Part 1"

1K 32 2
                                    

JEMA's POV'

Magandang umaga Ma, Pa! Masiglang bati ko kila Mama

Napansin ko naman na silang dalawa lang ni Papa ang nasa kusina habang kumakain.

Magandang umaga anak Sabay nitong bati sa'kin

Tumango naman ako sa kanila.

Pa, nasan sila Ate Den? Tanong ko kay Papa

Umagang umaga wala na agad sila dito sa bahay.

Nako hindi kana nila na hintay pa anak, nandun na sila sa tabing dagat Sabi sa'kin nito

Tsk, ano ba yan di manlang ako ginising ng mga yon.

Bakit hindi po nila ko ginising Pa? Naka simangot kong tanong dito

Nakaka tampo naman sila, hmp.

Eh ang sabi nila sa'kin masyado pa daw mahimbing ang tulog mo kaya naman sila sila na lang ang pumunta Mahabang paliwanag sa'kin ni Papa

Tumango na lang ako dito at nag patuloy na lng sa pag kain.

Habang kumakain ako ay may narinig nakong ingay sa labas. Na titiyak kong sila na yan.

Pa, nandito na po ung mga isdang ibebenta mamaya Rinig kong sabi ni Ate Den

Agad namang lumabas si Papa upang tingnan ito, sumunod din naman ako sa kaniya.

Oh Jema gising kana pala Sabi sa'kin ni Jho

'Hindi tulog pa talaga ako oo' sabi ko sa isip ko.

Oo kanina pa, hindi nyo manlang ako ginising o hinintay manlang Nag tatampo kong sabi sa kanila

Lumapit naman sa'kin si Ate Den.

Wag kana mag tampo, alam kasi naming napagod ka kahapon kaya hinayaan kana lang naming matulog Sabi sa'kin nito

Tumango lang naman ako dito, at pumasok na sa loob ng bahay.

Ako nga pala si Jessica Margarett C. Galanza, 24 years old nako. Pero sa tanda kong ito ay dito lang sa probinsya namin umiikot ang mundo ko, taga Laguna nga pala ako, halos hindi nalalayo ang bahay namin sa tabing dagat. Kaya naman pangingisda narin ang naging hanap buhay ng Papa ko. Meron nga pala akong mga kapatid Si Ate Den, Jho, Ced at Mafe pero si Mafe lang ang totoo kong kapatid sa kanila dahil ung tatlo ay hindi naman talaga namin mga kadugo ito, pero para samin pamilya ang turingan namin sa isa't isa.

Nagulat naman ako ng may biglang nag salita sa likod ko.

Huy, naka tulala kana namn jan Sabi sa'kin ni Ate Den

Kaya naman agad akong humarap sa kanya.

Ah eh wala Ate may naiisip lang ako Sabi ko dito

Tumango tango lang ito sa'kin.

Pupunta naba tayo sa palengke? Tanong ko dito

Doon kasi namin ibebenta ang mga isdang nakuha nila.

Oo, kaya halika na para naman maka sama tayo mamaya kay Mama Fe. Sabi sa'kin nito

Tumango naman ako dito, at sumunod na sa kanya palabas ng bahay.

Ma, Pa aalis napo kami nila Ate Den. Pag papaalam ko kila Mama

Sige mga anak mag iingat kayo ha. Sabi ni Mama samin

Tumango lang naman ako dito.

Nang maisakay na sa tricycle ang mga ibebenta naming isda ay sumakay narin ako sa likod nito.

Sure ka Jema jan kana talaga pepwesto? Tanong sa'kin ni Ellys

Oo, tara na. Sabi ko dito

Tumango naman ito sa'kin at sinimulan ng paandarin ang tricycle. Nang mapa andar ito ay agad narin kaming umalis at nag tungo na sa palengke.

Si Ellys nga pala ay isa sa mga kaibigan namin, isa din sya sa pinag kakatiwalaan ni Papa. Bukod sa kanya ay may tatlo pa itong mga kaibigan na kaibigan din namin. Katulad ni Nico, Kuya L.A at Lance. Kaso ngayon ay wala sila dahil sabi ni Ellys ay pumalaot daw ang mga ito.

Di nag tagal ay naka rating nadin kami sa palengke, agad binaba ni Ellys ang lahat ng mga isdang ibebenta namin kay Aling Mirna.

Aling Mirna. Tawag ko dito

Napa tingin naman ito.

Oh kayo pala yan, ano madami ba kayong isdang nakuha?. Tanong nito samin

Agad naman nilapag ni Ellys lahat ng isdang nakuha nila Ate Den.

Ano Aling Mirna ayos ba? Tanong ni Ellys dito sabay kindat pa

Kaya gusto namin laging isama ito sa tuwing mag bebenta kami ng isda kay aling Mirna e dinadagdagan kasi nito ang bayad samin hahaha.

Oo ayos na ayos, oh ito ung bayad salamat ha. Sabi nito samin

Nang makuha ko ung bayad ay umalis narin kami dito.

Ayos ka talaga Ellys ah, imbis na 2k lang ang ibibigay ni aling Mirna e naging 2,500 pa haha. Natatawang sabi ni Ate Den dito

Kaya naman medjo natawa din kami nila Jho.

Grabe talaga ang alindog mo. Pang aasar ko sa kanya

Tumingin namn ito sa'kin sabay kindat.

Pero baliwala naman iyon sa'yo. Sabi nito sa'kin

Natahimik namn ako ng dahil don, oo nga pala matagal na itong may gusto sa'kin.

Baliw, halika na nga at nahuhuli na tayo sa kanila oh. Sabi ko dito

Nauna nakong nag lakad sa kanya dahil nakaramdam ako bigla ng pag ka ilang dito.

Oh nasan na si Ellys? Tanong sa'kin ni Ate Den

Ah eh nahuli lang sa pag lakad te Den. Sabi ko dito

Tumango lang ito sa'kin.

Di nag tagal ay nandito narin si Ellys kaya naman nag pahatid na kami dito pauwi ng bahay.

Salamat sa pag sama mo samin Ellys ha. Sabi ko dito

Tumango lang ito sa'kin ng naka ngiti.

Sige Ell pasok nako sa loob. Sabi ko dito

Sige Je, basta tawagan nyo lng ako kung kailangan nyo ng service. Naka ngiti nitong sabi sa'kin

Tumango lang naman ako dito

Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay nakita ko sila ate Den na nag reready na ng mga gamit para sa farm.

Jema sasama tayo kay Mama Fe ha. Sabi sa'kin ni ate Den.

Sige ate, mag papalit lang po ako ng damit. Sabi ko dito

Tumango lang naman ito sa'kin.

Kaya naman dali dali nakong pumasok ng kwarto namin upang makapag palit narin ako ng damit ko.

Jema, tapos kana ba? Aalis na daw tayo sabi ni Mama Fe. Rinig kong sabi sa'kin ni Jho

Kaya naman lumabas nako ng kwarto.

Ano tara na?. Sabi ko dito

Tumango naman ito sa'kin at lumabas na kaya naman sumunod na ako dito, si Ellys ulit ang service namin kaya ng makita ni Ellys na kumpleto na kami ay agad nitong pinaandar ang tricycle nya at umalis na papuntang farm kung saan nag tatrabaho si Mama.

===============

:)

Unexpected YouWhere stories live. Discover now