1ST ONE - 116.

3 2 0
                                    

1ST ONE - 116.

"Saan naman kayo pupunta para sa date niyo?" Mula sa pinto ng kaniyang kwarto ay dumungaw si Ash. "May suggestion ako by the way."

"Sa mall na malapit dito." Nilingon ni Aya ang kapatid habang inaayos ang kaniyang pouch bag. "Ano namang suggestion 'yan?"

Lumapit ito sa kaniya at may inabot na papel. "Do'n sa mall ay may bagong bukas na cafe. Christmas-themed cafe siya and maraming available pastries din. Gamitin niyo 'tong card para may 50% discount kayo."

"Sa'n do'n?" Kinuha naman iyon ni Aya. "Saka bakit ka naman may ganito? Siguro may ka-date ka, 'no?"

"Si Ariel tanungin mo," natatawang aniya. "Pumunta kasi siya dito kahapon and may dalang coffee and pastries. Binigay niya din 'yang card. Napadaan ako sa mall kanina kaya nakita ko 'yung cafe. Sa unahan lang ng mall sa kaliwa. Maraming couples ang nando'n and may souvenirs kayong maiuuwi dipende sa o-order-in niyo."

"Ah, gano'n ba? Salamat, kuya."

"No problem." Kinatitigan ni Ash ang kapatid. "Ngayon na lang kita nakitang nagsuot ng dress, ah? Oh siya, umalis ka na. Naghihintay na yata si Sam."

Kaagad na bumaba sa hagdanan si Aya habang nasa likuran niya ang kaniyang kuya.

"Ang ganda naman ng anak ko," nakangiting sabi ni Amanda sabay lapit kay Aya. "May first date, ah?"

"Ma." Hindi na niya naitago ang kaniyang kilig. "Nagyaya kasi si Sam kaya 'yon, hehe."

"Anong ako? Ikaw kaya nagyaya sa'kin," sabi ni Sam at lumapit sa kanila mula sa pinto ng bahay na iyon. "Good evening, tita. Sa'yo din Ash."

"Ikaw nga nagbanggit diyan e kaya pumayag na din ako kasi why not?" Lumingon siya sa binata. "'Uy bakit pareho tayo ng suot?"

"I guess it's destined," nakangiting aniya.

"Kay gwapo mo naman," sabi ni Amanda. "Ingat kayo and enjoy, ha?"

"Opo, tita."

"By the way, para kanino naman 'yan?" tanong ni Ash. "Mag-uwi kayo ng pasalubong, ha? Kidding."

"Sige, mag-uuwi kami," sabi ni Aya. "Kanino nga pala 'yang mga bulaklak, Sam?"

"These white roses.." Marahang hinawakan ni Sam ang kanang kamay ni Aya at ibinigay ang tatlong piraso ng white rose. "For you."

Nakangiti naman iyong kinuha ng dalaga. "Salamat, ah?"

"And this bouquet of blue daisies.." Ibinigay iyon ng binata kay Amanda. "Today's the 31st wedding anniversary of you and Tito Frank, right tita? Happy wedding anniversary po. I'm not sure if exactly thirty-one daisies 'yan but here."

"Ay ang sweet naman." Nakangiting kinuha ni Amanda ang bouquet na iyon. "Ang sweet mo naman, iho. Nakaka-touch."

"I hope you like it, tita."

"I love it, iho. Salamat."

"Grabe naman bro, mas madami pa 'yung flowers na binigay mo kaysa sa binigay ko kay mama this morning, e," natatawang sabi ni Ash.

"Ano kaya magiging reaksyon ni papa kapag nakita 'yan? Baka isiping may nanliligaw kay mama." Nagtawanan silang lahat dahil sa sinabing iyon ni Aya. "Biro lang."

"Sa pagkakaalam ko, kung liligawan ng lalaki ang gusto niyang babae e syempre dapat niya ding ligawan ang parents nito," sabi ni Sam. "Nakauwi na ba sa Tito Frank?"

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now