Chapter 01

574 17 30
                                    


Tambad sa telepono ko ang mensahe ng isang kliyente kalakip ang isang article na pinapagawan niya ng evaluation. Sabi niya isusunod na lang daw niya ang bayad. Ipinagkibit-balikat ko ang mensaheng natanggap bago naglakad palabas ng room.

"Madam! Tirahan mo 'ko ng isa no'ng crinkles," simula ni Hiruki, kasabay ko ngayon papuntang Eco-park.

"Kung bibigyan kita eh para mo na rin akong binawian." Sa kanya kasi galing ito. Nilibre niya!

"Damot-damot eh isa lang!"

"'Wag mo akong kulitin, Ruki. Aga-aga pa," napailing ako.

Mabilis kaming nag-pwesto doon sa Eco-park para hintayin si Monnic. Chem na ang sunod naming sub at kasalukuyan pa silang in-class sa kanilang striktang prof na panay bigay daw ng groupworks sa kanila.

Kaya hindi na ako nagtanong kung bakit matagal siyang dumating. "May lab gown kayo?" salubong niya.

Sabay kaming tumango ni Hiruki.

"Lab layp, meron? Of course, wala. Bakit pa ako nagtanong?"

"May tipak kasi ulo mo."

May activity kaming gagawin mamaya kaya hinanda ko na ang materials na gagamitin namin. Inorganisa ko na rin ang sheets para sa solvings at general observation.

"Tinitingnan ko pa lang, napapagod na 'ko. Naknampogshit na buhay." Bumuga ng hangin si Hiruki at pinanonood ang ginagawa ko.

"Kaya nga dapat tumulong ka para mabilis matapos 'to," giit ko naman.

She warped her face. "Tutulong lang ako d'yan sa shutanginang mole kung ako na may ka-momol."

I sighed and didn't bother turning to her. Bahala siya. Siya naman magdudusa sa oral assessment ni Sir Octavo. Good luck sa grades.

"Ay bebs, speaking of ka-momol, may nag-participate na raw kay Jinggay natin!" mahinang tili ni Monnic.

"Talaga, madam? Sino ba?" Tila napukaw no'n ang totoong pagkatao ni Hiruki.

Pinagkunutan ko sila ng noo gayong hindi ko naman sila masyadong naiintindihan. Anong nag-participate para sa 'momol'? Contest ba 'yon?

"Naks, may pa-act fool pa talagang nalalaman. Sige na, ikwento mo na! Eto naman, parang hindi bestfriend! Hmph!" Hiruki sulked.

I don't have any idea where their accusations came from. But I have one in mind that I totally hope is not what they referring.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi niyo," saad ko na lang. Of course, who in the world would believe that shit?

Dahil sa sinabi ko ay pareho silang nagkatitigan bago napangisi na tila nagkaintindihan ang isa't isa. Doon lang ako umirap sa kanilang ekspresyon nang magkatuwaan na sila at nagtawanan. Active na active sa pangungulit!

"Sabi sa'yo, meron!" marahang pagtutulak ni Monnic sa babaeng nakangisi.

Without getting the context, or at least neglecting it, I focused on the preparations.

"Gan'to kasi 'yon!" panimula ni Monnic. "Nagkasabay kasi sina Jing at Niña pag-uwi noong naiwala mo ang SPCS ni Jing. Tanda mo 'yon, 'di ba?"

"Mm-hmm, noong isang araw."

"Oo! So ayon na nga during sa byahe, etong madam mo natulog daw! Tapos . . ." Humagikhik ang babae na parang kinakalikot ang singit. "Bebs! Nagkataon na si ano, si Shiro ang katabi niya!"

Napayuko ako. Right, the jeep scene happened two days ago! Gago, alam niya!

"Hala totoo?! Si Shiro nga?!"

Drives Under NightlightsWhere stories live. Discover now