MY FORBIDDEN LOVE (VIII)

408 22 0
                                    


CHAPTER 8






Lumipas ang mga araw... Araw ng Biyernes... Araw din ng pag uwi ni Dayana galing sa business trip niya sa Spain. Hindi ipinaalam ni Glen sa kanyang kambal ang pagdating ng kanilang Mamita ngayon. Sinabi din kasi ni Dayana kina Carlo at Glen na huwag itong ipapaalam sa kanyang mga apo dahil gusto niya itong isurprise.





Kinagabihan... habang abala sina Carlo at Glen sa pakikipag laro sa kanilang kambal ay may biglang bumusina na kotse sa labas ng bahay nila. Napangiti na lang sina Carlo at Glen na nakatingin sa kanilang kambal.





"Ooohhh!! Mga anak?? Tignan niyo kung sino yung dumating oh..." nakangiting sabi ni Glen sa kanyang kambal sabay turo nito sa kanilang likuran.





Napasigaw naman sa tuwa sina Miggy at Gwen nang makita nila ang kanilang Mamita. At ciempre tuwang tuwa naman si Dayana na sinalubong ng yakap at halik ang kanyang mga apo.





"Mamitaaaaaa!!!!... We miss you so much!!..." tuwang tuwa na sabi nina Miggy at Gwen sabay yakap nila at halik sa pisngi ng kanilang Mamita.





"Miss na miss ko din ang mga apo ko..." tuwang tuwa din na sagot ni Dayana habang yakap yakap nito ang mga apo niya.





"Mamita?? May mga toys po kayong dala para sa amin??.." nakangiting tanong nina Miggy at Gwen.





"Of course!! Hinding hindi ko makakalimutan na dalhan ng mga pasalubong ang aking mga apo..." nakangiting sagot ni Dayana kina Miggy at Gwen sabay utos nito sa kanilang kasambahay na buksan ang isang maleta na naglalaman ng mga laruan ng kanyang mga apo.





"Yayyy!!! Thank you very much Mamitaaaa!! We love youuuu!!..." sabay na sambit nina Miggy at Gwen sabay yakap nila nang mahigpit kay Dayana.





"You're very much welcome..." nakangiting sagot ni Dayana sa kambal.





"Mommy!! I miss youuu..." agad na bungad at yakap din ni Glen sa kanyang ina.





"Echosera ka! Limang araw lang akong nawala!..." natatawang sagot ni Dayana kay Glen matapos nilang magyakapan.





"Ma!!..." tuwang tuwa na bungad din ni Carlo sabay yakap nito kay Dayana.





"Namiss ko ang kapatid ko..." hinang hina na sambit ni Dayana kay Carlo matapos silang magyakapan.





"Namiss din kita Ate..." hinang hina din na sagot ni Carlo sa kanyang kapatid.





"Ma'am Dayana, Ma'am Glen, Sir Carlo? Nakahanda na po ang mga pagkain sa dining table..." biglang tawag ng isang kasambahay nila sa kanilang lahat.





"Mga anak? Halina kayong dalawa, you can play with your new toys later after nating mag dinner... okay??..." pagtawag naman ni Glen sa kanyang kambal.





"Yes Mommy!!..." agad na sagot nina Miggy at Gwen sabay lapit nito kay Carlo at Glen at naglakad papunta ng dining area.





Habang naghahapunan sila ay sinusubuan naman nina Miggy at Gwen ang kanilang Mamita dahil nga miss na miss na nila ito. Spoiled din yung kambal kay Dayana. Lahat ng gusto ng kanyang mga apo ay ibinibigay niya ito kaagad. Mabuti na lang at napalaki sila nina Carlo at Glen na hindi masama ang ugali at lumaking may respeto sa lahat ng tao... kahit sa kanilang mga yaya ay napaka sweet nina Miggy at Gwen kaya naman kahit hindi sila makapag laro sa kapwa nila bata ay natutuwa pa rin sila basta maging kalaro lang nila ang kanilang yaya.





My Forbidden Love: A New BeginningWhere stories live. Discover now