Prologue

33 1 0
                                    

Disclamer:This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

If there are any spelling or grammar errors, please let me know and I'll fix it immediately.

***

“I'm glad to finally meet the heiress of Dizon’s Medical.”



I smiled at the mid 30's woman, she extended her hand to me. So, i immediately accepted it. If i'm not mistaken, she is the chief resident at this hospital, my parent’s hospital.




“How's canada? I heard you continued your residency there for some reason. ” She said and obviously wanted to know what the reason was.



Ang marites naman ng chief res dito.
Bulong ng babaeng nasa gilid ko.



The chief resident glanced at the girl beside me.“Who is she?”


Siniko ko si Xil at binigyan ng makahulugang tingin, agad naman n’ya itong na gets kaya tumingin s’ya at naglahad ng kamay sa chief resident.



“Hi doc, Dra. Esguerra nga po pala,” Nakangiting saad n’ya. “Dra.Dizon’s friend. ”


Tinanggap naman ito ng babae at saka sinuri ng tingin si Xil. Hindi halata sa itsura ng chief resident ang kanyang edad dahil maganda ito at maganda rin ang hubog ng katawan.



“Wow, you're a doctor too.” Naa-amaze na sambit ng chief res.





Tumikhim ako kaya napabalik ang tingin sa ‘kin ang doctora.


“She's also my classmate in med school po, and parehas namin na ipinagpatuloy ang residency sa canada.” Magalang na aniya ko.



Kakabalik lang kasi namin dito sa pilipinas galing canada. Sa kadahilanan na doon namin ipinagpatuloy ang residency na hindi namin natapos dito sa DM at sa kagustuhan ko rin mismo na umalis ng bansa dahil ayoko na s’ya makita.


Tumango naman ito at nag kwento pa tungkol sa parents ko, kung ga'no kagaling na mga doctor ito at kabait. May ikukwento pa sana s'ya kaso bigla s’yang tinawag ng nurse kaya nagpaalam s’ya sa amin at humingi ng paumanhin bago umalis.



“Grabe naman ang ngiti ng isang Hara,” Napatingin ako kay Xil na nakakibit balikat. “Plastic ng ngiti mo, sis.”


Natawa ako sa sinabi n’ya. Sabay kaming naglakad sa hallway para daanan ang office ni mommy dahil magpapaalam na kami na umuwi. Gusto ko ng matulog kasi may jetlag pa ako, kakarating lang kaya namin kaninang 8am pero dumeretso agad kami dito sa hospital dahil namimiss na raw ako ng parents ko.



Dito na rin kami ni Xil magtatrabaho sapagkat sa tingin ko ay mas kailangan kami rito.


Nang makarating kami sa office ni mommy ay kumatok ako ng tatlong beses, rinig ko ang boses ng babae mula sa loob.



“Come in. ”


Pagkapasok namin ay nakita ko si mommy na nakaupo sa swivel chair at busy magbasa ng papers. Tumikhim ako para makuha ang atensyon n’ya, nanlaki ang kanyang mga mata  ng makita ako. Agaran ito tumayo at pumunta sa ‘kin.




Sunrise SeneradeWhere stories live. Discover now