Prologue

5 1 0
                                    

Cover photo is not mine, credits to the rightful owner.

This story is entirely fictional. People, things, places, and names, are the product of the author's imagination. Any resemblance to things, places, people, living or dead, is entirely coincidental.

This story may contain strong language, sensitive content, violence, and crimes.

Read at your own risk.

LADYRAINNN

___________________________________________________________


TW: MURDER, VIOLENCE

Tumunog ang aking telepono at nakita sa aking screen ang pangalan ni mama. Mabilis ko itong sinagot at bumungad agad ang kaniyang boses.

"Alas dies na, nasaan ka na bang bata ka?" nagaalala niyang tanong. Hindi ako umimik. Tahimik lamang akong pinakinggan ang kaniyang sermon.

"Bilisan mo sa paguwi at pinagtira pa kita ng ulam dito, kapag wala ka pa ng trenta minuto, ipapakain ko na ito kay oreo!" banta nya habang rinig ko ang pagmeow ni oreo sa background.


Kagagaling ko lang sa school dahil nagtraining ako sa volleyball. Malapit na ang laban namin ngunit ako lang ang masipag na nagtetraining. Dumaan pa ako sa shooting kung saan nagfifilm ang buong block namin para sa ipapasa naming film na kakumpetensya ang ibang sections, maging iba't ibang department ng school. Pagkatapos ay nagtutor pa ako sa kapatid ng aking kaklase dahil nagpapatulong ito sakaniyang assignment, hindi naman ako makatanggi dahil lagi niya akong tinutulungan. At wala niisa sa mga ginawa kong ito ang nasabi ko kay mama.

Hindi ko sinasabayan ang sermon niya sa mga ganitong pagkakataon. Imbes magkaroon ako ng punto, ako pa ang dehado. Sa huli, ako pa ang mali.

Nang mamatay ang tawag, pasipol-sipol akong naglakad habang nakalagay ang parehong kamay saaking black jacket.

May plate pa akong gagawin ngunit dahil late na ako makakauwi, mukhang magdamag ko nanaman itong tatapusin. Dang, architecture.

Natigil ako saaking paghakbang nang makarinig ng tili sa hindi kalayuan. Mabilis akong nagtago sa isang madilim na eskenita at umakyat sa abandonadong building bago sinipat ang nangyayari sa kabilang kalye.

Kumunot ang aking noo nang makita ang isang lalaki habang nililingkisan ang isang babae. Malayo sila ng ilang metro sa bar na ngayon ko lamang nakitang nagbukas. Akala ko naman ay emergency na. Mukhang nagkakasayahan lang sila roon.

Aalis na sana ako ngunit natigil ako saaking paghinga at hindi nakagalaw saaking pagkakatago nang maglabas nang patalim ang lalaki at bigla na lamang sinaksak ang babae sa leeg, maagap naman na nakasigaw ang babae. Ang puting dress ng babae ay napalitan na ngayon ng kaniyang sariwa pang dugo.

Naghihingalo siyang tumakbo palapit sa bar ngunit naabutan siya ng lalaki at sinabunutan ang kaniyang buhok saka sinaksak naman sa tagiliran. Napatakip ako saaking bibig. Sa lakas ng sigaw ng babae ay may ilang taong lumabas ng bar na gewang gewang. May isang babaeng matino ang lakad at agad na tumawag ng pulis. Bago pa man makalapit ang mga tao ay tumakbo na ang lalaki papalayo.

Pinagmasdan kong muli ang sitwasyon sa ibaba. Bago pa ako makapagtagong muli, nagtama ang paningin namin ng lalaki. Mas lalong kumunot ang aking noo nang bigyan niya ako nang mapaglarong ngisi bago mawala sa madilim na eskenita. Napapalatak ako at umiling bago sinundan ang lalaki. Patawarin sana ako ni mama dahil mukhang madaling araw na ako makakauwi.

Mabilis ang aking paghabol sa lalaki ngunit lumiko siya sa abandonadong parking lot. Alam kong alam niya na ang presensya ko. Hindi ko binagalan ang pagtakbo sa halip ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo palapit sakanya.

Lumiko nanaman siya sa night market. Muntik kong masagi ang isang tindera kaya napatalon ako sa gilid ng pader at tinalunan ang tini-tindang street foods ng ale. Nagtama muli ang paningin namin at dahil marami ang tao sa lugar na ito, hindi ako makasingit ng maayos, hindi nakatakas saaking paningin ang muli niyang pagngisi. Sumambitin siya sa isang poste at lumikong muli. Nang maabutan ko na siya ay sumampa naman siya sa bakod. Mabilis kong tinalunan ang pader at kamuntikan ko na siyang maabutan ngunit tumalon nanaman siya sa isang balkonahe at pumasok sa lumang hospital. Alam ko na kung saan siya patungo. Ang ghost street.

Libo libo ang nababalitaang nagpapakamatay sa lugar na ito at halos lahat ng pinapatay na tao ay dito na tinatapon. I never knew how this street is before. It existed before I even move here. It's only been seven years since my family who is my foster home now adopted me. Naririnig ko ang kwento sa lugar na ito but it's actually my first time of being in here.

Madilim ang buong lugar. May ilang street light na gumagana ngunit napupundi na ito at hindi na ganoon kaliwanag. Hingal akong hinabol ang aking hininga habang pinapakiramdaman ang paligid. May mga abandonadong kotse na pakalat kalat. Hindi naman ganoong karumi, mas malinis pa nga ang mga kalsada rito. At mula saaking pwesto, naaaninag ko ang isang chapel na hindi na rin ganoon makilala kung hindi sa pangalan na nakapaskil sa tuktok nito.

Bago ko pa man maobserba ang ilang parte ay may narinig na akong kaluskos saaking likod, bumulaga saakin ang lalaki ngunit agad akong nakagalaw at naiwasan siya. Wala siyang hawak na patalim na tiyak ko ay nahulog niya sa  pagtakas kanina.

"I didn't know you were this persistent." I did not expect him to have a chitchat with me. Based on his voice, I'm guessing we're the same age.

"Same goes for you," humalakhak siya sa naturan ko at napatakip pa sa bibig.

"I thought I already entertained you earlier. It's good to watch there from above, no? Are you not satisfied with my performance?" he said in a disgusting tone.

Kinuha niya ang isang patalim na nakatago sakaniyang hita at malaswa itong dinilaan. "Should I entertain you more then?"

Hindi ako sumagot at pinakiramdaman lang ang susunod niyang hakbang.

"This is amusing. You don't really remember me?" Nawala ang depensa ko at doon ko lamang naaninag nang maayos ang kaniyang mukha. His almond brown eyes. That caught me off guard. Nahuli niya ako at itinutok saaking leeg ang hawak niyang patalim, pinagsiklop niya ang aming katawan at marahang pinisil ang aking beywang.
"Do you remember me now, woman?" bulong niya saakin, ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga saaking leeg. Habang marahan na hinahaplos ang aking beywang pataas saaking dibdib ngunit agad ko siyang napigilan. May lakas ng loob pa siyang dilaan ang aking tenga, may kung ano saaking dibdin na nagpakabog at sumiklab ang damdamin sa mga oras na iyon.

Hinuli ko ang isang kamay niya at mabilis itong pinaikot. Napasigaw ito sa sakit, kaya kinuha ko ang pagkakataon para sipain ang isa niyang paa at napaluhod naman siya. Sa pagkakataong ito, nagkapalit kami ng puwesto. Nakatutok na ang patalim sakaniyang leeg habang hawak ko ang pareho niyang kamay sa likod.

"An asshole will always be an asshole. Of course, I will never forget about you." He groaned and giggles. He think this is funny? He's always a jerk.

"Damn, woman. You've changed. Like a lot," he said before heartily laughing. Bago pa ako makakilos ay nakuha nya na ang patalim at sa isang iglap ay magkaharap na kami ngayon. If you were to meet my old self in this time, right now, I rather kill myself.

Bumuntong hininga ako.
"Why are you doing this?" nagiba ang emotion niya at bago pa man ako makapagsalitang muli, tumagos sa likuran ko ang kaniyang patalim at nadaplisan ang aking leeg.

"It's none of your business. Stay out of this," and again, after a long time away from him, I felt it. His mysterious hidden mask I could never see.

"How could I not? I just witnessed you murdering someone!"

"Just the old times, Elise," napasinghap ako nang marinig ang aking pangalan. "Don't talk, walk straight and ignore me." but he's the one who always does this.




He stays quiet.

He doesn't talk.

He walks straight.

and he neglects.

Like the old times.
As if I'm never there to begin with.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What Love Is NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon