The Disfigured Reality

2 0 0
                                    

UNEDITED

"Mom, am I ugly?" Tanong ng batang babae sa kanyang ina.

Bahagyang lumingon si Cindy sa kanyang anak at nginitian ito.

Sila ay nakaupo sa bench ng amusement park dahil naisipan ni Cindy na ipasyal ang anak niya upang hindi maburyo sa loob ng bahay buong araw.

"No, anak. Bakit mo natanong?" Nakangiting sambit niya sa kanyang anim na taong gulang na anak. Ngumuso ang batang babae habang nakahawak sa dulo ng naka-pony tail niyang buhok.

"'Coz my classmates say so." Malungkot na saad ng bata at bahagyang bumaba ang tingin sa lupa.

Parang sinasaksak ng punyal sa puso si Cindy mula sa narinig niya sa kanyang anak. Kumawala ng kusa sa kanyang mga mata ang butil ng luha, agad naman niya itong pinahid gamit ang kanyang palad.

Ibinaling niya ang atensyon sa kanyang anak at hinaplos ang pisngi nito.

"Listen. You're not ugly, anak. Maganda kaa, okay?" Inilapat niya ang noo nito sa kanyang noo at nakipag-eye to eye sa anak.

Natigilan si Cindy sa sinabi ng anak.

"My classmates would always say that I'm a monster and they keep saying na anak ako ng isang monster." Tuluyan nang napahikbi ang bata sa huli at kinusot ang mata nito. "I don't wanna go to school, mommy. They'll just going to bully me."

Kaagad niyang dinaluhan ang anak at niyakap ito ng mahigpit.

"Sssh. Stop crying, baby. Stop crying. Everything's gonna be alright." Pagpapatahan niya sa kanyang anak.

"You're not ugly but beautiful, baby girl. You're special, my little angel." Tuluyan nang umagos ang mga luha sa mga mata ng ina na kanina pa sinusubukang pigilan.

*****

Limang buwan ang nakalipas mula nang isinugod sa ospital ang anak ni Cindy. Naghihingalo at matamlay ang mga labi nito noon. Sunod-sunod na araw ang pagdurugo ng ilong, matinding pagsakit ng ulo at ang paminsan-minsang paghihirap na huminga.

"Doc! Tulungan n'yo po ang anak ko!" Bungad ni Cindy sa isang doctor na chi-neck ang kalagayan ng anak niya.

"Huminahon ka muna, Ma'am. We'll run a test through CT scan to verify what's going on with her. 'Wag kayong mag-alala."

*****

"I have the result." Lumabas ang doctor sa laboratory room dala ang isang brown envelope na naglalaman ng resulta sa biopsy.

"Doc, ano'ng nangyari sa anak ko?" Tanong ni Cindy dito.

"She has esthesioneuroblastoma, isang klase ng tumor na nagsisimulang tumubo sa nasal cavity dahilan para mahirapan sa paghinga ang pasyente. The symptoms of this illness are nosebleeding, loss of sense of smell, headaches, sinus infections, and bulging of the eyes. But all of these symptoms do not happen on the same time. Esthesioneuroblastoma cancer has four stages. Your child is on the first phase. Maliit pa ang tumor. Kaya mas magandang maagap kaagad ito bago lumala ang nararamdaman ng pasyente, which is the fourth stage. Maaaring kumalat ang bukol sa buong mukha ng pasyente kapag hindi naagapan." Paliwanag ng doctor.

Hindi makapaniwala si Cindy sa narinig mula sa doctor.

"May pag-asa bang gumaling ang anak ko?" Pagsusumamo niya rito.

"I suggest to let her undergo in a surgical operation. Kailangan naming tanggalin ang tumor habang maliit pa ito para hindi lumala at 'di na kumalat sa buong mukha niya. That's how we can cure your daughter, Ma'am." Sagot ng doctor sa kanya.

Bumagsak ang balikat ni Cindy sa kanyang nalaman. May sakit ang kanyang anak at napakomplikado nito.

Lumipas ang isang buwan nang muling isinugod ang anak ni Cindy sa ospital. Patuloy na lumalaki ang bukol nito sa ilong at unti-unti nang kumakalat papunta sa mata ng bata.

The Disfigured RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon