Chapter 05

317 13 15
                                    


"Pasensya ka na d'yan Ruki, focus daw muna siya sa goal niya," I laughed.

Sa totoo, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman—kung maiinis, maiilang, sasaya o ano. But between the wicked laughter I made was the tickling flutters of my heart. Diretso sa akin ang tingin niya nang sabihin iyon at kahit anong pilit kong ayaw pangalanan o lagyan ng kung ano ang nangyari, talab na talab pa rin ang kilig sa akin.

Naninitig siya eh hindi naman ako ang goal! Hindi naman ako soccer net, eh!

I faced skyward.

The stars were twinkling, casting their light contrasts and sparkles as their own spells. Walang ambon o anumang pagbabadya ng ulan. It's absolute clear sky of the night, serene and peaceful.

I tried connecting the little light bulbs with my fingers to create a mini-constellation. It's fascinating to think how they can provide their own light. Lumiliwanag pa rin sa kadiliman. Kahit nag-iisa. Kahit walang kasama. Na para bang kampante pa rin sa kabila ng maitim na kawalan sa paligid niya.

Si Mirana ang kasabay ko pagkauwi. Bagsak ang balikat niya at pagod na pagod sa byahe.

"Kapagod talaga nito!" She released a sharp sigh. Naglalakad pa lamang kami papuntang intersection.

Pareho kami ng university na pinapasukan kaya may mga oras na nagkakaabutan kami sa isa't isa. We're in different college departments that explains why we rarely, but inevitably see each other's faces inside. Nevertheless, we just happen to meet at work.

"Alam mo, nagdududa na talaga ako kung gusto ko ba 'yong kinuha ko. Mag-shift na lang kaya ako?"

I shrugged. "Ikaw nga kung talagang gusto mo. Pero sayang ang sinimulan mo n'yan."

"Kung para sa gusto ko, hindi," sabi niya.

"Eh ano ba talaga ang pangarap mo?"

Nag-isip pa siya. "'Di ko pa alam, sa totoo," pag-iling niya. "Pero mukhang curios ako sa inyo. Mahirap ba?"

I reflected upon my experiences. Noong una, nahirapan ako dahil nabaguhan ako sa sistema. Culture shock, they say. Imbes na mag-enjoy sa panibagong papasukan pero inunahan ako ng gulat. But because of the ample time for my preparations, I still made it to adjust myself.

"Not really. But I can't say na hindi ka mahihirapan sakaling mag-shift ka man. After all, iba-iba naman tayo."

"Hmm . . ." sang-ayon niya. "Siguro kung hindi ako nag-Social Work at same course tayo ngayon, magagaanan lang yata ako. Talino mo, eh."

Umismid ako sa kanya. Kung nagkataong magkasama kami, aba'y hindi tanong na isa rin siya sa miyembro ng kulto ni Hiruki na ang gagaling kumuha ng ideya mula sa akin para sa ipa-paraphrase na sagot nila.

At sa katunayan, wala namang kurso ang hindi mahirap. Wala namang magaan or whatever. Depende lang talaga sa tao kung gusto niya ang kinuha at kung paano siya nagma-manage para maka-survive sa journey as tertiary level student. She definitely should've known it by now.

Pasalampak akong nahiga sa kutson habang nasa kabila naman ang dalawa. Pinikit ko ang mga mata. What a day.

"Ibibilad pa ba natin ang panggatong, ate? Makulimlim kasi," Jed informed me.

"Oo basta makatuyo lang, at isampay mo na rin pala ang mga nilabhan ko kanina. Maaga naman akong uuwi mamaya," sagot ko sa kanya.

Binalingan ko naman si Esma na nakaharap sa akin. "Babi, gusto mo pa rin ba ng chicken?"

Awtomatikong gumuhit ang pananabik sa mukha niya. "Yis, ati!" she exclaimed.

I fixed her hair and pinched her cotton-like cheeks. Nakakagigil ang lambot.

Drives Under NightlightsWhere stories live. Discover now