"Anniversary"

2 1 0
                                    

I'm Nari, I have a boyfriend and his name is Liam. We have the most perfect relationship anyone could have. We love each other so much— or that's what I've thought.

These past few days I can feel he is turning cold. Wala na siyang oras para sa mga date namin and there's a news circulating na may kasama siya laging babae. I turned a blind eye ofcourse. Mahal ko, eh. Isa pa, we've been together for 6 years, at ayaw kong masayang 'yon.

He is not like this before, he is the sweetest boyfriend anyone could ask for.

But one day, nagising ako sa katotohanan. Parang sinàmpàl sa akin ng tadhana.
I saw him kìssing with another girl. It is when reality hit me and made me realize that I was being chéated on.

And today it is our anniversary. Ngayon 'yung araw kung kailan ko siya sinagot and I think today will be the same day that I would end our relationship.

I am not stùpid. I know when to stop. And today is that day.

I'm on my way papunta sa office n'ya.
Nag-flashback naman sa'kin lahat-lahat ng pinagsamahan namin.
All those hardships we went through together, 'yung mga paga-away naming nau-uwi rin sa suyuan, even though ayaw sa kanya nila mom and dad at tutol sila sa relasyon namin at kahit na maraming tutol sa relasyon namin ay lumaban kami. Pero ngayon. Matatapos na lahat lahat 'yon. Alam ko kasing hindi na s'ya masaya. Baka hindi na niya naaalala na minsan kaming naging masaya.

Pagkarating ko sa office n'ya ay naabutan ko siyang kausap ang secretary n'ya.

Gulat naman ang expression n'ya nang makita ako.
"Oh, Nari b-babe? Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba diyan? 'Di ba dapat pupuntahan palang kita sa inyo?" salubong niya sa'kin saka ako hinalikan sa pisngi.

I had the slightest hope that he would remember our anniversary. Kahit 'yon nalang sana, kaso wala, eh nakalimutan rin n'ya.  Kahit sana papaano ay binati n'ya manlang ako. Sana kahit sa huling pagkakataon...
Sana nagbago pa isip ko pero I think this is the end.

"May sasabihin lang ako sa'yo," malamig na tugon ko. Pero sa loob loob ko lang ay gusto ko nang bumigay. Kaya ko bang bitawan s'ya? Kaya ko ba?

"Oh, sige babe wait mo lang ako kasi tapusin ko la—" pinutol ko na agad ang sasabihin n'ya dahil ayaw ko nang patagalin 'to.
"Ngayon na."
"—O-okay," pagsang-ayon n'ya kahit na halata ang pagtataka sa muka nya.

Pumunta lang kami sa coffee shop sa tapat lang ng building nila.
"Um-order ka muna Babe," aya n'ya sakin.

"Hindi na. Hindi na rin naman tayo magtatagal," pagtanggi ko.

"Bakit naman?" Halatang naguguluhan na s'ya ngayon.

"May sasabihin lang ako sa'yo."

"Ano 'yon?"

"Gusto ko lang sabihin na..."
"Na?"
"Liam mag break na tayo." Finally I said it. 

"A-ano? B-babe 'wag naman ganto oh? Prank ba 'to? Ha-ha-ha. Siguro nagv-vlog ka nanaman noh? Nasaan ang camera?" saad n'ya at saka tumawa nang peke.

Sana nga prank ko lang 'to. Pero ginagawa ko 'to para sa'yo, Liam. Para sa kalayaan mo.

"Seryoso ako, Liam."

"Nari, pag-usapan naman natin 'to, oh. Wag mo akong iwan. M-may nagawa ba akong mali? Sabihin mo lang. Itatama ko yun!" naiiyak na pagmamakaawa nya. How could he act so good? Does that mean that everything was just an acting? That I am only part of his playful acts?

"Sorry Liam, pero ayaw ko na. Mahal kita pero ang sakit sakit na. I think it is already time for us to let go."
Naluluha kong saad 'tsaka ako tumalikod at umalis.

Kung magtatagal pa ako do'n ay malamang bibigay lang ako.

Lumabas na ako ng coffee shop at tsaka nakayukong tumawid papunta sa kotse ko. Unti-unti nang pumatak ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Gano'n nalang pala 'yon? Doon na lang matatapos ang lahat?

Sinasabi ng utak at puso ko na bumalik ako doon pero ayaw sumunod ng katawan ko.

Ngunit nagulat nalang ako nang may marinig akong malakas na busina kasabay noon ay ang pag sigaw ng taong mahal ko sa pangalan ko.

"NAAAARIII!!" agad akong napa-iwas ng tingin nang biglang… nabànggà siya ng isang truck.

Nagulat nalang ako pagkatingin ko sa kan'ya ay nakita kong nakahàndusay sa sahig ang taong mahal ko.
L-liam...

Umiiyak na lumapit ako sa kan'ya.

"L-liam.. Liam!" patuloy ang pag patak ng luha ko habang tinatawag ko sya.

"B-babe wag ka nga umiyak! S-sige ka lalo kang papanget!" nakangiti pa n'yang saad.

Nakukuha mo pang ngumuti?
"Bakit mo ako sinundan?! We already broke up!" umiiyak na sigaw ko sa kan'ya

"Hindi pa tayo break. Hindi pa ako pumapayag diba? Pero babe.. A-alam mo naman na l-lahat ay gagawin ko para sayo diba? H-happy anniversary.." nahihirapan n'yang saad. Nakita kong may dinukot sya mula sa bulsa n'ya at nagulat ako.

"M-mag p-propose sana a-ako b-babe. S-sorry kung ano man nagawa ko babe. Sorry. I love you. " at tuluyan nang pumikit ang mga mata nya.

"Hindi! No! No!! Liam waaaaaag!!!"

Saka ko lang narinig ang mga sirena ng ambulansya at police na nakapaligid sa amin.

H-hindi na sya umabot sa ospital at binàwìan na sya ng bùhay...

Buti naman.

I waited for a few rings before someone answered my call.

"Good job, love," I said sweetly.
"I told you, I can take care of it," he replied.

I mean, it could have been a love story— only if he didn't chèated first and used me for my money. Also, hindi babe ang tawagan namin, I think, my darling also forgot about that.

An Almost Love StoryWhere stories live. Discover now