Chapter 0

12 0 0
                                    



"And the winner is", isang madramang pagtambol ang maririnig habang makikita sa mukha ng mga manunuod ang antisipasyon sa pag-anunsyo ng emcee ng panalo. Kasabay ng pagtambol ang pagtibok ng aking puso umaasa na pangalan ko ang babanggitin.

"Alejandro Del Rosario! Congratulations! And Ms. Analyn Garcia is our first runner up! Congratulations to both of you!" Isang masigabong palakpakan at hiyawan ang maririnig sa unang banggit pa lamang ng pangalan, at tila mina dali lamang ng lalaking emcee ang pagbanggit sa aking pangalan na tila hindi na ito importante pa.

"Woohoo!! Way to go, Alejandro!"

"Congratulations, Del Rosario!"

"Ez win ba? Hahahaha!"

Ngumiti na lamang ako sa harapan habang tinatanggap ang mga gantimpala. Disappointment was nowhere because I know I did my best.

Sa gilid ng aking mata, nakita kong papalapit sa aking kinatatayuan si Alejandro kaya hinarap ko siya upang makipagkamayan. "Congratulations!" bungad ko sa kanya at nakipagkamayan.

"Congrats, Analyn. Don't cry because you didn't win." Ngiti niya.

"Oh, no, no, I won't, I know I did my best." Ngiti ko pabalik at sinubukang bawiin ang kamay ko ngunit hinigpitan niya pa ang hawak dito.

Lumapit siya sa aking tainga at bumulong, "'You did your best?' Well I guess that was a best, for a girl that is." He retreated from my shoulder and I smiled sweetly at him kahit na pipitik na ang ugat ko sa inis. Matagal na akong nagtitimpi dito dahit sa pagmamaliit niya sa mga babae.

Paglabas ko ng gymnasium kung saan ginanap ang quiz bee ay bumungad sa akin ang hallway na puno ng estudyante. May ilang bumati sakin at may ilan namang dumagdag sa inis ko. olit to.

"1st place yan, pre. Dinaig ni Alejandro."

"Siyempre babae lang naman yan eh."

"Balita ko, magla-law school daw yan. Susundan niya ata si Alejandro don. Crush ba naman daw."

Napatigil at napanganga ako sa huling narinig. HUH? Sa sobrang mangha ko sa mga pinang sasabi nila ay nilingon ko na lamang sila at nagwalk-out. Sino ba nagpakalat ng mga walang katotohanan na sabi-sabi nap yan!? Baka sampalin ko sila ng Article 364, Intriguing against honor eh.

And excuse me!? Ako? Sinundan si Alejandro sa law school? Kung may CCTV sa Principal's office, ipapakalat ko 'yon. Para malaman nila kung sino ang mas nauna."

"You're going to law school?" the Principal's voice trailed off after reading my plans for my future. It has always been my dream to be a lawyer & defend women's rights because the society I live in today sucks at & gender equality.

"Ms. Garcia, are you sure about this? law school is hard and it is usually taken up by men." Hindi nakalagpas sakin ang pagtaas - baba ng kanyang mata sa aking buong pagkatao. See what I mean?

"Mr. Principal are you aware of what you are doing right now? Right now you are di-" naputol ang sasabihin ko ng pumasok si Alejandro.

Tumawa na parang tuwang-tuwa ang principal na makita si Alejandro. "Aha! Alejandro, my boy!" tumayo pa ito at yinakap ang estudyante. Napataas ako ng kilay, we all know who the favorite is at this school.

"Are you here to submit your plans for college?" tumango naman ang binata at binigay ang kanyang mga papeles, na agad namang binasa ng matanda. "Med school, as expected."

All Yours, AttorneyWhere stories live. Discover now