1ST ONE - 119.

5 2 0
                                    

1ST ONE - 119.

"Nandito na ulit tayo," nakangiting sabi ni Jia at nasa arrival area sila ng NAIA. "Ayon sila, nakatalikod."

Nauna na siyang maglakad at huminto sa likuran ni Marina. Tuluyan itong humarap at nagyakapan sila.

"Hi couz," nakangiting aniya. "Nice to finally know na you're my cousin."

Ngumiti si Marina at lumayo mula sa yakap. "Masaya ako't ikaw pala ang pinsan ko, Jia. Nakakagalak malaman."

Bahagyang umatras ang dalaga nang napansin ang presensya ni Christian. Naglapit sina Christian at Marina at tuluyang nagyakapan.

Hindi naitago ng dalaga ang pagtawa at maging emosyonal gaya ng magkapatid.

"Huhuhu, Danna!" sabi ni Christian at ang lakas ng kaniyang hagulgol. "Sana noon pa lang ay nalaman ko nang ikaw lang pala ang kapatid ko! Huhu!"

"'Di ko alam if matatawa ako or sasabayan na lang ang iyak mo," natatawang sabi ni Marina habang nakayakap sa kapatid. "All this time, ikaw pala ang kuya ko. Kaya pala gano'n ako ka-comfortable sa'yo. Haha! Sa wakas ay nakilala na din kita, kuya."

"Ako din, Danna. Sa wakas."

"Pwedeng kami naman?" sabi mi Mister Choi at inakbayan ang dalawa. "Come here, sweetie. Here's our daughter." Lumingon ito sa kaniyang asawa.

Hindi na napigilan ni Janine ang maging emosyonal at kaagad na niyakap si Marina. At ang anak nama'y umiyak na din gaya ng kaniyang ina. Ang ama at ang kuya ay lumapit sa kanila at nagyakapan ang apat.

"Bakit kayo umiiyak?" tanong ni Jia habang niyayakap ang kaniyang sarili. "Nahahawa ako sa inyo."

"Ang saya nilang pagmasdan, hindi ba?" Ngumiti si Ace sa dalaga. "Sigurado akong masaya ka din para sa kanila."

"Naiiyak na nga ako sa tuwa," aniya. "Siguro double reason ang pag-iyak ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag nang maayos. Sadyang naiiyak talaga ako."

"Ang saya nilang tingnan," sabi ni Honey habang nakatingin kay Mister Choi at sa pamilya nito. "How I wish I had that kind of family. Nakakalungkot pero masaya na ako sa sitwasyon ko ngayon."

"Don't be saddened by your situation," sabi ni Minje at ngumiti sa kaniya. "We're both in the same situation, you know?"

Natawa na lamang ang dalaga. "Tama ka, pareho tayong nangungulila. Pareho na tayong ulila ngayon. Pero ganito talaga ang buhay, tanggapin na lang."

"For me, I see a brighter future within the loss that we experienced. At least we're still here, striving." Bumuntong-hininga ang binata.

"Tama na nga ang pag-iyak," sabi ni Marina at tumawa. "Masaya ako at nahanap ko na ang pamilya ko. Sa wakas at nahanap ko na din kayo."

"Ngayon na lang ulit ako umiyak nang ganito," sabi ni Mister Choi at nagtawanan naman sila. "Tara na, dumiretso na tayo sa bahay ko para mag-celebrate."

"Pero, pa..."

"Hmm?"

"I have work today." Napakamot sa kaniyang ulo si Marina. "Hindi ako nakapag-file ng leave ko."

"What? For real?" tanong ni Christian. "Come on, New Year's Eve na. May work ka pa din?"

"Panandalian naming iniwan ang trabaho sa Korea for today's celebration," sabi ni Jia. "Sayang naman if nagsasaya kami tapos may work ka."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt