#18

14 1 0
                                    

My lolo was a retired soldier. Ako iyong number one fan niya at inspiration ko rin kaya ako nag-aaral nang mabuti.

I want to follow what he had done for the country. I was planning to enter Military School after senior high soon.

Ang kaso, ang lolo ko sa katandaan nagkaroon na ng dementia since my lola past away. He barely recognize us.

“Nak, ikaw na muna magbantay sa lolo mo huh? Aalis lang kami ng mama mo. May sisingilin lang kami,“ my Papa said.

“Wala pong problema, Pa,“ I affirmed.

Nang makaalis sila ay sakto namang lumabas si lolo mula sa kwarto niya.

“Lo, magandang umaga. Gusto niyo po ng kape?” I asked.

“Sige Peter,” he replied. Napasimangot ako, pangalan ni Papa binangit niya, nakalimutan na niya pangalan ko.

“Lo, Renz po.” Hindi siya sumagot at naupo lang sa dinning.

Agad akong nagtimpla saka ginawan ng sandwich si lolo. Nagtimpla na rin ako para sa sarili ko.

“Ito na lo, ginawan ko na rin po kayo ng sandwich.” Kasabay ang paglapag sa mesa.

Naupo na rin ako kaharap siya.

“Salamat Peter, “ sabi niya sabay higop ng kape.

“Renz po, lo, “ pagtatama ko.

“Ang sarap ng pagkakatimpla mo ng kape, Peter ah. Pareho kayo ng Mama mo magaling magtimpla,“ puri nito.

“Sabing Renz lo, ” saad kong medyo may pagkayamot. May kung anong kirot ring sumagi sa akin.

“Aba, may pa sandwich ka pa Peter,” muli nitong sabi.

Napatigil ako sa pag-inom ng kape ko. Bigla aking nawalan ng gana. Aalis na sana ako nang makita kong hinati ni lolo ang sandwich sa dalawa.

Napakunot ako ng noo, itinabi niya iyon. Kinain niya naman ang kabila.

“Itong tinapay ay ibigay mo mamaya sa paboritong kong apo, si Renz. Nasaan ba ang batang iyon?”

Lumandas ang luha ko at lumapit kay lolo saka mahigpit na yumakap.

𝔽𝕝𝕒𝕤𝕙 𝔽𝕚𝕔𝕥𝕚𝕠𝕟Where stories live. Discover now