HEA 1

0 0 0
                                    

Charm carmela's POV(with her beloved bestfriend jaycel cameron sipilan)

"Charm dali na iadd mo na kasi ako sa rp mo"pangungulit ng kaibigan kong si jaycel 'aishh'

'di ko naman alam ang rp rp na sinasabi niya kanina pa siya nangungulit

"ilang beses ko ba sasabihin sayo na wala akong rp at hindi ko alam ang rp okay? okay?"paglilinaw ko sa kanina na parang nilalapit pa mukha ko para luminaw talaga sa kaniya ang sinasabi ko at siya naman napapaatras

"pero kapag ba sinabi ko sayo ano ang "rpw"..." sabi niya pa with matching "." ganun sa kamay niya at binigyan ako ng makahulugang tingin

kumunot naman bigla noo ko "ano?" mejo masungit na tanong ko sakaniya

"Iaadd moko?" tanong niya at binigyan niya ko ng ngiting malawak na halos makita na lahat ng ngipin niya

Huminga ako ng malalim habang napapikit sa inis at kumalma bago sumagot

"Okay fine.." sagot ko at nadagdagan naman ang kaniyang ngiti. pero bago pa man siya sumagot ay inunahan ko ng pagbabanta  at paninigurado
"pero pangako mo na di moko kukulitin at irereto reto kahit kanino..nakooo pag ako napuno ewan ko nalang sa'yo "paninigurado ko sakaniya habang tinuturo siya

yahh,mahilig si jaycel na ireto ako kahit kanino napagkakamalan nakong hayok sa lalaki nito

"tabi tabi  nga nakaharang kayong dalawa!" sita ng lalaki samin

di namin namalayan na dahil sa kakulitan ng kaibigan kong to nasa gitna pala kami pft

"kita mo na nasita tuloy tayo don nga tayo sa bench" ani jaycel

naupo na muna kami sa bench at mukhang excited ang isa na sabihin ang tungkol sa rp na sinasabi niya

huminga muna siya bago nagsalita "Okay HAHHAHA so ang rpw ay isang pekeng mundo at puno ng pekeng tao char" pagbibiro niya

"umayos ka kasi parang timang to eh" pagsusungit  ko ulit at umayos naman siya

"ito na ito na kalma lang madam,ang rpw kasi ay isang mundo..pekeng mundo kung saan mo matatagpuan ang totoong kaibigan,right person... pero in wrong world" biglang lumungkot ang tono ng pananalita niya ng banggitin niya iyon "bawal mo ipakita sakanila ang totoong ikaw..i mean u need to hide ur identity di naman sa di mapagkakatiwalaan ang rpier roon pero yan talaga ang patakaran sa rpw dati pero ngayon andaming lumalabag sa rules roon nagkanda sira sira na iba na ang generation ng rpw ngayon" seryosong kwento niya "alam mo anong rule ang nilabag ng mga role player ngayon?"tanong niya at umiling lang ako sa tanong niya

"Dont fall inlove you lose if u fall"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HAPPY EVER AFTER (STILL PUBLISHING)Where stories live. Discover now