Chapter 02

488 15 33
                                    


"Jed, pakibantay ng bahay. Lalakad lang ako saglit," pagpapaalam ko sa kapatid habang abala sa pag-aayos ng buhok. "Kapag nagutom kayo, may pagkain akong nainit d'yan sa lamesa. 'Wag kayong lumabas ng bahay, ha? Hindi talaga ako magdadala ng pandesal."

"Ingat ate," sabi ni Jed. Nagngingisi namang tumango si Esma.

I pinched her cheeks and smiled before I scuttled off from the house.

Pumunta ako sa palengke para bumili ng suplay ng konsumo namin.

May sapat naman na akong dalang pera para rito. I'm sure my money wouldn't be slim in terms of overall expenses. In case, just in case, makulangan 'yong sahod ko, may extra naman ako galing sa pagco-commission.

"Isa po nito, ate," turo ko sa isang balot ng spices. May nakita pa akong panindang mga gulay kaya sinali ko na rin lalo't una iyon sa lista.

Dumiretso na rin ako sa tindahan ng mga bigas. I calculated everything and chose the best fit to my budget.

Naglakad pa ako at bumili ng iba pa naming kakailanganin bukod sa bitbit sa kamay. Hindi na ako bumili ng notebook na para sana sa sarili at tinabi na lang para kay Jed sa kadahilanang mas gumagamit sila.

Biglang pagkakataon, nagbakasakali na rin ako ng murang libro sa isang subject namin. But when I checked the price, the disappointment seeped through me. Hindi kaya ng isang buwang pagtitipid, maysadong malaki sa pitaka ang presyo!

Ramdam ko ang panghihina ng katawan pagkauwi dahil sa perang dumaan lang sa kamay at sa pagod na tumama rito.

Habang naghahanda ako para sa tanghalian namin, kinulang pa kami sa tubig kaya naman kinailangan ko pang mag-igib muna para panghugas.

Lumabas ako at pinasama ko si Jed para humakot ng tubig sa poso.

"Hay, jusko! Mag-iigib nga naman lang ng tubig, nagpapa-sexy pa talaga!"

"Kaya siguro iniwan ng magulang kasi walang delikadesa sa katawan."

"Kabataan talaga ngayon, galing ng diskarte!"

Kapag sinabi kong wala akong pakialam sa mga pinagsasabi nila ay hindi ako nangangakong hindi rin ako apektado sa mga naririnig. As much as I always discard the feeling inflicted by their sharp tongues, it really has a way to whack my ego.

"Ate, 'wag mo raw pansinin ang mga ganyan kasi insecure lang daw 'yan sila sabi ng titser ko," wika ni Jed habang dala-dala sa kamay ang timba.

Hindi ko alam kung masama bang malaman niya ang mga bagay na ito sapagkat maaaring pag-iisipan niyang normal ito sa buhay at lalaking sanay sa mga ganito o maaaring mabuti sapagkat may mabubuksan sa isipan niya at mapapagtanto niyang ganito talaga ang reyalidad namin dito.

I patted his head and smiled. Soon, he will realize. Whichever of the two could take him, I hope the change he'll endure will lead him to living with peace. And knowing we have no one else in our lives, I am in assistance to that.

Hindi isang kasinungalingan ang sinabi ng kapitbahay ko sa usapang pamilya. I was in elementary when our family tree had been uprooted. It's a long, complicated story but to make it sound as basic as possible, nasira kami dahil sa isang pagkakamali at nasa kanya-kanyang pamilya na ang papa at mama ko. We, on the other hand, we're simply an orphan just living outside the orphanage.

Tumulong na si Jed sa paghahanda sa kusina at pagliligpit ng ibang gamit. I smiled to myself knowing I didn't even word help.

Inumpisahan ko nang gawan ng outline ang unang task ni Shiro. Statistical Narrative na lalagyan ng kaunting critiquing insights tungkol sa conducted research. And when we say critiquing, we refers to summing word contents, it is no more than a summary through critical analysis. Mahirap-hirap din iyon kahit lagumin, may mga nakalakip pang mga kalat-kalat na numerical data na mahirap ipasok.

Drives Under NightlightsWhere stories live. Discover now