18

95 96 0
                                    

Nakakahilo naman itong ginagawa ni Lloyd.

"bakit ba hindi pa rin bumabalik si Axerylle?" tanong ni Lloyd habang paikot ikot sa aming harapan. "ano na kaya ang nangyari roon? jusko baka mamaya ay napahamak na siya, padalos dalos pa naman iyon sa kanyang desisyon napakapasaway talaga nya!"

kitang kita sa mukha nito ang pag-aalala sa kaibigan niya.

napapakamot na lang sa ulo sina Vyx at Kim habang pinapanood ang pag-ikot ikot ni Lloyd.

"hays, maging si Takeshi ay wala pa rin" ani ni Acxius. "sana ay nagkita o nagkasalubong man lang silang dalawa" dagdag pa niya.

Gabi na. Nasaan na kaya ang dalawang iyon?

nag-aalala na ako para sa kanila. napapadasal ako nang wala sa oras jusko.

"hey, are you okay?" mahinahong tanong ni Byrx. "you look worried"

napatingin ako kay Bryx.

"uh yeah, I'm fine don't mind me" maikling tugon ko saka nangalumbaba.

"don't worry Hyacith, I know you're thinking about him. trust me, he's definitely fine" saad ni Bryx saka bahagyang ngumiti. "si Takeshi yon eh, malamang magiging maayos at ligtas siya" confident na ani nito.

bumukas ang pinto at iniluwa non si Axerylle ngunit wala si Takeshi.

Hinihintay kong mayroong sumunod sa kanya ngunit nabigo ako nang isara na nito ang pinto.

"hoy Axerylle bakit ngayon ka lang ha? hindi mo ba alam na gabi na?, ano bang ginawa mo at napakatagal mong bumalik?" kunot noong tanong ni Lloyd.

"pinag-alala mo naman kami masyado lalo na itong si Lloyd kanina pa yan paikot ikot dito" saad ni Kim. "ano nga ba ang ginawa mo roon at ganoon ka katagal?" tanong pa niya.

"Pasensya na kung pinag-alala ko kayo, pinuntahan ko kasi ang kapatid ko, si Rovainne. Kinumusta ko siya at nakipag-usap ako sa kanya tungkol sa mga nangyari at sa mga ginawa nya mabuti na lang nga at pinayagan ako ng mga bantay doon na kausapin sya" mahinahong tugon nito saka tumingin sa mga kaibigan niya. "dahil sa kaunting oras na iyon ay nalinawan ako sa lahat, nalaman ko hindi lang ang mga ginawa nya kundi pati na rin ang nararamdaman nya" ani pa niya saka bahagyang napangiti.

"excuse me ah pero hindi mo ba nakita o napansin man lang si Takeshi sa labas?" tanong ni Acxius.

mabuti at naitanong nya iyon.

"ha? wala pa rin ba sya? hindi ko kasi siya nakita sa labas, palihim lang rin akong pumunta sa Clinic kaya hindi ako masyadong tumingin sa mga estudyante" tugon niya saka naupo sa tabi ni Vyx.

nadismaya ako sa tugon niya.

"lalabas muna ako saglit, magpapahangin lang" paalam ko sa kanila saka naglakad patungo sa pinto.

"sandali, kaya mo bang mag-isa?" tanong ni Acxius kaya natigil ako sa pagpihit sa door knob at mataray na napatingin sa kanya.

"kaya ko na Acxius, ayan ka nanaman eh!" inis na tugon ko. "kaya ko na ito, trust me" dagdag ko pa.

Napangisi naman siya.

"you sure? I remember kasi na the last time you said that eh naabutan kong masasampal ka na" tatawa tawang usal nito kayat napanguso ako.

Nakakainis talaga sya.

Lumabas na lamang ako at hindi na pinansin pa ang sinasabi nito.

Saglit akong tumingin sa kalangitan saka malalim na bumuntong hininga.

Luminga linga ako sa paligid. Hindi ko naman alam kung saan ako pupunta, hinayaan ko na lamang ang aking mga paa kung saan man nila ako dadalhin.

Nakarinig ako ng mga yapak mula sa palikuan kaya bahagya akong tumago sa dilim upang hindi maaninag ang aking anino.

Section 13 Where stories live. Discover now