Tula ng Isang ELF

495 18 12
  • מוקדש ל To Super Junior and all ELFS out there!! <3
                                    

Ito ay isang tulang aking nilikha.  

Resulta ng aking pag-iisa.  

Ito ay sariling opinyon lamang ng inyong abang lingkod.  

Kung mali ang nilalaman patawad ang sa inyo'y aking nais ipaabot. XD

Tula ng Isang ELF 

Ni; Veronica Jane Javier/Park Yeon Jung/HaeNica 

I. 

Nang kayo'y aming makilala 

Mundo naming ay nag-iba 

Kapag hari ng KPOP nag usapan 

Super Junior ang laging nangunguna. 

II. 

ELF kung kami'y inyong tawagin 

Dati ay dwende ito sa pagkakaalam naming 

Nun pala ay isa itong acronym 

Sa Ever Lasting Friends na turan sa amin. 

III. 

Aming lider na minamahal 

Leeteuk ang kanyang pangalan 

Tunay namang anghel sa kagwapuhan. 

Kahit sya ay matanda na 

Pagmamahal niya sa miyembro ay di matutumbasan. 

IV. 

Nangunguna sa kalokohan 

Ngunit walang kinatatakutan 

Kung anong kanyang pinaniniwalaan, Iyon ay kanyang paninindigan. 

Kim Heechul naming mahal, kami pa rin sa iyo'y naghihintay. 

V. 

Hankyung kung siya'y tawagin 

Tanging miyembrong Chinese kung siya'y ituring 

Ngunit pag siya'y sumayaw ay walang tigil 

Pagbalik sa SJ lamang sa iyo ay aming hiling. 

VI. 

Pag si Yesung kumanta na, lahat ay natutulala 

Dahil sa kagandahan ng boses niya 

Ngunit siya ay may lihim na pagnanasa 

Katawan ni Siwon nais ay makamit niya. 

VII. 

Kami'y natuwa sa iyong pagbabalk 

No. 1 Racoon Kangin sa iyo kami ay nasabik 

Ang iyong talent ay di pa rin sumasabit 

Ang akin mong dating kakaiba pa rin. 

VIII. 

Sa Super Junior, siya ay pinakakilala 

Dahil sa pisikal na pangangatawan niya 

Siya ay si Shindong na taga gawa ng sayaw, tagapagpatawa at napakatakaw 

Pag siya'y umindak lahat ay hahataw. 

IX. 

Aegyo King kung siya'y papansinin 

Oh Lee Sungmin, ang prinsipe namin

Ang kanyang hilig, gamit na kulay pink 

Sana ako ay kulay pink nalang din. 

X. 

Ang Dancing machine na napakagaling  

Eunhyuk na anchovy namin 

Ang gummy smile na walang mintis 

Sa karisma niya ika'y mapapatid 

XI. 

Choi Siwon, ang ating pastor 

Pinakamayaman sa Super Junior 

Katawan mong pantasya ng nayon 

Kinaiinggitan sa lahat ng pagkakataon. 

XII. 

Lee Donghae na isip bata 

Ang daming nahuhumaling sa inosente mong mukha 

Kapag ikaw ay umiyak lahat ay nahahawa 

Ikaw ang pinakamamahal sa lahat ng isda. 

XIII. 

Eternal maknae siya para sa amin 

Kim Ryeowook, boses mo'y napakatining 

Lahat ng nota ay kaya mong abutin 

Kung ika'y titingnan parang bata ka pa rin. 

XIV. 

Kim Kibum oh and dami mong kapangalan 

Ngunit kagwapuhan mo para sa amin ay di matutumbasan 

Nawasak mundo naming ng iyong nilisan 

Ang Super Junior naming mahal. 

XV. 

Sa lahat ng maknae siya ang pinakatanyag 

Dahil sa kasamaan niyang taglay 

Oh Cho Kyuhyun kapag siya'y bumirit na 

Makakalimutan na mga kasalanan niya. 

XVI. 

Zhoumi at Henry kayo ay tanggap naming 

Kayo ay tunay na miyembro ng SJ para samin 

Bagamat sa M lang kayo napapansin 

Suporta namin sa inyo ay di magmimintis. 

XVII. 

Sa "Sorry Sorry" tunay kayong sumikat 

Ang Guinness World of Record inyo ring nasambat 

Maraming babae sa inyo ay nangangarap 

Ang makasama kayo lagi ang tanging dasal. 

XVIII. 

Lumipas man ang panahon at kayo'y tumanda na 

Suporta naming sa inyo ay di kkupas pa 

Bagamat susuporta rin kami sa ibang banda 

Sa huli ay "SUPER JUNIOR THE LAST MAN STANDING" pa rin ang aming bandila.

? HaeNica1215 ^___^

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tula ng Isang ELFWhere stories live. Discover now