PROLOGUE

190 3 0
                                    

DISCLAIMER:THIS IS A WORK OF FICTION,NAMES,CHARACTERS,
BUSINESSES,PLACES,EVENTS,LOCALES,AND INCIDENTS ARE EITHER THE PRODUCTS OF THE AUTHOR'S IMAGINATION OR USED IN A FICTITIOUS MANNER.

ANY RESEMBLANCE TO ACTUAL PERSONS, LIVING OR DEAD,OR ACTUAL EVENTS IS PURELY COINCIDENTAL!

Copyright © by msnira

All rights reserved.No parts of this novel may be reproduced or used in any manner without written permission of the copyright owner!

DON'T STEAL MY WORK!

...

Madaling araw na pala nung tignan ko ang oras sa phone ko,limang oras na ang nakalipas at di parin ako makapag-focus sa pagrereview for our final exam tommorow dahil may isang bagay na bumabagabag saking isipan.

"I really like you since grade 10 pa tayo,by the way goodluck sa exam " iyon ang laman ng sticky notes na nakadikit sa isang red roses na binigay sakin ni Clint. Di ako makapaniwala sa pangyayaring iyon kanina. Aishhh ano nalang sasabihin sakin ng kaibigan ko bukas.Yung taong gustong-gusto ng kaibigan ko sa akin siya umamin hindi sa kanya. Kasama ko pa man din siya kanina pero di ko na siya nakausap about dun dahil iniwan niya akong mag-isa,bakit kasi ako pa!

Tinignan ko ulit ang laman ng sticky notes na iyon baka nagkamali lang ako ng basa but nahhhh yun talaga ang nakasulat. Napakamot nalang ako sa buhok ko and I stood up from my chair and headed in front of my full body mirror.Tinignan ko and katawan ko mula ulo hanggang paa. Pinagmasdan ko mabuti and why naman sakin nagkagusto yung clint na yun? I'm half Thai and half Filipino. Feminine din kung tawagin nila mas mukha kasi akong babae sa babae charizz. . I think okay naman yung built ng katawan ko sa isang 5'4 na tulad ko. 

Clint Vergara ang tinaguriang Campus Crush.Clint is also the star player of our school's basketballs team,he plays football too. 

To be honest and gwapo talaga ng taong yun sobra kaya di na ako nagulat nung sinabi sakin ng kaibigan ko na gusto niya ito, sino ba naman kasi ang aayaw sa kanya eh isang tingin mo lang sa kanya laglag panty na jwk. Oo na! aamin na,may feelings din ako sa taong iyon. Marupok din naman akong tao pero dahil inangkin na ng kaibigan ko bilang crush niya ang taong iyon ako na ang sumuko kasi di naman ako totally into him.May sarili kaya akong taste duhh emss.

I sighed the longest sigh and then napatakip na lamang ako sa aking bibig when I suddenly realized something.

'what if pinagpupustahan lang pala ako tulad ng mga nababasa ko? What if dare lang pala iyon?tas ikaw si tanga na masyadong nagpapaniwala? What if-'

Wait, what? Kalma self Kung anu-ano naiisip mo.

"Juice ku Kenzie Lei Fontabella, wala ka na ngang na-review tapos magpupuyat ka pa sa kakaisip ng kung anu-ano." saad ko before turning the lights off and nahiga sa aking kama.Aishhh bahala na bukas.

The Last Betrayal Where stories live. Discover now