13

118 127 0
                                    


Minabuti naming umalis na sa Clinic dahil sa pagkamainipin ni Takeshi. Nagpupumilit itong lumabas kaya naman wala na kaming nagawa maging ang mga Doctor at nurses ay pumayag na lamang. No choice naman talaga sila kundi sundin siya kung ayaw nilang magwala pa ito.

Bago kami pinaalis ay chineck muna nila kung maayos na talaga si Takeshi at nang masiguro nilang ligtas na siya ay agad din nila kaming pinalabas.

Dumiretso kami sa dorm dahil mas tahimik dito, sigurado ring walang sino man ang makakarinig at makakaalam ng mapag-uusapan dito.

"Spill it now Bryx I'm tired of waiting" walang buhay na saad ni Takeshi.

Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa at tulad dati ay tila wala man lamang nangyari sa kanya.

Natutuwa ako dahil nagising na sya ngunit natatakot ako sa maaaring mangyari ngayong mayroon nanamang bagong impormasyon.

"Alright. After what happened, pagkatapos ng pagsaksak sa inyo ay mabilis na kumalat ang balitang iyon dahil mayroong nakakita noong dinala kayo sa Clinic" mahinahong saad nito saka bumuntong hininga bago tumingin sa amin. "Kumalat ang balita hanggang sa makaabot kay Mr. Haruki na siyang Uncle mo, agad niyang inutusan ang mga heads na hanapin ang salarin dahil tiyak na paparusahan niya sila. Ilang oras lamang ang nakalipas at nalaman naming nahuli na raw nila ang mga gumawa niyan. Apat na lalaki ang kanilang sinabi ngunit hindi nila pinangalanan, ni hindi rin nila pinakita ang mukha ng mga ito bago nila ikinulong"

Ang mga taong yon ang hinahanap ko. Imposibleng oras lamang ang gugugulin bago nila mahuli ang tunay na salarin, oo nga't may kapangyarihan sila ngunit hindi iyon sapat upang oras lamang ang aksayahin.

Nakukuha ko na. Hindi iyon sina Axerylle. Inosente ang paparusahan nila kung ganon.

"Sa aking palagay ay hindi ang tunay na may sala ang hinuli nila, tiyak na pagala gala pa rin ang may gawa niyan sa inyo. Ang gusto ko malaman ay kung mali ba sila ng hinuli o sinadya nila iyon" seryosong ani nito habang nakakunot ang noo.

"I knew it." matatalim ang mga mata nitong nakatitig kay Bryx.

"bago ka magsabi ng kung ano, mayroon muna kaming gustong malaman Takeshi" diretsong saad ko matapos niyang magsalita.

Napatingin naman ito sa akin.

"bakit mo ginawa yon? bakit mo hinayaang saksakin ka lang nila? bakit hindi ka man lang lumaban?" kunot noong tanong ko.

He chuckled.

"You guys wondering why did I do that? ofcourse there's always a reason behind all of my actions, I didn't do that for nothing, I won't let anyone hurt me for nothing" seryosong saad nito. "I let them to stab me to know if they're connected with my Evil Uncle, after what happened to me I wanna know if Haruki will protect those five idiots including Rovainne" ani pa niya.

I don't get it. Connection sa uncle nya? paano naman sila magkakaroon ng koneksyon?

"what do you mean?" si Acxius ang nagtanong.

Nagtataka kaming napatingin sa kaniya habang hinihintay ang magiging sagot niya.

Dumilim ang mga mata nito at lalong sumeryoso ang mukha. Ramdam ko ang pagtaas ng aking balahibo dahil sa kakaiba niyang awra at nakakatakot na presensya.

Hindi ko naman ito naramdaman kanina ngunit tila nag-iba ang simoy ng hangin.

"those five idiots are the person who killed every student including Jasmin and Aicel" diretsong tugon nito.

Agad na nagtaas ng tingin si Bryx, nakikita ko ang galit sa mga mata nito ngunit wala ito kumpara sa mga matatalim na titig ni Takeshi.

"Si-sila ang pumatay sa kapatid ko?" hindi makapaniwalang tanong ni Acxius.

Section 13 Where stories live. Discover now