1ST ONE - 122.

3 2 1
                                    

1ST ONE - 122.

"Wala pa bang balita?" tanong ni Joker. "Nakakataranta na."

"Kumalma ka nga lang," sabi ni Ace sabay tapik sa binata. "Sampung beses mo nang sinabi 'yan. It's been three hours of searching and alam na nating okay na si Briana at sabi mo pagkagaling ni Honey sa police station ay dito siya sa dorm pupunta. She's on the way."

Ilang minuto ang lumipas at tuluyang dumating ang hinihintay ni Joker. Huminto ang motorsiklo sa labas ng gate ng dorm. Halos takbuhin ng binata ang gate at siya na mismo ang nagbukas niyon upang makapasok ang motorsiklo. Ilang segundong naghintay ang mga nasa loob ng dorm at tuluyang lumitaw si Honey na halata ang pagod sa kaniyang mukha. Wala sa ayos ang kaniyang school uniform at kusang kumawala mula sa kaniyang balikat ang kaniyang bag.

Marahan siyang niyakap ni Jodie. "Ate Honey! Kumusta ka? Si Ate Briana? Sobra akong nag-alala sa inyo."

"Salamat." Habang nakayakap kay Jodie ay naging tipid ang pagngiti ni Honey at bumuntong-hininga. "Galit na galit ang pamilya niya. Sinadya 'yung nangyari kay Briana. Pauwi na din sana ako no'n kaso napansin kong 'di 'yon ang kotse na nakikita kong madalas niyang sakyan. Umangkas ako sa motor ng iba para lang sundan 'yung kotse. Buti na lang at gumana 'yung action moves ko kaya nagawa kong katukin 'yung kotse, buksan tapos kinuha si Briana palabas. Madami pang nangyari pero 'yon nga, nagawa naming i-report sa police station 'yung pangyayari."

"Sinaktan ka ba?" tanong ni Joker at inabutan ang dalaga ng basong may lamang tubig. "Uminom ka ng tubig. Masyado kang hinihingal."

"Salamat." Pagkainom ay dumiretso si Honey sa mahabang sofa at umupo sa kaliwang gawi niyon at tumabi naman si Joker. "Wala akong ni isang galos. Nagulat nga ako kasi 'yung driver ng motor na inangkasan ko, may baril siya kaya nagkaroon ng palitan ng putok mula sa kaniya at sa mga nasa loob ng kotse. Bumangga 'yung kotse at saktong itinapon 'yung baril. Nagkagulo pa nga e. Ang ending, naiwan namin ni Briana 'yung driver tapos ngayon iniisip ko kung nasa'n siya ngayon. Nakaligtas kaya siya? Siguro naman."

"Sino 'yung driver?" tanong ni Ace. "Natanong mo ba kung anong pangalan niya?"

"Richard. I mean, Ric Hard. Bagong kaklase namin. 'Di ko nga inakalang marunong siyang gumamit ng baril."

"Mabuti naman at ligtas na kayo ni Briana," sabi ni Alpha. "Kaka-message lang ni Yhena..."

"Anong sabi?" Nilingon ni Honey si Alpha na nasa hagdanan.

"Nalaman na kung sino 'yung mastermind sa pagdakip kay Briana. At hindi na ako nagulat, kakilala ng pamilya nila ang pamilya nila Richard. Nakakapang-init ng ulo."

"Richard? Who's Richard? Naalala ko kaninang umaga no'ng sinabi kong Richard 'yung pangalan ng new classmate namin e biglang sumama ang mukha ni Sebin. What's happening?"

"Too early for everyone to know," sabi ni Ace. "It's already late. Uuwi ka pa ba?"

"I have to. Sige na, mauuna na ako. Salamat sa pag-aalala ninyong lahat. Wala pa si Tita Ging?"

"On the way na ate," sabi ni Jodie. "Ingat ka."

"Ah, gano'n? Salamat. Good night."

"Good night din, ate."

Tuluyang naglakad si Honey palabas ng dorm pagkasukbit ng bag sa kaniyang balikat. Sasakay na sana siya sa kaniyang motorsiklo nang sumakay din si Joker sa sarili nitong motorsiklo pagkabukas ng gate. Ngumiti lang ang binata at sumenyas na mauna nang paandarin ang motorsiklo ng dalaga.

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now