1ST ONE - 118.

8 2 0
                                    

1ST ONE - 118.

Sa bahay ng Katigbak Family.

"Dito pa lang sa labas, malawak na saka mahangin," sabi ni Max. "Magandang tumira dito."

"Totoo 'yan," sabi ni Mark. "So ikaw ang boyfriend ni Ate Marina? Nagagalak akong makilala ka."

"Ah nako, hindi pa," nakangiting sabi ni Marina. "Matagal pa bago mangyari 'yon."

"Ay gano'n pala." Nilingon ni Mark si Marina. "Ano nang balak mo ngayong alam mo na ang totoong pagkatao mo? After more than twenty years, sa wakas e alam mo na."

"E di malugod na tatanggapin ang katotohanang 'to." Muling ngumiti si Marina at umupo sa mababang duyan na nasa gilid ng terrace. "I'll go in U.S. with my dad. Uuwi muna siya from Korea bago kami pumunta in U.S."

"For your work and bonding na din ba?"

"Yeah. 'Yon ang plano."

"E 'yung kuya mo?" Humarap si Mark sa kaniya. "Sana all makakapag-abroad, 'no?"

"Haha! Gusto mo ba sumunod? Maraming opportunity ang naghihintay sa'yo."

"E nag-aaral pa lang naman ako."

"E pwedeng doon ka na lang mag-aral? Isama mo si Tita."

"Magiging possible ba 'yon?"

"Tulong ko na lang din sa inyo ni tita. Sa matagal na panahong nakasama ko kayo't nandiyan kayo para sa'kin, ito na 'yung pagkakataon para makabawi. Sabihin ko kay papa."

"Sige, ha? Sabi mo 'yan. Salamat na din."

"Walang kaso."

"Siya, tutulungan ko si mama na magluto ng bilu-bilo."

"Ngayon ka na lang ba ulit makakakain no'n? Excited na excited ka naman diyan."

"Hahaha, syempre! Alam mo naman e bihirang may masarap na pagkain." Halata sa binata ang saya sa kaniyang mukha. "Diyan ka na muna, ate."

"Sige lang, Mark."

Pagkaalis nito ay nilingon ni Marina si Max na nasa likuran niya. Itinuro niya ang espasyo ng duyan at tiningnan ang binata.

"Maupo ka kaya?"

Ang duyan na iyon ay may tali sa magkabilaan at may kahoy na sandalan. Malambot na tela at mga tali ang nasa mismong duyan na iyon. Hinawakan ni Marina ang tali ng duyan sa kanang gawi habang napahawak naman sa kaliwa si Max.

Parehong napasandal ang dalawa at ang kamay ni Max ay nakaakbay kay Marina.

"Sure na ba 'yung pupunta ka sa U.S.?" Bahagyang nag-angat ng tingin si Marina dahil sa tanong na iyon ni Max. "Gaano katagal?"

"Hmm, one month.." mahinang aniya. "Ako, si papa at si Jia, magkakasama kami sa U.S. For different reasons pero panigurado, magkakaroon ako ng pagkakataong maka-bonding sila. And excited na ako para do'n."

"Kapatid mo pala si Christian. Kaya no'ng minsan na nakita kong magkasama kayo ay may naiisip ako na hindi malinaw sa'kin at 'di ko mapaniwalaan. Ito pala 'yon, magkapatid pala kayong dalawa."

"'Yung totoo? Pakiramdam ko kasi nagseselos ka sa kaniya."

"Kung sinabi ko, e di pinagtatawanan mo na ako."

"Hoy, nagseselos ka sa kaniya? E parang kuya na ang tingin ko sa kaniya. 'Di ko akalaing siya pala ang kuya ko."

Natawa na lamang si Max at tumango. "E sa 'di ko napigilan? 'Yung mga pagkakataong nasabay ka sa kaniya para makarating sa bus station pauwi sa bahay mo. 'Yung time na napapansin kong palagi kayong magkausap. Pero nawala na din 'yung selos ko."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon