CHAPTER 2

3.4K 72 5
                                    

SELENE


"WHAT IS THAT SMELL?" Napatingin ako sa entrada ng kusina nang marinig ang boses ni Nadia. Hindi ko napigilang matawa nang makita ang itsura niya sa umaga. Gulo-gulo ang buhok na para bang pinagpugaran ng mga ibon, may natuyong laway sa gilid ng labi niya at may muta.


Ilang taon na ang lumipas pero hindi pa rin nagbabago ang itsura niya tuwing umaga. Tulad pa rin ng dati.



"Why are you laughing?" Inosente niyang tanong. Walang kaide-ideya sa itsura niya ngayon.



Nagbaba ako ng tingin sa niluluto kong almusal at sinubukang magpigil ng tawa bago mag-angat ulit ng tingin sa kanya. "Ilan na naging boyfriend mo?"




Kinunutan niya ko ng noo. "Why are you suddenly asking me that question?"




"Just answer me."



"Dalawa, bakit?"




"Pffttt. Have you ever slept with them?"



"Only with my last ex. Why are you asking?"



"At gumigising ka ng ganyan ang itsura mo sa umaga?" Natatawa kong tanong. "Gulo-gulo ang buhok na akala mo pinagpugaran ng mga ibon, may natuyong laway at may muta?"



She stilled and look at me with wide eyes. "Totoo? Magulo buhok ko?" Natatawa akong tumango. "May laway?" I nodded again. "May muta?"




"Hanggang ngayon ang pangit mo pa rin gumising tuwing umaga—" natigil ako sa pananalita nang bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo at mabilis na kumaripas ng takbo palabas ng kusina.




Natatawang napapailing na lang ako at tinapos ang almusal. Naghanda na ako sa mesa ng umagahan habang hinihintay si Nadia na bumalik.




Balak ko sanang umuwi kagabi dahil paniguradong hahanapin na naman ako ni Tito pero dahil nasobrahan sa kalasingan si Nadia kagabi ay hindi na ako nakauwi at nagpasyang dito na lang sa condo niya matulog. Mabuti na lang palagi akong may walang extrang pamalit sa tuwing papasok ako sa Café kaya hindi ko na kailangang manghiram pa ng gamit ni Nadia.



Natigil ako sa pag-aayos ng mga plato nang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong lumitaw ang pangalan doon ni Tita Janice. Agad ko iyong nasagot dahil baka nag-aalala siya sakin. Hindi pa naman siya pwedeng mag-alala ng sobra dahil sa sakit niya.




"Hello, Tita?" Usal ko pagkasagot ng tawag.




"Hindi ka na naman daw umuwi kagabi. Nasaan ka na naman?" Sa halip na boses ni Tita ang marinig ko ay ang galit na boses ni Tito ang sumagot.




Napabuntong hininga ako ng tahimik. "Nasa bahay po ako ng kaibigan ko, Tito."




"Aba't talagang nakitulog ka pa sa bahay ng ibang tao?" Galit na tanong niya.




"Hernando, huwag mong pagalitan si Selene. Baka nagkaroon lang sila ng kaunting kasiyahan at nagkayayahan." Dinig kong pagtatanggol sakin ni Tita sa asawa.




Hindi sumagot si Tito at tanging marahas na pagbuntong hininga lang niya ang narinig ko. "Pagkatapos ng trabaho mo ay umuwi ka kaagad. May mahalaga akong sasabihin sayo. At hindi ka pwedeng tumanggi." Huling sabi niya saka niya tinapos ang tawag, hindi na hinintay pa ang sagot ko.



Napatingin ako sa cellphone ko at napatitig doon. Nag-iisip kung ano ang mahalagang bagay na yun na sasabihin sakin ni Tito. Ni minsan ay hindi niya ako sinasabihan ng mga bagay na mahahalaga o importante. Kay Tita lang siya nagsasabi. Kaya nakapagtataka kung ano ang sasabihin ni Tito sakin?




THE GENTLEMAN'S AFFECTION [COMPLETED]Where stories live. Discover now