Chapter 1

396 10 1
                                    

Klays POV:

   After almost an hour of writing down and copying notes from the board, revising them, again and again, as per our teachers orders, our class is concluded. Finally! That was very stressing, though, our final examinations sure are coming up the week after next, I know for some it may seem like a lot of time, sadly, we still have some thesis reports we have to discuss and present for various subjects this week. Nonetheless, I still have supportive friends who almost act like stress relievers to me, they help me alot with what I'm going through, you know, some heavy family issues. Speaking of friends, I almost forgot that we were supposed to hangout today, a date! At this hour, lunchtime! "Hay nako, nakakainis na talaga tong mga activities na 'to, kakagigil!" I whipped out my phone from my handbag to text my friends about the topic of going to the café, but I was suddenly interrupted by my teacher, Mrs. Nilló.

"Ah! Anak, Klay, maaari ba kitang utusan? Mabilis lamang ito." Hay..Alam kong pagkatapos nito ay male-late na talaga ako sa pa-free coffee time ng mga beshie ko, pero, hindi ko naman maaaring matanggihan ang teacher ko, diba?
"Ah, sige po miss, ano po ba ang iyong iuutos?"
"Maaari mo bang ilagay ang aking mga importanteng dokumento sa aking silid? Ikaw lamang kasi ang isa sa iilang taong aking pinagtitiwalaan na estudyante, at ako rin ay mayroong a-attendan na meeting sa faculty room." Wow.. ako, isa sa mga na tu-trust nya? Naks, nakakaflatter naman 'tong si miss oh, syempre, sure, g!
"Sige po miss! Ako na pong bahala sa mga documents, mauna na po kayo."
"Maraming salamat Klay!"
"Hehe, walang anuman po."

------------------------------------------------------------

Patuloy akong naglalakad sa hallway namin, malapit na-naman ako sa office ni miss kaya binilisan ko ang aking paglakad para hindi na ako mahuli pa para sa date namin ng mga kaibigan ko. Naisipan kong I-text sila para ma-update ko sila kung nasaan na ako. I grabbed my phone once again from my handbag and I saw that one of my friends, Vee, texted me some minutes ago.

Mga Beshies Ko GC💖😚😍

Vee: @Klay Infantes Uy bes, nasan ka na? Nag-iintay kami dito ni Layla kanina pa, san ka na ba?
Klay: Ahh beshie sorry, inutusan kasi ako ni miss Nilló na ilagay yung mga importanteng docs nya sa office nya, sorry hindi ko nalaman na nandyan na pla kayo.
Vee: Ah, no no it's okay, pa-pa take out ka nlng namin kung gsto mo? Para hindi ka na maabala.
Klay: Ah, sige sure! Maraming salamat ah 😭😭..
Vee: Np !!Kita kits nalang tayo mamaya :)) Ingats!
Klay: Sige, ingat!

Hay, salamat nalang at mayroon ako talagang mababait na kaibigan, oh, andito na pala ako sa room ni miss, hindi ko napansin. Itinago ko ang cellphone ko sa bag ko at tuloy akong dumiretso.

"Ano yun?"

Ngunit bago pa ako makapasok ay mayroon akong naririnig na parang mga shuffling sounds ng papel at pagbukas ng mga drawers kaya napatigil ako ng paglalakad. Nagtaka ako kung sino iyong taong nasa loob dahil wala naman ang teacher namin, which being nasa faculty siya kasama ang ibang mga teachers, sya na nga, baka si miss lang din iyon na may nakalimutan na gamit. Kumatok muna ako at unti-unti kong binuksan ang pinto, ngunit natuklasan ko na hindi pala iyon si miss Nilló, isang lalaking siguro ay may hinahanap, ngunit, hindi siya pwede pumasok sa office ni teacher at mag-kalkal ng mga gamit niya ng walang pahintulot! O baka nagpaalam siya kay miss? Narinig din niya ang pagbukas nang pinto sa silid, ang ingay naman kasi eh. Nagkatinginan lang kami nang ilang mga segundo, i took in all his face features, chinito nga. Ang pogi ha, infairness- Wait, huy- huuy, kung ano ano nanaman pinag iisip mo Klay, focus! Doon ko lang din napagtanto na isa siya sa mga varsity players sa school namin, iba kasi yung lanyard ng ID ng mga varsity players sa school namin, namataan ko na rin ang kanyang pangalan sa kaniyang ID, siya pala si Fidel David Maglipol, huh, parang ang luma naman ng first name nya, ang lakas maka-lolo. Naalala ko nung nagku-kwentuhan ang aking mga kaibigan patungkol sa mga BVP, lalo na tong si Fidel, sikat na sikat raw siya sa school na to dahil mayaman, igop, kaso nakakarinig ako ng mga rumors, hindi naman sa marites ako, narinig ko lang ang mga ito sa aking mga kaibigan, na si David ay 'hindi masyadong social na person, hindi nag so-socialize sa ibang mga tao kundi ang kanyang mga team mates and is always crushed on by our girls at school, though he doesn't really pay any attention to them'. Pero sabi din daw nila na parang masyado siyang arrogante, eh, ewan ko nalang nga. I broke the akward silence that was so then surrounding us.
"Uh, ikaw yung isa sa players ng BVP hindi ba? David hindi ba? Or Fide-"
"Oo, and it's David."
"Ah, yes, sige, okay, uhh, tanong lang.. bakit ka nandirito? Ipinadala ka ba ni miss Nilló dito?
"..I just might ask you the same question miss, and no, she did not send for me, it's also none of your business." Grabe taray, pa english-english pa ah, arrogante din naman pala, so rumors are true!
"Ipinag utos ako ni miss Nilló para ilagay ang kanyang mga dokumento, ikaw? Meron ka bang valid reason kung bakit ka nandirito?" "As I said, it is none of your business, now if you may, miss, just leave me alone so I can find what I'm looking for." Ang taray naman ng mokong na 'to! Kung maka asta naman 'toh, wagas! "Well, you won't answer me and don't even have a valid reason for being in the teachers office, you do know that I could just tell you to our other teachers that you've broken in sa silid ng guro natin?" He sighs "..I don't really care, tell them all you want, I could just pay them any amount they want, i'm rich, they're not, they won't even care, they'll just ignore your complaints, and either way, why the fuck are you still here? Arent you supposed to be in the cafeteria or your class, or whatever?" Anong.. Wait.. Ay shet, oo nga pala- ano ba yan nakakainis naman kasi tong lalaking to eh, nakakadistract, mahuhuli ako nanaman! "Oo nga noh, thanks for reminding me." Sinabi ko nang may sarkastiko na tono. "Mmhh.. Yes, finally!" "Hah? Anong finally?" Tinignan lang niya ako at kumurap, wow, talaga ha? "I just found the item that belongs to me, that stupid-ass teacher always manages to find this in my bag." Napalingon ako nung marinig ko ang kaniyang pinagsasabi at nang makita ko ang kanyang hawak, isang vape. "Wait, hindi ba't bawal yan sa campus?!"
"Yeah, at ano nanaman ang 'yong gagawin, tell on me? Remember what I said earlier?"
"Oo, naaalala ko pa, hindi ako tanga." Bulong ko sa sarili ko. "Were you saying something?" "Wala!" Ang talas din ng tenga nito 'noh, ngunit napaisip ako na, pano kung nagsisinungaling lamang siya, sinasabi lang niya iyon sa akin para lalo akong hindi magsumbong, at ma no-notice din naman ba ito ng mga teachers, maybe even the principal? Pero, mayaman nga siya, at alam naman natin na lahat ay pwedeng mapadaan nalang sa pera, lalo na sa school na ito. "Ano ba yan, bahala ka na nga sa buhay mo!-" Napahinto ako ng salita at sabay kaming napalingon ng lalaki sa pintuan noong mayroon kaming narinig na mga footsteps na paparating sa silid na ito, specifically, sa pintuan. Nagulat ako dahil akala ko naman ay mamaya pa darating si miss dahil sa kaniyang meeting, siguro ay napaaga na ang tapos ng kanilang pagpupulong sa faculty. Pero paano kung makita niya ako? Kami! Oo nga nakalimutan ko na nandirito si Fide- David! Dapat kanina pa ako naka-alis dito! Baka mamaya pa ay kung ano-ano ang maiisip ni miss, mawawala narin yung trust niya sakin! That is terribly valuable- "Tutulala ka lang ba diyan o magtatago ka?" Lumingon ako kay David na katabi ang nakabukas na locker. "Ha.. diyan?! Paano naman tayo magkakasya, parang pang isang tao lang iyan!" "Hay, halika na nga! Just hide in here, there's still some space! Just deal with it or get caught." Sambit ni David na siya rin ay pumasok na sa loob. Taranta akong tumingin-tingin sa paligid para makahanap pa ng isa pang lugar na pagtataguan, ngunit sa kasamaang palad ay wala akong nahanap.

Well, shit..

Nahinto nalang ako sa aking puwesto noong narinig kong bumukas ang pinto ng silid, wala na akong magawa, I just stood there, frozen in one place. I then accepted my fate of being caught, ngunit, biglang may nag snatch ng aking pulso papunta sa loob ng locker, na walang iba kundi si David, of course.

Thank you so much Davi- Lord!

Nasa loob na kami ng locker, although nagtataka ako kung bakit mayroong ganito sa loobng room ni miss ay, nagpapasalamat nalang din ako sa Diyos dahil dito. Masikip ang lugar namin, pang isang tao lang talaga 'to eh, pero buti naman at hindi ako masyadong claustrophobic kundi ay nahuli na talaga ako ni teach' on the spot. Narinig namin ang bones ni miss Nilló sa labas na may parang kinakausap at ang sabi niya ay mayroon lang siyang kakausapin sa cellphone niya. "H-hoy, pwede ka pa bang umusod nang kaunti sa likod? Halos wala na akong espasyo dito-" Bulong ko kay David, ngunit napahinto ako sa aking salita nung ilinagay niya ang kanyang kamay sa aking bibig, siguro upang patahimikin ak-

Watdapak-..

"You do know that this is only a one person locker, right? Theres no space left, well, if you want to go out there, well, its a free offer." Agad agad ko namang ibinuhat ang aking mga palad upang tanggalin ang kanyang kamay sa aking bibig, pero parang nagustuhan ko na ri- KLAY WHAT THE PACK ARE YOU THINKING.. Okay okay, calm down Klay, it's alright, just do what you do best..Whoo..
"Mf..Mpf!" Ang natakas kong muffled na salita mula sa aking bibig. Iniangat ko ang aking mga kamay at itinanggal naman ang sa kaniya. "Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa, ha?" He sighs, again "..Napakaingay naman kasi ng iyong bunganga, won't you just ever shut up?" Wow, kung maka- 'tong lalaking 'toh, matatakasan na yata ako nang bait ah! "Hoy! Fyi, it's all your fault kung bakit ako nandito, kung hindi mo lamang ako na distract with your talks edi nakapag lunch na ako!" Bulong ko sa kaniya na may halong gigil, totoo naman talagang nakakagigil at nakaka high-blood itong lalaking 'toh kahit parang kalmadong kalmadong magsalita. "Well, it isn't my fault you found me handsome and were just staring at me the whole time while I was talking, and you could've just walked out of the door and not listen to my shenanigans." He does make a point.. BUT NOT THE ONE WHERE HE WAS HANDSOME! HELL NO. Parang utang na loob ko pa ah!

°*°*°

I just wish this would all end and I would just wake up in class like this was all a damn fever dream.

°*°*°


To be continued...
-ʀᴀɪɴ_ᴀʟɢ ♡


Authors notes:

Hello guys!! Happy new year sa inyong lahat, Sana mapatawad niyo ako kung mayroon man akong mga grammatical errors 😭 This is my first time making an au fanfic of Mci, especially filay! I've been making diff fanfics on paper and i've decided to switch one to
o wattpad! I do hope you guys like it, I hope I can update this daily to give you an amazing reading experience. Also accepting some tips and suggestions for our next chapter! Thank you all so much! Once again, happy new year!! 💖💖💝💝💓

°•𝑯𝒆𝒂𝒗𝒆𝒏 𝒊𝒔 𝒕𝒐 𝒃𝒆 𝒕𝒓𝒂𝒑𝒑𝒆𝒅 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒚𝒐𝒖•°  [discontinued]Where stories live. Discover now