Chapter 1: MEETING THE STRANGER

20 1 10
                                    

March 17, 2002

"Happy Birthday! Markky baby!!

Bahagya kong naulinigan ang nakakatulig na boses ng nanay ko habang papasok sa aking kwarto. Hindi pa rin siya nagbabago. Siya pa rin iyong nanay kong makulit at masayahin. Sa kabila ng pagkawala ni Papa eh nanatiling matatag si Mama. Hindi siya nagpatalo sa lungkot at hinagpis nung pumanaw ang aking ama tatlong taon na ang nakalilipas. Ibinaling niya ang atensyon niya sa pagtuturo ng Social Studies at History sa mga estudyante, pagbisita sa mga makasaysayang lugar, painting, scrapbooking at calculus. Iyong huli kong nabanggit ang pinakaayaw ko talaga.😁

" Markky baby! Bangon na diyan. Today is your special day. St. Patrick's Day din ngayon so wear green today ijo! Hindi tayo pahuhuli sa selebrasyon. Iyan ang isa sa mga pinangako ko sa ama mo." sabay harap sa akin ng fruitcake na binake niya at isang green na scented candle.

Muntik akong maliyo sa amoy ngunit hinipan ko pa rin ang kandila. Napatanong uli si Mama.

" Oh, anong winish mo"?
" Bakit ko naman sasabihin Ma eh baka majinx at hindi na mangyari." Pagbibiro ko.
" Eto naman. Hindi na mabiro. Sige sige bumangon ka na diyan at darating ang lola mo mula sa Ireland. Magbibida na naman iyon ng mga charms niya."

Sumilip ang ngiti sa mga labi ko. Matagal na rin na hindi nakakauwi si Lola. Kung si Mama dalawang taon nagluksa sa pagpanaw ni Papa eh ang Lola Matilda ko eh habambuhay na. Laging nakaitim na damit at hindi ko na nasilayan ang mga makukulay niyang kasuotan. Sa aking palagay ay hindi pa rin lubos na tanggap ni Lola na wala na ang aking ama palibahsa'y nag-iisang anak. Unico hijo ika nga nila. Naalala ko iyong araw na lumisan siya sa piling namin eh halos bagsakan ng langit at lupa ang pamilya namin dahil sa pangyayaring iyon. Maski ang mga kamag-anak namin sa Ireland eh hindi magkamayaw sa pagtawag at pagpapadala ng liham dahil sa pagpanaw ng tatay ko. Malungkot nga ang 1999 para sa amin. Magsisimula ang bagong milenyo na wala na siya. 

Sabay sa pag-alala sa nakaraan ay naulinigan ko na naman ang tinig ni Mommy. Ayun na naman ang pag-aalala niya na kailangan ko na maggayak dahil paparating na ang lola Matilda ko. Nagmamadali man eh naayos ko agad ang aking mga hinigaan at tumungo sa banyo upang maligo. Pagpasok ko sa banyo eh naamoy ko agad ang aloe vera shampoo na kahapon lang binili at dahil namana ko sa tatay ko ang pagiging kunwa'y romantiko eh nagsindi ako ng scented candle. Kakaiba ang dulot na amoy nito sa akin at parang dinadala ako sa ibang panahon. Tatlong beses ko kinawkaw ang tubig dahil sobrang lamig. Sa ikaapat na pagdampi ng mga daliri ko sa tubig eh sabay ko binuksan ang shower at doon naligo. Nanginginig ako sa lamig at tiniis ko hanggang matapos. Pagkatapos maligo ay nagpunas ng katawan. Paglabas ko ngbanyo eh nandoon pa rin pala iyong fruit cake sa isang lamesita. Akala ko dinala na ni Mommy palabas ng silid-tulugan.

Paglabas ng bahay ay nagpunta ako sa garden at siniyasat kung malago na ba ang mga clover plant na tinanim ko. Sa aking pagkamangha ay namasdan ko ang hilera ng clover leaves sa aking paanan at akala mo'y nasa Sligo na ako. Three leaf clovers ang aking itinanim dahil sa kawalan ng four leaf clovers sa aking pinagbilhan. Naniniwala talaga ako sa dalang swerte ng four leaf clover dahil nung minsa'y nagdala ang Lola Matilda nito sa amin eh naging topnotcher ang pinsan ko sa bar exam. Laking tuwa talaga nila kaya minabuti kong maghanap ng four leaf clover kaso hindi tayo pinalad. Pagkatapos kong tingnan ang mga tanim ko eh bumalik ako sa loob ng bahay at sa pag-apak ko eh sinurpresa ako ng aking Lola Matilda.

" Happy Birthday Markky!!" bungad ang aking lola na posturang postura. Pansin ko na mas maayos na siya ngayon kaysa sa mga nagdaang taon.

" Lola! Ang bilis mo naman. Hindi kita napansin pumasok man lang o natunghayan ng mga mata ko." 

Yumakap siya sa akin at biglang bumulong. " Hindi ka pa nasanay sa lola mo. You have seen this scene many times." Ngumiti siya na para bang kuha ko agad ang nasa isip niya.

THE HEIRLOOMWhere stories live. Discover now