Chapter 08

265 14 9
                                    


From: Hiruki Mitsuko
HOTEL O MOTEL?

Napairap ako sa text ng babae. Ang galing talaga ng galawan ng bruhang 'to! Syempre makikita niya talaga kami dahil kung anong kinasingkit niya ay kinalawak ng paningin niya. Kung saan-saan umaabot eh!

To: Hiruki Mitsuko
Respect my personal space nalang po.

Isinilid ko na sa bag ang phone. Gumagala ang mata ng lalaki sa carenderia. Sabi niya kasing ako na raw ang magdesisyon para sa amin at dahil may hiya pang natira sa katawan ay dito ko siya dinala. We diligently waited until the end of the symposium which lasted for two hours.

"May alam pa akong mas hindi mahal ang pagkain nila, baka gusto mong lumipat," suhestyon ko.

He turned to me. "Shouldn't I be the one asking that? We can go dine to the fancy ones, if you want. Are you okay with this?"

"Oo. Hindi naman ako pupunta rito kung ayaw ako, 'no." Tsaka mismong desisyon ko naman 'to.

"Then I guess I'd be okay here too," he shrugged.

Sa takot na mapalaki ang bayad ay pinili ko ang mumurahing chopsuey. Inilapag ko ang pagkain niya at hinanda na rin ang drinks. "Pwede kang magdagdag if kulang para sa'yo," sabi ko.

Pagkatapos maayos sa mga pagkain ay nagsimula na akong lumamon. Buong dalawang oras nakaupo sa hall at halos uminit na nga ang pwet ko roon kaya ngayon ko lang natanto kung gaano ako kagutom. No wonder mabilis kong naubos.

I covered my mouth when I burped. "Excuse me."

"You're full now?" tanong ng kaharap ko.

Sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako. "Yep, are you?"

Hindi ako naniwala nang tumango ito. He was barely touching his plate.

"Teka, hindi mo ba nagustuhan? Dapat sinabihan mo na lang sana ako."

He shrugged. "I'm fine."

Maybe the place stiffened his superb ass. Kaya siya hindi komportable. I shouldn't have brought him here in that case had he informed me.

"Alam mo, if you're not fond of this kind of eatery, why don't we just go to your eating place? Sasamahan kita kasi unfair naman na ako lang ang busog sa 'ting dalawa."

"I only eat at my place. Would you go there?"

I was taken aback. The invitation's too real quick! Jusko! Hinay-hinay naman! Baka mamaya may tinatago na pala 'tong bangkay sa underground nila!

"'Wag na pala," tanggi ko. Marami pa akong goals sa buhay 'no! Isasampal ko sa kapitbahay ang diploma ko, house and lot certificate, car windshield, at mga business cards. I should achieve them first before bringing myself to be butchered!

Sa huli, sinabayan ko na lang itong kumain kahit busog naman na talaga ako. We talked more about things, lalo na sa pag-aaral. It was casual.

"Ano ba kasing ini-space out mo at pati kumain hindi na magawa? Teka, 'wag mo sabihing pinag-ooverthink mo na ang palusot sa gf mo?" pagsesermon ko pa.

"I'm not going out with anyone." Sumusubo siya no'ng pagkain niya.

"Sige ka lang. Kapag may sumugod na babae sa 'kin, tamo . . ."

I'm not scared of them; I'm scared of what I can do. Baka sa kanila ko malabas ang tinatagong galit ko sa aking mga kapitbahay.

"Why is?"

"Didiretsahin kita sa bituka," matapang kong sabi. "I won't think twice doing that."

Inipit niya ang labi gamit ang hinlalaki at mas pinalalim pa ang titig. And just by seeing him suppress the curve in his lips, I knew he was stifling a laugh.

Drives Under NightlightsWhere stories live. Discover now