Chapter 03

430 16 14
                                    


The second my inner head became saturated is the time I was introduced into one significant realization.

I am my own responsibility. Ako ang tutulong sa sarili ko. Ako ang sasagip sa sarili ko. Ako ang aahon sa sarili ko.

Nabuhay ako para pasanin ang sarili at hindi mang-abala sa iba na magpakarga. Namuhay akong itinataguyod ang sarili na may nakapatong sa likod. Araw-araw ay walang bago. Gigising sa umaga at bungad sa mata ang responsibilidad sa harap.

Another day, another function. But I know deeply that I was just moving inside the same circle. In a loop. Like a fish inside an aquarium that sees the same things around.

There's nothing new to me. Kaya malaki ang pinaghuhugutan kong lumabas at mag-iba ng tatahakin.

It's not a pushing motivation. Not the cheerful greetings in the morning. Not even the warm embrace in the night. Neither the daily reminder in the calendar nor the popping notification bell.

It's the default alarm clock. The thing that keeps me kicking in surface.

Sa mga sumunod na araw, todo asikaso ako sa mga kapatid ko. Madaling-araw pa ay ginising ko na si Jed dahil ang sabi niya'y may meeting daw sila ngayong araw. Hindi muna ako papasok sa isang subject ngayong umaga at planong um-attend doon sa room convocation nila.

Nagkasabay kami ni Aling Karina papuntang paaralan sa parehong pakay. Siya ang palagi kong binibilinan at pinag-aasahan kay Esma tuwing alam kong wala kaming dalawa ni Jed sa bahay. Sa kanya lang din ako bumibili kasi ang ibang may tindahan, nagagalit daw kapag isa lang ang bibilhin.

Our neighborhood is really full of shit. At lumaki na akong nakasanayan sa klase ng pag-uugali nila. Si Aling Karina lang ang kapitbahay kong hindi matalas ang dila. Maayos ang pamumuhay nila at balita ko, nakapagpundar na ng malaking bahay ang panganay.

Kinarga ko si Esma hanggang sa makarating kami ng silid. Humiling pa ang ginang na magpasama siya sa pagpapabili ng stocks sa tindahan nila. Tutal ay manageable naman ang oras ko kaya sinang-ayunan ko siya.

Nag-meeting pa muna kami sandali bago tumuloy sa awarding ng mga bata para sa ikatlong kwarter.

"Ate, with honors lang ako," pagsisimangot ni Jed.

"Oh, ano naman? Pasalamat ka nga nakatuntong ka pa! Sakto na 'yan!" Kinuha ko sa kanya ang hawak at binasa 'yon.

There, I embraced the feeling of pride that envelopes me as I read the certificate and finding out he has an average of 94. Maintained simula first quarter hanggang ngayong third.

"Tamo, isang untog na lang sa'yo, with high ka na. Ano bang inaarte mo d'yan? Malaki na kaya 'to!"

He grunted. "Eh hindi ko maabot ang 98 mo!"

Kinunot ko ang noo. "Paano mo nalaman?"

"Nakita ko photocopy ng report card mo eh. 98.44 ang average, isang .1 na untog na lang sa'yo, ninety-nine na!"

I glared and tried to reach for him but he already ran away outside. Rinig ko ang maliit na hagikhik ni Esma na ngayon ay nakaupo na sa gilid.

"Ikaw, Babi, pagbubutihin mo ang pag-aaral mo sa susunod na papaaralin kita para may certificate ka rin tulad ng kuya, okay? 'Di ba, honor siya sa klase. Ikaw, kung anong kaya mo, ipagpatuloy mo pa 'yan. May usad ka rin." I pinched her cheeks as my heart wishing her for a comfortable and abundant life.

It is what's the best for her aside from pure happiness. I'll make sure she'll grow pure and unscathed; she wouldn't experience the side I'm paving in.

"'Wag kang pasaway sa kanila Aling Karina. Hindi talaga magdadala ng chicken ang ate kapag may nasira ka do'n. Malalagot ka pa." Inayos ko ang buhok niya. Wala pala akong nabiling hair clip.

Drives Under NightlightsWhere stories live. Discover now