MY FORBIDDEN LOVE (III)

435 22 0
                                    


CHAPTER 3






Glen's POV



Habang abala ako sa pag pipirma ng mga papeles na naka hilera sa table ko ay bigla namang nag ring ang phone ko. Ringtone na may gustong makipag facetime sa akin. Napangiti na lang ako dahil kilalang kilala ko kung sino yung gustong makipag facetime sa akin. Kaagad kong itinigil ang ginagawa ko sa mesa at dali daling sinagot ang tawag.





"Baaaabbeeeeeee!!! Happy Happy Birthday sa aking pinakamamahal na bestfriend!!..." tuwang tuwa na bungad sa akin ni Mike.





"Aaaahhhh!! Baaaaabeeee!! Happy Happy Birthday din sa aking napakagwapong bestfriend!!..." masayang bungad ko din kay Mike pagkatapos niya akong batiin.





"Kamusta na ang mahal kong bestfriend??..." malambing na tanong ni Mike sa akin.





Alam niyo? Sa totoo lang... kinikilig pa rin ako kapag ganito kalambing ang pananalita ni Mike sa akin. At aaminin ko... namimiss ko pa rin ang mga panahon na naging boyfriend ko siya. Namiss ko kung gaano siya kalambing sa akin... namiss ko ang kanyang mga titig at higit sa lahat... palagi kong namimiss ang boses niya.





"Heto babe... miss na miss na kita... eh ikaw? Kamusta ka na diyan??..." agad ko ding tanong kay Mike.





"Ganun din babe... miss na miss na rin kita... wala ka pa ring kakupas kupas... ang ganda mo pa rin..." nakangiting sagot ni Mike na lalong nagpakilig sa akin.





"Ikaw babe ha! Hanggang ngayon... Bolero ka pa rin..." natatawang sagot ko kay Mike.





"Totoo naman yun babe ah... lalo ka pa ngang gumaganda eh... kung single ka pa nga lang ngayon... liligawan pa sana kita..." nakangising sagot sa akin ni Mike.





"Ang landi babe ha... hahaha... wala ka pa rin bang girlfriend hanggang ngayon babe??..." agad kong tanong kay Mike.





"Wala nga babe... sinabi ko nga sa'yo na hindi na ako maghahanap pa dahil wala nang makakapantay sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin noon... makita at makausap lang kita... ayos na yun sa akin..." nakangiting sagot ni Mike sa akin.





"Hayyy... si babe talaga oh... gustung gusto na kitang yakapin diyan babe..." malambing na sambit ko kay Mike.





"Ipapadala ko na lang diyan ang hug ko babe... bukas na bukas pupunta ako ng courier services para ipadala ang yakap ko sa'yo..." nakangiting sagot ni Mike sa akin.





"Eeeehhh!! Babe talaga!! Lalo mo lang akong pinapa miss eh..." nakangiting sagot ko kay Mike.





"Hahaha... anyway babe... mukhang madilim diyan sa paligid mo ah... nasa office ka pa rin ba??..." nagtatakang tanong ni Mike sa akin.





"Ahmm.. yes babe... hindi naman kasi basta basta yung trabaho ko dito... Ako na ngayon yung Boss.. hindi na katulad nung dati na ahente pa ako. Pagkatapos ng 9 hours na duty ay uwi agad.. eh ikaw babe?? Kamusta na ang business niyo diyan??..." tanong ko naman kay Mike.





"Oo nga eh... ibang iba talaga... sa akin naman babe... kakastart ko pa lang bilang CEO ng Airline namin babe... hahaha..." natatawang sagot ni Mike sa akin.





"Ahmm.. babe?? Nandiyan ba si Sir Carlo??..." biglang tanong ni Mike sa akin.





"Kanina pa siya nakauwi babe... bakit??.." nagtatakang tanong ko kay Mike.





My Forbidden Love: A New BeginningWhere stories live. Discover now