1ST ONE - 121.

4 2 0
                                    

1ST ONE - 121.

Dumaan ang mga oras at tuluyang sumikat ang araw. Kasalukuyan na nasa labas ng isang building ang 1st.One sa Quezon City. Dumiretso sila sa kanilang van at sumalubong sa kanila ang presensya ni Raymond Fabian.

"May pupuntahan pa ba kayo?"

"Wala na, Pabinim," sabi ni Ace. "Babalik na kami sa dorm."

"Oh siya, ihahatid ko si Jayson sa ospital. Ikaw na magmaneho ng van."

"Sige."

"Huy," sabi ni J sabay tapik sa balikat ni Joker. "Parang iba ang mood mo ngayon, ah? Ang saya ng mukha mo."

"Ganito naman talaga ako, ah?" Nilingon siya ni Joker. "Sus, ano bang iniisip mo?"

"Feeling ko kasi kakaiba ka ngayon. Parang kilig na kilig ka. Kulang na lang e buong araw kang ngumiti dahil sa sobrang saya mo. Gano'n 'yon e! Hahaha!"

"'Di ko sasabihin kung bakit."

"Ay wow, may inililihim," natatawang sabi ni Max. "Bigla naman tayong pinapunta sa office. Buti at nagising ako agad."

"Buti na lang at on time ko nabasa 'yung message," sabi ni Ace. "May pupuntahan pa ba kayo or mag-uusap-usap tayo sa dorm?"

"Anong pag-uusapan?" tanong ni Alpha.

"Random talks," sabi ni Gift. "Ayaw mo no'n?"

"What a nice Idea." Tuluyang pinaandar ni Ace ang van nang makapasok at makaupo ang lahat. "Bumalik ka daw sa Laguna?"

"Ah, balak kong ipa-renovate ang bahay namin do'n. Sayang if mapapabayaan."

"Ah.."

"Nasa flight na daw sila Minje ngayon, sabi ni Jodie."

"Hindi ba sila sumabay sa magpinsan, kina Jia at Chris?"

"Iba daw ang flight nila kila Jia."

Hindi na nagsalita si Ace at itinuon na lamang ang atensyon sa pagmamaneho.

**

Nagising si Sam dahil sa tunog ng kaniyang cellphone. Nang makitang si Christian ang tumatawag ay kaagad niya iyong sinagot.

"Hello? Ang dami mong missed calls. I think it's important kaya tumatawag ka."

"I just want to let you know na may nagtangkang sunugin ang Yoon Family's Mansion."

"What?!" Napalakas ang boses ng binata dahil sa nalaman. "Who? What's the situation there?"

"Nahanap na ang salarin. No worries at all, the mansion is safe. May nagbuhos ng gas at nagsindi pa ng lighter kaya nagkasunog pero hindi naman gaanong malaki 'yung epekto. Nasira nga lang 'yung gazebo at nadamay 'yung fountain. Ipinaayoa ko na 'yon."

"Damn it, kinabahan naman ako. Thanks for informing me. Where are you at the moment?"

"I'm currently on the way to YTMEmpire."

"You're driving? May earpiece ka naman?"

"I have naman. I'll update you later."

"Take care, Danny."

"Salamat."

Muling humiga si Sam sa kaniyang kama at bumuntong-hininga.

'Kay aga-aga, bad news. Pero at least ayos naman na. Kinabahan ako do'n.'

One Series: The Hope (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon