Chapter 6

938 21 0
                                    


                          Chapter 6
                     Bossy & Attitude

Nagising ako ng biglang tumunog ang alarm sa lamesa. Inis akong tumayo para i-off Ito. Ang ingay! Nakakaistorbo ng tao! Kitang natutulog ang tao e!

Unti-unti kong narealize na nasa kama ako nakatulog. What?! Kagabi ay nasa sahig ako natulog. Binuhat niya ba ako at ibinaba rito sa kama niya?!

Wala siya sa kama at ako lang mag-isa nakahiga...Where is he?

Tumayo ako at naghilamos. Nag-sipilyo ako gamit ang dinala kong toothbrush na nilagay na sa bathroom. Ang laki talaga ng banyo niya, kung tutuusin ay mas malaki pa ang lugar na ito keysa sa condo ko. My unit is just suit for one person!

Inayos ko na rin ang kama at tinupi ang mga kumot bago bumaba. Kinuha ko rin ang cellphone ko at nilagay sa bulsa.

Nakita ko sina Vina at Deborah na naglilinis. I greeted them as they greeted too. Dalaga pa sila at sa tingin ko ay nasa 18-21 pa ang dalawang eto, kumpara sa mga ibang kasambahay.

"Nasa kusina po si Sir Kajik!" Bulong ni Vina at kinindatan ako bago magpatuloy sa ginagawa niya.

I nodded in confusion. Nag-martsa ako papasok sa kusina at nakitang nakasuot siya ng apron... He's cooking!

May mga tumutulong sa kanya. Siguro masarap ang luto niya, siguro lang. Baka hindi. Napansin ko ang matanda na mataas ang buhok at nakasuot ng mahabang dress. I can't deny that she's really pretty even though, she's a old na.

Sa pagtagal ng pagtitig sa kanilang lahat na may ginagawa, nilingon nila akong lahat. It was very awkward when they stop what they are doing....

"Uh.....G-good morning." Nahihiyang bati ko at kinagat ang ibabang-labi.

I can feel Kajik's fierce look. This is the second time he did this to me! I hate that stare!

"Oh!" Malaking ngiti ang binigay ng matanda sa akin. "Kajik! Ito na ba ang girlfriend mo?"

Sinulyapan niya ako bago yumuko. "Opo, lola..."

Lumapit siya sa akin at binitawan ang hawak niyang malunggay. I step back when she touched my face, pati ang buhok ko ay hinaplos niya. Eh?

"Kay gandang babae! Marunong ka palang mamili ijo!" Sa sinabi nito ay nanlaki ang aking mga mata, tumawa pa ang mga kasambahay habang nanatili lamang nakatuon si kajik sa kanyang pagluluto.

"Ano ang iyong pangalan, ija?"

"K-klein po."

Tinanggal niya ang kanyang mga kamay sa mukha ko.

"Maganda!" Puri niya.

I just smiled fake. Pinaupo niya ako at inalalayan. Sinabi rin ba ng amo niya na buntis ako kahit hindi naman?

"Naku!" Pumalpak siya. "Siguradong maganda o pogi ang anak niyong dalawa!"

Matalim kong tinignan si Kajik, at saktong nakatingin din siya sa akin. I was giving him, off meaning. Ngumisi lang siya at tumango kay manang milet.

"Alam mo bang maagang nagising si kajik para paglutuan ka?" Nagulat ako sa tanong ng matanda sa akin.

Instead of saying no to her, I look at Kajik. Seryoso lamang ang mukha niya at hindi na kami tinignan pa.

"Hay naku! Mukhang hindi mo nga sinabi, Kajik!" Kunwareng galit na sabi ni Manang Milet.

He chuckled at tinaas ang tingin. "I wasn't sure for that, she's starting to be bossy and attitude."

Sa sinabi niya ay gusto kong lumapit sa kanya para sampalin siya. Attitude?! Mukha ba along attitude? Mabait ako na tao, ang galing mo talagang mag sinungaling Mr. Arcajedo!

I tried to hide my irritation. Baka kumuha nalang ako ng kutsilyo at isaksak sa kanya!

"Naku! Ganyan talaga kapag buntis!" Pag-sasali ng katulong 

What the hell? Buntis?! Now their boss is spreading lies! Hindi pa nga siya sigurado kung buntis ako!

Nang tumawa sila ay nakit-tawa nalang ako pero nang tinignan si Kajik ay binigyan ko siya ng bantang tingin even he didn't look at me anymore. Patay ka sa 'kin mamaya!

Maraming kweninto sa akin si Manang Milet at mga Puri niya pero tanging ngiti at tango na lamang ang aking sinagot. Nakakahiya kasi pero mukhang masiyahin si manang kahit ganoon. Gustong gusto nga talaga niya ako at masayang masaya.

Paminsan-minsan akong sumulyap kay kajik at napansin na nilagay niya sa malaking plato ang niluto niya. May mga nilagay na rin ang mga katulong sa lamesa ng kalderita, chicken curry, sinigang at syempre hindi mawawala ang kanin.

"Can you put this on the table?" He commanded the maid and she nod and did it. 

Napapikit ako sa amoy at unti-unting ngumiti. Nang makitang he was looking at me, napawi ang ngiti ko at inirapan siya.

"Kumain na kayo!" Sigaw ni Manang Milet.

"Lola... Aren't you supposed to eat with us too----"

"Naku, wag na, kayo munang dalawa. Alam mong kakarating ko lang rito kanina dahil pumunta akong alegria! Busog na busog ako sa malaking tinapay na binili ni Alandro sa akin."

So that's why I didn't see her kagabi, nasa alegria siya...

Tinanggal niya ang apron at unti-unting umupo kaya umupo narin ako.

Nagsimula kaming kumain at lumabas ang matanda.

"Masarap ba, Klein?" Hindi ko inasahan tatanungin niya ako ng makasubo ako sa luto niyang menudo. 

"Oo..." I respond and continue eating.

The girl was about to put juice on my glass when he stopped her.

"Bigyan mo siya ng tubig." Seryosong utos nito.

"I want juice!" Matigas kong ani at sinamaan siya ng tingin.

"That's unhealthy for you!"

Ano?! Unhealthy?! Bakit pa niya inuutusan ang katulong niyang mag-timpla ng juice kong ayaw naman niyang ipainom sa akin?! Kape naman ang iniinom niya ah!

Mas lalo akong nairita ng sumunod ang babae. Naiwan kaming dalawa rito ng umalis silang lahat.

"Your Tito Jaze tell me that you prefer rice and meal for breakfast..... That's why I prefer these foods for you."

Really Tito?! Pati sa gusto kong kainin ay sasabihin mo sa kanya?

"Tumawag siya?!"

He shrugged his shoulders. "Yep....but it was a few hours ago when you haven't wake up."

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Ayukong magtagal, madali din naman siyang kumain. Nagmamakaawa ako sa kanya, dahil alam kong hindi niya ako papayagang maghugas ng pinggan. I thought he wouldn't say yes but to my wrong expectation, yes he did!

Pero hindi naman ako pinayagan ni Manang Milet na hugasan ang mga pinagkainan namin, instead inuutusan niya si Vina na gumawa ng gusto kong gawin. Ito na ngalang ang magagawa ko sa mansyon, pinagbabawal pa. Ang dali naman nilang mauto, bilis maniwalang buntis ako!

"I have to take a shower--"

"Saan ka pupunta?" Matalim na pagputol ni Manang Milet.

"I have a important meeting lola." He said but his eyes we're on me!

"Abay! Mali 'yan! Utusan mo si Alandro na siya ang pupunta sa meeting na iyan! Hindi ka dapat mag-trabaho lalo't buntis si Klein!"

Nagulat ako sa sinabi ni Manang Milet sa kanya.

"A-ahh... Ayos lang lola... Eh importante naman ang pupuntahan----" I tried to convince her.

"Hindi! Hindi ka aalis." Dinuduro-duro niya si kajik.

Bumuntong hininga siya. "Lola, pupunta na rito ang uutusan kong magbabantay s---"

"Sa tingin mo ay hahayaan kong iba ang magbabantay kay Klein?!" Napaatras ako sa lakas ng sigaw niya.

Napatingin silang pareho sa akin ng umatras ako.

SPREADING THE LIES (Arcajedo series #1) Where stories live. Discover now