Bakit sa'yo pa

12.5K 372 34
                                    

Beh, par, boi, lods, ano pa man ang tawagan nating dalawa
Isa lang ang kahulugan nila
Kaibigan mo 'ko, kaibigan kita
Bespren nga kung tawagin ng iba.
Ngunit babae ako at lalaki ka
Malinaw na sa atin ay walang malisya
Wala namang mali dun d'ba?
Pero bakit binibigyang kahulugan nila.
Lumipas ang ilang araw, linggo, buwan, at taon
Tila May nadama sa di inaasahang pagkakataon
Kasabay ng paglipas ng panahon
Para bang unti unti akong nahuhulog sa balon.
Kaibigan, di ko naman ginusto
Sa totoo nga ayaw ko
Pipigilan ko nalang siguro, pero pano
Pa'no kung puso na ang kalaban ko.
Natatakot ako, ayoko sanang mangyari 'to
Gusto kong magtago, tumakbo, tumakas papalayo
Di ko alam ang gagawin ko
Tama iiwas nalang ako
Pero paano na ang pagkakaibigang binuo
Bibitawan ko ba ito at tuluyang lalayo?
O mananatili at aasang mawawala rin ang damdamin para sayo.
Gulong gulo kung ano ang tatahakin
Sabi ng isip makabubuti kung ako'y aamin
Pero huminto at tila ang salungat na direksyon ang mas gustong piliin
Yun ay ang lumayo at tuluyan kang lisanin
Kase sa paglalakbay ay nagdalawang isip ako
Paano kung sabihin ko nalang sayo
Paano kung umamin ako sa tunay na nadarama ko
Pero paulit ulit na umuurong ang puso
Kase nga duwag ako
Duwag ako na di manlang magawang humarap sayo
At tingnan ang mga mata mo
Natutunaw ako sa bawat tingin mo
Bumilis ang tibok ng puso sa tuwing papalapit sa'yo
Pasensya ka na dahil kahit ako
Naguguluhan sa nadarama ng puso.
Sinubukan kong nanindigan
At umamin sayo nang harapan
Ngunit di pamandin nasisimulan
Tinawag mo na akong kaibigan.
Haha, ang saya diba
Kaya sabi ko bounce na
Kaso naalala ko bigla
Na best friend nga pala kita.
Alam kong nararamdaman mo
Alam kong alam mo
Pero bakit di ko pa rin magawang umamin sayo
Siguro natatakot lang ako na baka May magbago
Natatakot ako na baka ikaw na mismo ang lumayo
Kaya nga akin nalang itatago
At palilipasin ang panahon hanggang sa tuluyan nang maglaho.
Bakit ba kase ako aamin sayo
Gayong di ko naman sigurado
Kung tatanggapin mo ba
O bibitaw ka na.
Ang sakit dahil ako yung nahihirapan
Nagbago ang lahat ngayon ako ang nasasaktan
Pero di naman yata tamang ika'y iyakan
Kase nga wala akong karapatan
Karapatan na malabo kong makamtan.
Pero teka, bakit parang nag-iiba na
Unti unti kang nawawala
Ramdam ko ang pag-iisa
Nasaan ka na, andyan ka pa ba?
Ang lamig ay bumabalot sa aking katawan
Di ko naman inaasahan ang unti unti mong paglisan
Ako ba'y iniiwasan
O ang oras mo ay sa iba na nakalaan?
Mayroon akong nabalitaan
Mayroon ka na palang natitipuhan
Mayroon ka na palang nililigawan
Di ko manlang nalaman
Di mo manlang pinaalam
Akala ko ba'y tayo'y magkaibigan
Ahh baka nga ako nalang itong pilit na nakikipagsiksikan.
Sayang kaibigan
Nais ko pa man ding bumuo ng isang nobela
Nobela na tayong dalawa ang bida
Pero di na nga matutuloy pa
At mananaliti nalang sa alaala.
Ngayon aking kapagtanto
Na biruan lamang pala ang lahat ng ito
Paalam kaibigan ko
Sana'y masaya ka sa paglisan ko
Sana'y masaya ka sa tuluyan kong paglayo
Pero kung sakaling matauhan ka at iyo ring mapagtanto
Sana'y di pa huli ang lahat at bukas pa ang aking puso
Ako ang kaibigan mo
Mula noon hanggang dulo
Nandito lang ako naghihintay sayo
Tawagin mo ako
At handa akong ibalik ang dating tayo: )

Spoken Poetry TagalogWhere stories live. Discover now