Chapter 19

6 1 0
                                    

              
      

         GINAGAWA ni Nanami ang lahat ng kanyang makakaya para maging maayos na yaya siya kay Amalie kaya kahit hirap pa siyang maging yaya ng bata ay unti-unti narin naman siyang nagiging komportable.

“Thank you po sa paghatid sa akin sa school, ate Nanami.” Masayang sabi ni Amalie kay Nanami.

“Walang  problema,  sige na pasok ka na.” Tinulak ng bahagya ni Nanami ang bata papasok sa classroom ni Amalie.

“Bye Ate Nanami!” Kumaway muna si Amalie bago umalis si Nanami sa pintuan ng classroom ng kanyang alaga.

Lumabas na siya sa paaralan at bumalik sa sasakyan at naghihintay na si Manong Paeng sa kanya. Agad siyang sumakay at pinaandar ito palabas ng school, hindi na kasi niya sinasamahan ang bata dahil grade one na ito dahil matalinong bata si Amalie kaya hindi na siya tinanggap sa kinder agad itong ininroll sa grade one,  kaya umuuwi na lamang si Nanami sa bahay at saka na lang siya babalik doon kung susunduin na niya ang alaga.

“Manong Paeng?” Tawag ni Nanami mula sa backseat.

“Yes, Miss Nanami?” Sagot ni Paeng na hindi inaalis ang tingin sa daan.

“Nagtataka ako kay Boss bakit hindi siya nakikisalamuha sa atin?”

Nakita niya sa rearview mirror ang pagkalito sa mukha nito.

“Bakit mo natanong?”

“Bihira ko kasi siya makita na makipag-usap sa mga tao sa bahay laging si Manang at si Marcel lang ang pinapansin niya?”

“Hindi ka dapat uusisa tungkol sa kanya, Miss Nanami.” Sinabi nito

“Uhm. Bakit kayong lahat ay patuloy na sinasabi sa akin na 'wag ko pakialaman ang amo natin? Hindi ko gets.” She groaned.

Ngumiti si Paeng. “Maaaring hindi tayo masyadong magkakilala pero nagmamalasakit pa rin kami sa iyo. Ayos naman si boss. At ganyan talaga siya mula ng mamatay ang asawa niya.”

“Talaga? So hindi ganyan dati si boss?”

“Oo,  kaya huwag kang magtaka. Masasanay ka rin balang araw inilayo niya kasi ang sarili niya sa mga tao dahil ayaw niyang ipakita sa iba na mahina at nagluluksa siya.”

“So ano po siya dati manong,  pakwento naman.” Muling tanong niya.

“Masyado kang matanong, Miss Nanami,  hindi maganda sa isang babae tulad mo ang tsismosa.” Biro nito sa kanya kaya napasimangot siya.

“Si manong Paeng naman,  curious lang kasi ako sa amo natin,  pero kung ayaw niyo pasensya na po 'wag nyo na lang akong pansinin.”

“Ayos lang naiintindihan ko ang curiosity mo. Kahit sino naman na bagong kasamabagay ay ganyan ang mga nagiging reaksyon.” Sabi pa nito at  huminto na ang sasakyan sa loob ng gate.

“Ay manong last na, pwede ba akong magtanong ulit.”

“Tungkol naman saan?”

Nag-alinlangan siya na sabihin. “Gaano ka na po ba katagal nagtrabaho dito?”

“Hmm!” Hindi agad sumagot si Paeng. 

“Sabihin na natin, simula noong ipinanganak si Master Venom ay nandito na ako.”

“Talaga po ang tagal na po pala.”

“Oo kaya matagal ko nang kilala si boss. Nakasama ko siya sa magaganda o pinakamadilim niyang sandali,  Miss Nanami,  kaya parang anak ko na iyang si Master Venom.” Sumulyap ito sa kanya.

“Kaya kung ano ang nakikita mo sa kanya ay huwag mo siyang husgahan. Palaging may kuwento sa likod ng bawat buhay ng isang tao at kung bakit ganyan siya ay malalaman mo rin kung magtatagal ka dito,  pero kung anuman ang matuklasan o makita mo sa kanya,  kailangan tikom lang ang bibig mo, at hayaan mo na lang.” Mahabang saad nito at saka bumaba na sa sasakyan,  kaya bumaba narin siya.

VENOM OF LOVE (Edited) Slow UpdatedWhere stories live. Discover now