"Letter"

4 1 0
                                    

"Hi, kuya," bati ko sa kuya ng best friend ko pagkadaan n'ya. Pero hindi man lang ako pinansin nito. Sungit talaga

"Ganyan ba talaga kasungit 'yang kuya mo," tanong ko sa best friend kong si Leo.
"Yaan mo ganyan talaga 'yan. Pero mabait din naman yan minsan," nakangiti n'yang sagot.

"Weh talaga?" may soft side ba siyang tinatago?

"Oo nga," sabi n'ya na parang siguradong sigurado s'ya sa sinasabi nya.

"Kailan?"

"Pag tulog," natatawa n'yang sagot.

"Ayon lang," sagot ko 'tsaka kami nagtawan.

"Hayaan mo na nga 'yun. Tara na!" At saka n'ya ako hinila papunta sa library.

Ang totoo kasi n'yan ay crush ko ang kuya n'ya. Pero paano ako magkakaroon ng pag-asa kung ganyan s'ya kasungit diba?

Siga 'yan dito. Ilag sa mga babae. Ewan ko ba d'yan.

Alam ko dalawa lang yan...
It's either na hindi s'ya straight o baka may girl friend na kaya iwas sa babae. Pero imposible. Sabi ni Leo single yang kuya n'ya. Tsaka hindi naman siguro sya gay kasi paano na kami diba? Siguro sadyang bitter lang talaga s'ya.

Tama! Gaslight-in ang sarili.

Hindi alam ng best friend ko na may gusto ako sa kuya n'ya. Hindi ko sinasabi kasi baka layuaan nya ako, at ayaw kong mangyari 'yun.

Makalipas ang ilang araw ay paulit-ulit lang ang nangyayari.
Binabati ko sya at hindi nya ako pinapansin. Psh!

Puro ako "Hi" samantalang snob parin sya. Sungit talaga!

.
.
.

Naka tambay kami ni Leo sa park sa likod ng School namin nang bigla syang mag salita.

"Potchi, may crush ka sa kuya ko noh?" Nagulat naman ako sa tanong n'ya.

"Huh? Ah, eh, hindi noh," nauutal kong saad at saka nag-iwas ng tingin.

"Weeeeh? Kunwari ka pa, eh halata naman! Wag kang mag alala suportado naman kita, eh." taas baba pa ang kilay na saad n'ya.

"Hindi nga!" patuloy parin ako sa pagtanggi kahit na mukang huli na.
"Tss. Alam ko na kaya wag ka ng magkaila!"
"P-pano mo nalaman?" Pagsuko ko.

"Ayun bumigay din! Pano ko nalaman? Halata naman. Yung araw-araw mong mag bati sa kanya kahit hindi ka nya pinapansin, yung lagi kang napapatitig sa kanya tsaka yung mga notebook mo na punong-puno ng pangalan nya at higit sa lahat best friend mo kaya ako! Kaya kilala kita."

Napatulala na lang ako sa mga sinabi nya.
Gano'n ba ako ka obvious?

"Tama ako noh? Huwag kang mag-alala tutulungan kita." At saka s'ya tumawa. Para syang timang.

"Pero di ako magugustuhan nun! Ang sungit sungit no'n eh," naka-pout kong sagot.

"Ako bahala," nakangisi n'yang saad habang tumataas, baba pa ang kan'yang kilay.

.
.
.

Araw ngayon ng sabado at naandito ako sa tapat ng bahay nina Leo para sunduin s'ya.
Pupunta kasi kaming mall ngayon. Mamimili kami ng materials para sa project namin.

*Ding dong*

Natulala nalang ako nang si kuya Lance ang bumungad sakin.

Ang g'wapo n'ya talaga kahit ang gulo gulo ng buhok n'ya. I think hindi na 'to basta paghanga lang... Am I in love?

Nabalik ako sa ulirat nang bigla s'yang magsalita.

"Tutunganga ka na lang ba dyan, Potchi?"
Nakapasok ang dalawa nyang kamay sa dalawa n'yang bulsa at nakataas ang isang kilay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

An Almost Love StoryWhere stories live. Discover now