Prologue

3 0 0
                                    





The exquisitely feeling of watching the cameras taking photos of yourself while walking on the red carpet. It was my dream, to finally be notice by everyone in the industry of how talented I am. It's a long-overdue dream that I want to accomplish, it's just that it wasn't as easy as what other people think of when it comes to artists like us.



I was only ten years old when I decided to join a kids reality show in a famous agency in the Philippines. I was praised on how good I was, pero hanggang doon lang yun. Lumipas ang araw, buwan, taon, at ngayon ay isang dekada na pero hindi pa rin ako nabibigyan ng spotlight gaya ng inaasahan ko.



I am praised by a lot of veteran actors and actresses in the industry kasi magaling daw ako, pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako napapansin? Nahihiya na nga ako kay Lolo na simula't-simula pa lang ng career ko ay nandiyan na siya para suportahan ako. Paano na ngayon na kahit side role ay hindi ko makuha.



Stable naman kami financially ni Lolo at kaya pa naman naming sustentuhan ang pangangailangan naming dalawa sa bahay. Bata pa lang ako when my parents died sa isang aksidente kaya si Lolo at Lola ang nag-alaga sa akin. But, when I turned 12 ay doon naman nawala si Lola dahil sa sakit niya.



Kaya simula noon ay gusto ko talagang magsikap na magkaroon kahit mga side roles para may panggastos kami ni Lolo. Naisip ko rin na hindi sapat ang mag-artista lang ako kaya kinumbinsi rin ako ni Lolo na magpatuloy ako sa pag-aaral ko. Maayos naman ang record  ko saka ang mga grades ko dahil nakakapag focus naman ako sa pag-aaral dahil wala naman akong mga roles hindi kagaya ng mga sikat na artista.



I am now 21 years old, at nag-aaral sa UP Diliman sa program na Bachelor of Arts in Journalism. Busy sa school pero hindi busy sa trabaho. 4th year na ako ngayon kaya medyo abala talaga ako sa school pero hindi naman ako nahihirapan kasi sanay naman ako sa ganito.



"Hope, anong oras ba ang klase mo?" Tanong sa akin ni Tatay, ang Lolo ko na kasama ko sa lahat ng bagay. Nakakapagtrabaho pa naman si Tatay ngayon at nagtayo na lang kami ng grocery store dito sa amin para may panggastos kami kung sakaling hindi ako nakakatanggap ng trabaho.



"Tay, isa lang ang klase ko ngayon tapos didiretso na po ako sa LBN (Lopez Broadcasting Network)." Paliwanag ko sa kanya, may audition kasi para isa isang teleserye na gagawin ngayong taon at mga bigating artista ang kasama.



Magbabakasakali lang ako, hindi naman sa bida na role ako mag-aaudition kundi para sa kaaway ng bidang babae. Payo kasi sa akin noon na mas bagay sa akin ang mga matataray na roles dahil na rin siguro sa features ko. I am between morena or mestiza na skin tone. May height din ako na 5'5 na siguro ay namana ko sa side ni Papa, kasi kahit si Tatay ay matangkad.



Tahimik lang din ako lalo na kapag nasa set kasi gusto ko, wala akong naiistorbo para matapos agad lahat. Pero ang pinakagusto ko sa sarili ko ay ang mata ko na siyang nag-iisang namana ko kay Mama. Ang thin almond eyes na kaisa-isa kong naman sa Mama ko ang pinakagusto ko.



Dahil kasi sa mata ko ay mas lalong umaangat ang masungit na itsura ko kaya hindi ako nahihirapan. Pagkatapos kong magpaalam kay Tatay ay sumakay na rin ako sa tricycle para maihatid ako sa jeep kung saan ako sasakay papunta sa campus.



Sa instagram ay may 90k followers ako which is good pa rin kasi mataas pa rin naman ito. Kaya nga sobrang nagpapasalamat ako sa mga taong nakikita yung talent na mayroon ako.



I took a photo of Sunken Garden saka ako nag update sa IG Story with a caption of "4th year, kaya yan!"



Napangiti ako when I saw how Yllana messaged me a good luck. Si Yllana ang isa sa mga sikat na artista ngayon kasabayan ko siya noon sa kids reality show na sinalihan ko. May ka loveteam siya ngayon na sadyang nagpasikat sa kaniya kasi hindi lang siya magaling umarte, kundi maganda rin ang chemistry nilabg dalawa.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Watch Him Conquer The SpotlightWhere stories live. Discover now