MY FORBIDDEN LOVE (II)

510 23 0
                                    


CHAPTER 2






Pagkatapos na mag almusal nina Carlo at Glen ay kaagad na silang nag ayos para pumunta ng opisina nila.





"Manang Elsa? Pakisabi po kay Manong Robert na ilabas niya ang Black Ford Expedition of 2022... let's go Hon..." utos ni Glen sa kanilang katulong sabay aya nito kay Carlo na umalis.





Habang nasa biyahe pa lang sila ay panay naman ang lambingan at halikan nina Carlo at Glen sa kotse. Mabuti na lang at customized ang kanilang sasakyan at pinalagyan nila ito ng partition between the driver and the passenger at nakakapag communicate sila through intercom kapag sarado ang partition ng sasakyan nila. Pagkarating nila sa opisina ay kaagad na sinalubong si Glen ng kanyang Executive Assistant na si Jasmine.





"Good morning Miss G!.." nakangiting bati ni Jasmine kay Glen.





"Good morning Jas..." nakangiting sagot din ni Glen sa kanyang E. A.





"Good morning Sir Carlo!!..." medyo may kalandiang pag bati ni Jasmine kay Carlo.





"Why? What's so good about the morning??..." agad na sagot ni Carlo kay Jasmine na lalong ikinatawa ni Glen.





Natawa na lang itong si Glen sa ginawa ng kanyang Executive Assistant. Wala namang gusto si Jasmine kay Carlo kasi may asawa na ito at napaka gwapo pa. Talaga lang na trip lang mang asar ni Jasmine dahil nga napaka suplado nitong si Carlo.





"Grabe ka naman Sir Carlo... ano ba ang inalmusal mo? Ampalaya? Ang aga naman ng kapaitan nito... hindi ka ba marunong ngumiti??..." malambing na tanong ni Jasmine kay Carlo.





"Wala ako sa mood ngumiti Jasmine ha??... asikasuhin mo na itong si Glen dahil siya ang boss mo..." medyo may kasungitan na sagot ni Carlo.





"Sige na nga... halika na Miss!..." agad na aya ni Jasmine sa kanyang boss na si Glen.





"Hon... pasok na rin ako sa office ko ah? I love you..." paglalambing naman ni Carlo sabay halik nito sa labi ni Glen.





"Sure Hon... I love you more..." sagot naman ni Glen sabay sundot nito sa ilong ni Carlo bago tuluyang mag separate ng dinaanan ang mag asawa.





Agad nang kinuha ni Jasmine ang bag ni Glen at tinungo na ang opisina nito. Pagkapasok nila sa opisina ni Glen ay kaagad nang nag offer si Jasmine ng maiinom dito kay Glen.





"Miss? What would you like to drink? Coffee, Tea or Hot Chocolate?.." tanong ni Jasmine kay Glen.





"Coffee na lang Jas... thank you..." sagot naman ni Glen.





"Black coffee Miss??..." tanong naman ni Jasmine.





"Bakit?? Kaya mo ba akong timplahan ng Blue Coffee??..." pamimilosopo ni Glen kay Jasmine.





"Huy!! Di magiging Vice Ganda ang ferson for today's video ha??..." natatawang sagot naman ni Jasmine kay Glen.





"Sige na! Black Coffee..." sagot naman ni Glen kay Jasmine sabay tawa nito.





"Alright Miss..." sagot ni Jasmine sabay labas nito sa opisina para ipaghanda ng kape si Glen. Di katagalan ay bumalik na si Jasmine dala ang kape na inihanda nito kay Glen.





My Forbidden Love: A New BeginningWhere stories live. Discover now