MY FORBIDDEN LOVE (XVI)

355 20 0
                                    


CHAPTER 16






Samantala... nang matapos na ang lambingan nina Carlo at Glen ay napagpasyahan nila na ipagpatuloy ang kanilang gawain pero itong si Carlo ay hindi naman umalis... bagkus ay nanatili lang ito sa loob ng opisina ng kanyang asawa.





"Hindi ka pa ba babalik ng office mo Hon??.." nagtataka na tanong ni Glen kay Carlo.





"Ayoko Hon,.. baka kasi bumalik yung Armando na yun at landiin ka niya... maagaw ka pa sa akin eh,.." nakangiting sagot ni Carlo kay Glen.





"Ayy grabe siya oh... kinilig naman ako Hon ah..." nakangising sagot ni Glen kay Carlo.





"Dito na lang muna ako Hon... babantayan kita dito hanggang matapos ka diyan... tinatamad akong bumalik ng office ko..." natatawang sagot ni Carlo kay Glen.





"Okay Hon... if you insist..." nakangiting sagot ni Glen kay Carlo.





Ilang oras ang lumipas... bigla namang tumigil itong si Glen sa kanyang ginagawa at agad na tinungo ang window area ng kanyang office at nagmasid sa paligid. Di katagalan ay naramdaman na lang nito ang pagyakap ni Carlo mula sa kanyang likuran.





"Mukhang problemado ang asawa ko ah... hmmm???..." paglalambing ni Carlo habang yakap yakap niya si Glen mula sa likuran nito.





"I'm just bothered Hon,.." nag aalalang sagot ni Glen kay Carlo.





"About what??.." tanong naman ni Carlo.





"Yung anak na babae ni Arthur de Chavez na si Isabella..." sagot naman ni Glen.





"What about her??..." tanong naman ni Carlo habang yakap nito si Glen.





"I'm just worried dahil may gusto pala siya sa'yo and kitang kita ko talaga kanina kung paano ka niya titigan habang nagsasalita,.. ewan ko na lang baka kinikilig na yun kung ipinakilala pa kita sa kanya.." nag aalalang sagot ni Glen kay Carlo.





"Nag-aalala ka ba na baka landiin niya ako Hon??.." tanong naman ni Carlo kay Glen.





"Ganun na nga Hon..." sagot naman ni Glen kay Carlo.





"Uhmm... okayy... don't worry Hon... hinding hindi mangyayari ang iniisip mo... hinding hindi na mauulit ang kasalanan ko sa'yo noong birthday mo..." pag aassure naman ni Carlo sa kanyang asawa.





"Alam ko naman yun Hon... I'm still worried kasi babae yun eh... ano'ng laban ko dun??.." nag aalalang sagot ni Glen kay Carlo. Agad namang iniharap ni Carlo si Glen bago ito sumagot sa kanya.





"I promise Hon... hinding hindi na ako magloloko... ipinangako ko na yan kay Ate na hinding hindi na kita sasaktan pa kahit kailan... pinagsisihan ko na yung nagawa ko sa'yo dati..." malungkot na sagot ni Carlo kay Glen. Hindi na nakapag-pigil pa si Glen at napaiyak na lang siya sa harap ni Carlo.





"Don't cry Hon... ayokong makita ka na umiiyak... dahil pakiramdam ko ay nasasaktan kita..." malungkot na sambit ni Carlo sabay yakap nito kay Glen.





"Pleeeaaassseeee Carlooooo!!! Huwag mo na akong saktan ulit ha??... nagmamakaawa ako sa'yo... hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kapag nasaktan pa ako ulit sa'yoooo... ikaw lang ang lalaking nagbibigay sigla sa buhay ko... Isa ka sa mga dahilan kung bakit ako naging masaya ulit.." umiiyak na sagot ni Glen habang yakap yakap siya ni Carlo.





My Forbidden Love: A New BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon