kanyang kambal.





"It was great Mommy... Gwen and I are still gaining more friends..." nakangiting tugon ni Miggy.





"Aww.. Very good naman pala ng mga baby ko... Napaka friendly... Mabuti na lang at hindi kayo nagmana sa Daddy niyo.." natatawang tugon ni Glen.





"Bakit Mommy?? Ano po ba si Daddy??.." nagtatakang tanong naman ni Gwen.





"Oo nga Mommy.. Ano ba ako??.." pa cute naman na tanong ni Carlo.





"Na masungit!!.." natatawang tugon ni Glen sa kanyang asawa.





"Ohh?? Talaga Daddy?? Masungit ka pala??.." nagtatakang tanong ni Miggy sa kanyang ama.





"Paano naman akong hindi magiging masungit mga anak.. Eh napakaselosa ng Mommy niyo... Ayaw niya kasing may umaaligid kay Daddy... Makita niya lang na may babaeng lumalapit sa akin eh para na siyang si Jean Grey ng X-Men kung magalit..." pagyayabang ni Carlo sabay tawa nito.





"Yiiieee... In love na in love talaga si Mommy kay Daddy oh..." pang aasar naman ng kambal kay Glen.





"Hayyyy... Oo na.. Ako na ang selosa.. Eh kasi naman mga anak.. Kung ganito ba naman kagwapo.. Hindi mo ba ipagdadamot???..." natatawang tugon ni Glen sa kanyang mga anak sabay haplos nito sa pisngi ni Carlo.





"Tested and Proven mga anak.. Kitang kita ang ebidensya na in love talaga sa akin ang Mommy niyo kaya ipinagdadamot niya ako sa iba..." natatawang tugon ni Carlo sa kanyang kambal.





"And besides... gusto niyo bang makita na iba ang kasama ng Daddy niyo??..." dugtong na tanong ni Glen sa kanyang kambal.





"Of course not!! We won't let anyone go near around Daddy... subukan lang nila... kami lang at si Mommy lang ang pwedeng lumapit kay Daddy..." tugon naman ni Gwen sabay taas nito ng kilay na ikinatawa naman nilang lahat. Nagmana talaga ng katapangan itong si Gwen sa kanyang Mommy na si Glen.





"Yeaah!! Si Daddy ay para lang kay Mommy! Period!.." dugtong naman na sagot ni Miggy.





"Aww... ang sweet naman ng mga baby ko... no worries... si Mommy lang ang mamahalin ni Daddy.." nakangiting sagot ni Carlo sa kanyang mga anak.





"Yiiieee... Kiss!! Kiss!! Kiss!!..." agad na sambit ni Miggy sa kanyang mga magulang.





"Kiss na yaaan!!..." dugtong din ni Gwen.





My Forbidden Love: A New BeginningWhere stories live. Discover now