Classmates creation

0 0 0
                                    

"paalam"
By: Dianne Gonza💕
Mahal ko ano ba ang nangyari?
Bakit isang saglit parang walang nagyari?
Bakit isang sulyap mo sakanya'y agad kang nabighani?
Nasan naba ang pangako mo sakin sinabi?
Ako na lang ba ay alala mula sa nakaraan?
Bakit bigla kang nagbago ng siya'y iyong masulyapan?
Nang dahil ba sa kanya ay nabura lahat ng iyong pag mamahal?
Pagmamahal mo sakin na labis kong iniingatan
Ano nga ba ang nangyari mahal ko?
Bakit lahat ng pangako mo sakin ay biglang napako?
Nasan na ba ang pangako mong hindi kita sasaktan?
Nasan na ba ang pangako mo na ako lang....
Sumuko kana ba o sawa na sa pag-iibigan nating dalawa..
Masakit isipin na hindi na ako ang dahilan ng iyong ngiti't tawa
Pero mas masakit isiping walang na talagang pag-asa
Pero sa huling pagkakataon nais kong magpasalamat
Kahit man lang saglit ako'y iyong napatawa
Sa mga sandling tayo ay magkasama
Yung mga panahong kaylangan ko ng saya
Salamat sa mga panahong mahal natin ang isa't Isa
At sa mga panahong ako lang at wala pa siya
Pero mahal patawad
Patawad dahil satingin ako'y bibitaw na
Bibitaw na sa mga pangako natin sa isa't isa
Nasatingin ko ay ako nalang ang umaasa
Sa mga pangakong "ikaw lang at walang iba"
-Dianne Gonza

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MIND THINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon