MY FORBIDDEN LOVE (VII)

409 21 0
                                    


CHAPTER 7






Habang abala naman si Glen sa kanyang mga ginagawa ay may biglang kumatok sa kanyang pintuan. Agad namang lumabas si Jasmine at tinignan kung sino yung tao. Di katagalan ay bumalik na ito na may dalang package.





"Miss?? May nagpadala po sa inyo... galing po kay Michael Angelo Fernandez..." pagpapaalam naman ni Jasmine sabay abot nito ng box. Biglang nanlaki ang mga mata ni Glen matapos niyang marinig ang pangalan ng kanyang bestfriend.





"Shiiitt!! Kanino galing?.." gulat na tanong ni Glen kay Jasmine.





"Kay Michael Angelo Fernandez po... hindi po ba siya yung bestfriend mo Miss??..." paninigurado naman ni Jasmine kay Glen.





"Yes, siya nga yun... my gosh!! Akin na!!..." na eexcite na sagot ni Glen sabay kuha nito ng package kay Jasmine.





Dali dali niyang pinunit ang packaging at tinignan kung ano ang ipinadala sa kanya ng bestfriend niyang si Mike. Nakangiti pa si Glen habang binubuksan nito ang ipinadala ni Mike sa kanya. Hindi kasi siya aware na may ipinadala pala ito sa kanya. Nang mabuksan na niya ang laman ng box ay nagtaka pa siya dahil box pa rin ang laman. Agad niya naman itong kinuha at binuksan ito. Nang buksan na ni Glen ang isang kahon ay halos mapunit ang bibig nito sa pag ngiti. Explosion box na puno ng kanilang litrato mula nung college days nila hanggang sa huli nilang pagsasama bilang magsyota. Nagtaka naman si Jasmine sa nakita ng kanyang boss kaya agad na niya itong nilapitan at tinignan.





"Woww!! Ang dami Miss ah.. ang gwapo talaga ng bestfriend mo Miss..." nakangiting puri naman ni Jasmine sa mga litrato ni Mike.





Habang abala sila sa pag check ng mga pictures ay may napansin namang flashdrive si Glen na may naka sulat na "Please watch me!." kaya kinuha niya ito at agad na isinaksak sa kanyang personal laptop. Nagulat naman si Glen nang lumitaw ang isang video greetings ni Mike.





"Hi babe! Oras na mapanood mo ito... ibig sabihin natanggap mo na ang regalo ko sa'yo,,. Aba malamang... alangan namang nauna ito... hahaha... sooo... Happy Happy Birthday to my one and only bestfriend... the love of my life... yiieee... huwag kang kiligin babe... hahaha... and my happy pill... I wish you good health always... a happy family... and I hope to see you soon... I love you babe!.." nakangiting bati ni Mike sa video greetings nito kay Glen.





"Oh myyy gooossshhhh!!! Miss G!! Tama ba yung dinig ko? Babe ang tawag niya sa'yo?? At bakit may pa I love you??..." gulat na tanong ni Jasmine kay Glen matapos nilang mapanood ang video greetings ni Mike.





"Well... ganun kami ka close ni Mike..." nakangiting sagot ni Glen kay Jasmine.





"Grabeeee!!! Parang hindi lang kayo mag bestfriend ah... alam ba ni Sir Carlo na ganyan ang bestfriend mo sa'yo?.." nagtatakang tanong ni Jasmine kay Glen.





"Yes... kaya nga grabe yung selos ni Carlo sa kanya mula noon, hanggang ngayon..." sagot naman ni Glen kay Jasmine.





"Uhmmm... Miss?? Can I ask you a question?? This is very personal but I would like to ask permission first if it's okay.??.." tanong naman ni Jasmine kay Glen.





"Ano ba yung tanong mo??.." nagtatakang tanong ni Glen.





"Uhmm... you've mentioned na he was once your boyfriend diba?? Uhmm... may nangyari na ba sa inyo ng bestfriend slash ex boyfriend mo??..." direchong tanong ni Jasmine kay Glen.





My Forbidden Love: A New BeginningWhere stories live. Discover now