MY FORBIDDEN LOVE (XII)

363 20 0
                                    


CHAPTER 12






Magpapagabi pa sana ng uwi itong si Glen dahil nga sa dami ng kanyang mga gawaing papeles pero naalala niya na nandito pala ang kanyang mga anak at hinihintay sila nito dahil gusto nilang sabay silang lahat na umuwi kaya ipinagliban na lang muna ni Glen ang kanyang trabaho. Mas pipiliin ni Glen na bigyan ng oras ang kanyang mga anak dahil ang oras nito sa trabaho ay kaya niyang bawiin pero ang oras niya sa kanyang mga anak ay hindi na. Nauna na ring umuwi si Dayana para magbihis dahil pupunta pa ito sa party ng kanyang kaibigan at medyo gagabihin na ang pag-uwi. Ilang saglit pa ay nagpaalam na rin itong si Jasmine na umuwi dahil sinundo na siya ng kanyang asawa. Nakipagyakapan pa si Jasmine kina Miggy at Gwen bago ito tuluyang umalis.

Di katagalan ay pumasok naman si Carlo at nag-aya nang umuwi. Tuwang tuwa naman ang kambal dahil sabay na silang uuwi na apat. Habang nasa sasakyan pa lang sila ay panay naman ang kwento ng mga bata kina Carlo at Glen at ciempre nakipag-kwentuhan din sila sa kanilang mga anak. Pagkarating nila sa bahay ay kaagad na din silang nagtungo ng kanilang mga kwarto para makapagbihis na at makapag-hapunan. Habang kumakain sila ay bigla namang nagtanong itong si Carlo tungkol sa eskwela ng kanyang mga anak.





"How was your day at school bago kayo pumunta ng office kanina mga anak??..." tanong ni Carlo kina Miggy at Gwen.





"It was good Daddy... we started studying about flags of the world..." agad na sagot ni Miggy sa kanyang ama.





"Ohh wow!! Really?? In that age?? Nahirapan naman ba kayo sa topic niyo mga anak??..." tanong ulit ni Carlo.





"Hindi naman po Daddy kasi meron naman po kaming book of flags of the world sa kwarto namin..." sagot naman ni Gwen kay Carlo.





"Saan galing yung book na yun mga anak??.." tanong naman ni Carlo.





"Binili po ni Mommy..." nakangiting sagot ni Gwen sa kanyang ama.





"Ang advance naman mag-isip ng inyong Mommy ah..." natatawang sagot ni Carlo sabay titig nito kay Glen na kasalukuyang kumakain.





"Ciempre naman Hon... ako pa ba?? And besides... favorite topic ko yang flags of the world kaya naisipan kong bilhan ng ganung klaseng libro ang mga anak natin... marami na din naman silang encyclopedia dun sa mini library. And nakikita ko rin naman na mahilig din silang dalawa sa flags and geography.." sagot naman ni Glen kay Carlo.





"Oo nga Hon eh... manang mana talaga sa'yo ang mga anak natin pagdating sa katalinuhan..." nakangiting sagot ni Carlo kay Glen.





"Ahh suss... eh ikaw din naman Hon ah... matalino ka din naman... Magna Cum Laude ka nga nung college mo eh..." nakangiting sagot naman ni Glen sa kanyang asawa.





"Hiyang hiya naman ako sa pagiging Summa Cum Laude mo Hon ah..." sagot naman ni Carlo kay Glen sabay tawa ng mga ito.





"Mommy?? Daddy?? Ano po yung sinabi niyo?? Cum Laude?? Ano po yun???..." nagtatakang tanong naman ni Miggy.





"Uhmm... yung Magna Cum Laude is 2nd honor siya kapag sa inyong school mga anak... at kapag Summa Cum Laude naman... bale yun yung 1st honor..." pagpapaliwanag naman ni Carlo sa kanyang mga anak.





"Woowwww!!! So that means... our Mommy and Daddy are intelligent pala Gwen..." manghang sagot naman ni Miggy sabay tingin nito kay Gwen.





My Forbidden Love: A New BeginningWhere stories live. Discover now