17

102 109 0
                                    


"I didn't know sumbungera ka na rin pala"

kita pa rin sa kanyang mukha ang pagkainis sa akin. nakaharap ito sa amin habang naka cross-arms.

"Rovainne nagmamadali kami kaya pwede ba tumabi ka riyan sa daraanan namin" seryosong ani ni Acxius. "get out of our way"

hindi na talaga siya nahiya, nasa labas pa man din kami. maraming estudyante ang nakatingin sa amin lalo na at kasama ko pa si Takeshi.

isasama niya kami sa meeting nya with Mythrill, inaalala ko na nga iyon pagkatapos ay dumagdag pa itong bruha.

"no Acxius, not untill i slap her" mariing tugon nito na sa akin ang tingin.

I heard Takeshi let out a heavy sigh saka walang emosyong tiningnan si Rovainne.

dahan dahan niya itong nilapitan saka mahigpit na hinawakan sa kanyang kwelyo na ikinagulat nito, kahit babae ito ay hindi siya nagdalawang isip lalo pa at maraming estudyante rito.

gulat siyang napatingin kay Takeshi saka hinawakan ang kamay na nakahawak sa kanyang kwelyo.

"n-nasasaktan ako!" reklamo ni Rovainne.

kita sa kanyang mukha ang pagkabalisa.

hindi ata nito nakita si Takeshi lalo at nasa likod sya nina Acxius at Bryx kanina.

"I already warn you but you really want to die" mahinang saad ni Takeshi na sapat lamang upang marinig namin. "ganyan ba talaga kakapal iyang pagmumukha mo para magpakita pa rito matapos ang lahat ng kagagahan mo? you're such an idiot, sobra na Rovainne" ani pa niya saka ito diretsong tiningnan.

tila napako ang tingin ni Rovainne kay Takeshi habang ang itsura nito ay hindi maipinta.

"I gave you a chance to change but what did you do? you wasted it" naging malamig ang tono ng pananalita nito. "you wasted it! " malakas na sigaw niya kasunod ng pagdapo ng kaniyang palad sa pisngi ni Rovainne dahilan upang mapaupo ito marahil ay malakas ang pwersa non.

"arghhhhh-"

namilog ang aking mata at mabilis akong napatakip sa aking bibig nang makita iyon, ngayon ang unang beses na nakita kong ginawa ito ni Takeshi at sa babae pa.

Wala ni isa ang naglakas loob na lumapit o kahit magsalita man lang.

Tumingin siya sa mga estudyanteng nakatingin sa amin saka muling ibinalik ang tingin kay Rovainne.

Hawak nito ang kanyang pisngi habang tumutulo ang kaniyang mga luha.

mula sa aking kinatatayuan ay kitang kita ko ang pamumula ng parteng iyon.

"Takeshi... " batid kong kinakabahan maging si Acxius.

Katulad ko ay nagulat din si Bryx na natulala na lamang sa dalawa.

Itinaas ni Takeshi ang kanyang kamay, senyales na huwag silang pakialaman.

"Sawang sawa na ako sa kasusuway sayo, I'm tired, pagod na pagod na akong intindihin ka Rovainne, punong puno na ako to the point na kahit mamatay ka pa sa harap ko ngayon ay wala na akong pakialam" seryosong saad ni Takeshi. "you know me well Rovainne, if I can do then I'll do, If I can give then I'll give it all kahit walang matira sa akin pero itong ginagawa mo, sobra na. you hurt not just one but almost all the students in this university including me" dagdag pa niya.

"I-im s-so s-sorry... " garalgal ang boses ni Rovainne.

"sorry?-sorry can do nothing Rovainne, It's not that easy, sorry isn't enough to forgive a person, a sorry without a change is useless, nonsense and worthless" tugon ni Takeshi saka inilahad ang kaniyang palad.

Section 13 Where stories live. Discover now